Halos pabagsak akong humiga sa malambot kong kama. Pagod na pagod ako. Yung katawan ko parang susuko na.
Grabe naman kasi yung mga eighteen roses ko, hindi ako tinantanan kakasayaw!
Yes..
Sa wakas ay nakapag debu na ako. Dalaga na ako at pwede na gawin ang mga nais kong gawin.
Kagaya na lamang ng gagala ako na ako lang mag-isa. Pwede narin akong uminom at magwalwal kahit anong oras ko gustuhin at kahit ano pa na pwede kong gawin na walang pag-aalinlagan.
Sasabihin ko rin kay Papa na tanggalin ang dalawang bodyguards na nakabuntot sa akin tuwing lalabas ako ng mansion.
At sa araw araw tuwing may pupuntahan ako.
Ang saya saya ko talaga ngayong araw. Dahil sa wakas.. malayang malaya na akong gawin ang anumang gusto kong gawin sa buhay ko.
Hindi na ako bata.
Iyon rin kasi ang kondisyon ni Papa sa akin. Pwede kong gawin ang anumang gusto ko sa sarili ko basta sumapit na ang ika-labingwalo kong kaarawan!
Oh, divah? malaya na ang kaluluwa ko ngayon? haha!
Ang dami kong gustong gawin bukas na bukas din!
Oo, bukas na bukas ko uumpisahan. Ayuko lang kasi ng kasama at gusto ko ako lang mag-isa.
Kaso may review pala ako bukas. Sayang naman.
Di bale, may ibang araw pa naman.
Napangiti nalang ako tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. Excited na excited na talaga ako sa mga plano kong gawin.
Pero, nag enjoy ako kanina sa pagsasayaw sa akin ng mga prince ko..
Kahit mga nakamaskara lang sila at tanging mga mata lang nila ang nakikita ko, alam kong kay gagandang mga lalaki sila.
Hindi ko tuloy mapigilan ang sariling matuwa at kiligin. Ayiiihh!
Pero sa labing walo na iyon, si Spinner lang ang nakilala ko. Siya kasi iyong unang sumayaw sa akin.
Ang kulit nga kasi habang nagsasayaw kami sa gitna ay panay naman ang kwento niya about kay Laiza.
Kesyo break na raw sila.
Wala naman akong matandaan sa mga sinabi niya dahil nagagalak ang puso ko sa tuwa.
At yung huling sumayaw sa akin bago si Papa ang nagpapukaw ng atensyon ko.
Hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Para bang kilala niya ako pero hindi ko naman siya makilala kasi nga may maskara ito at tanging damit nya lang ang maaalala ko.
Nagtataka ako.
Alam kong kilala ang Papa ko na myembro ng isang organisasyon.
Ayon sa kanila, mga lalaki lang daw ang pwedeng makapasok sa myembro at may mga kasunduan din silang ipinatutupad.
Wala kasi akong alam tungkol doon kasi isa lang akong babae. Wala rin akong kapatid dahil nag iisa lang akong anak.
Labas rin ang mga babae sa myembro nila Papa ayon sa kwento sa akin ni Mama. Tanging mga lalaki lang raw ang pinapahintulutan na maging kasapi at ayaw na ayaw ng mga ito na pinag uusapan sila sa labas lalo pa at wala sila sa tamang lugar para pag usapan ang tungkol sa kanila.
Iyon lang ang pagkakaalam ko at wala na akong iba pang nalalaman.
Ilang oras na akong pabaling baling dito sa aking higaan ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Ano ba ito? pagod nga ang katawan ko pero ayaw naman magpahinga nitong utak ko. Maging ang nga mata ko ayaw pumikit.
Ginugulo ng estrangherong lalaking iyon ang isip ko.
Sino ba kasi sya? magkakilala ba kami? magkapamilya? magkaibigan noon o magkababata?
At bakit paulit ulit nalang rumirihestro sa utak ko ang mga mata niyang titig na titig sa akin?
Kaakit akit ba ako para titigan niya ng ganon nalang?
Sabagay ang nakapukaw lang naman ng aking pansin ay ang mga mata niyang napakaseryuso kung makatitig sa akin.
Iyong ilong niyang matangos at kapansin pansin. Mas matangos pa yata kaysa sa akin.
At ang higit sa lahat ay ang labi nitong kay sarap sigurong halikan. Animoy ang lambot kapag nadampian? sarap siguro sundot sundutin iyon?
Inis akong napabalikwas at pumunta sa minifridge dito lang rin sa aking kwarto. Kumuha ako ng chocolate milk at dire-diretsong tinungga iyon.
Napahinga ako ng malalim ng maubos ang laman niyon.
Sana naman makatulog na ako. May irereview pa ako bukas dahil 2 days akong absent dahil sa ginanap na 18 birthday ko. Sana naman makahabol pa ako bago mag exam at hindi antukin sa lintik na puyat na ito. Tsk!
Pinilit kong makatulog dahil laglag na talaga ang talukap ng aking mga mata. Pati yung mga mata ko gusto na matulog ngunit itong utak ko lang kasi ang nagpapahirap sa akin.
Idagdag pa yung misteryusong lalaking iyon na hindi ko naman kilala pero kung makaistorbo sa sa akin ay malala.
Kakaibang titig na parang inaakit nito ang buong pagkatao ko.
Bweset talaga.. ipapahanap kita kay Papa humanda ka. Malalagot ka sa akin dahil hindi mo ako pinapatulog ngayong gabi, arrggg!!!!
Kinabukasan, tamad na tamad akong bumangon. Kung hindi lang ako kinatok ng isa sa mga maids namin ay hindi pa talaga ako babangon. Inaantok pa ako eh.
Sabay sabay kaming nag agahan nila Mama at Papa. Katulad ng nakagawian, palaging nauunang umalis si Papa dahil sa trabaho nitk.
Sanay narin kami ni Mama na palaging ganoon si Papa at kung minsan pa nga ay palaging wala si Papa sa bahay.
Pero pagdating naman nito galing sa trabaho ay ang mahigpit na yakap at pag aalala naman sa amin ni Mama ang pasalubong ni Papa.
Pagdating kasi sa amin ay hindi kami nito pinapabayaan. Palaging kinakamusta ang kalusugan namin.
Kahit sa anumang celebration at bonding naming pamilya ay palagi siyang naroon kasama namin. Hindi rin siya nagkulang sa atensyon sa amin ni Mama.
Mapagmahal at mabait na Ama si Papa.
Iyon nga lang ay palaging may mga nakabuntot sa amin na mga tauhan ni Papa na hindi ko naman alam kung para saan ang mga iyon.
Ewan ko, para kaming anak ng presidente ng pilipinas kung palibutan ng mga bantay.
Minsan sinasabi ni Mama kay Papa na tanggalin na ang mga ito pero hindi pumapayag si Papa. Para raw iyon sa kaligtasan namin at para rin daw maproteksyon kami sa tuwing lalabas ng bahay.
Gusto ko sana tanungin si Papa kung anong meron sa trabaho niya kung bakit ganoon siya mag alala sa amin pero nag aalangan akong sabihin iyon.
Ang palagi kasing paliwanag ni Papa sa akin ay labas raw ang mga babae sa organisasyon nila ayon sa patakaran ng nakakataas sa kanila.
Malalaman ko lang raw iyon kapag nag asawa na ako.
Ayuko nga? ayukong mag asawa! wala pa yung prince charming ko eh at iyon ang hinihintay ko.
S-Sa tamang panahon.. hehe!
Ang sabi ay isang myembro ng Gang si Papa pero sa nakikita ko ay parang hindi naman. Kasi ang mga kasuotan niya ay kakaiba kumpara sa nakikita kong mga gangster sa pilikula.
Ibang iba kumpara sa suot ni Papa sa pang araw araw.
Bukod sa organisasyon ay wala na akong alam pa tungkol sa Papa ko dahil wala silang naikikwento sa akin tungkol sa mga iyon.
Ni hindi ko nga alam kung sino ang leader sa kanila at kung talagang member nga si Papa. Kasi sa tuwing may bisita siya sa bahay ay pinapaalis niya ako at pinapapunta sa aking kwarto.
Ang totoo wala naman talaga akong ineteres sa kung anong ginagawa ni Papa.
Mag isa ako ngayon nagrereview dito sa faculty nang abutan ako ng bell hudyat na breaktime na.
Ganito palagi ang nakagawian ko. Gusto ko palaging mapag isa at nakikinig lang ng music.
Hindi naman sa ayaw kong makipagkaibigan. Hindi rin naman ako binubully ng kapwa ko estudyante. Siguro kilala nila kung sino ako at ang pamilya ko.
Medyo iba rin kasi ang mga estudyante rito. Palibhasa isang class A itong paaralan na ito kaya hindi na ipagkakaila na puro mga mayayaman ang mga nag-aaral dito.
Karamihan sa kanila ay mga spoiled brat. Feeling mga inosente pero ang totoo, mga sadista. Kagaya nalang ni Laiza.
Si Spinner lang yata ang kilala ko rito at kaibigan narin.
Palakaibigan kasi ito at hindi rin naman nakakaboring kausap.
Iyon nga lang dahil naiirita ako sa kaniya kung minsan dahil sa ibang ugali nito. Masyadong makulit!
Speaking of Spinner, nandito na naman s'ya.
May mga kasama siya at mukhang makakasalubong ko pa yata ang mga ito. Tsk!
Hindi ko kilala kung sino ang mga kasama niya kaya nagkunwari akong hindi ko siya nakita.
Isinuot ang aking headphone at nag open ng music. Nagkunwari akong may kinakalikot sa aking cellphone.
Nang malapit na kaming mag pang abot ay agad nitong hinawakan ang aking braso.
Kaya naman napahinto ako at inangat ang aking mukha para tignan ito.
Lumapit ang mukha nito sa akin. "Sama ka?" bulong nito.
Nangunot ang noo ko.
"Saan na naman?" tanong ko.
Sinulyapan ko ang mga kasamahan nito. Nagtataka ako dahil hindi sila nakasuot ng uniform kagaya ng uniform namin.
Normal lang na damit.
Yung isa seryuso ang mukha at yung isa naman ay may pangisi-ngisi pang nalalaman.
"Ah, sya nga pala!" biglang sabi ni Spinner ng makita nitong nakatingin ako sa dalawang kasama niya na nasa likuran nito.
"Mga kapatid ko nga pala. Si Weasley at si dwune. Sila yung kakausap kay professor Henry at kay congressman Olivares" pagpapakilala nito sa dalawa.
Nangunot lalo ang noo ko.
"Congressman.. O-Olivares? bakit naman narito si congressman--"
"Kaya nga kailangan mong sumama sa akin dahil kasali ka rito sa gulo." sabay hila sa aking kamay.
"A-Ano!?"
Napanganga nalang ako habang nagpapatianod sa kaniya. Hindi na ako nakatanggi pa dahil sa lakas ng pagkakawak ni Spinner sa kamay ko at hindi ko na mabawi pa.
Nagpaubaya nalang ako rito na sumama papuntang conference room.
Tama nga ang hinala ko, ito nga ang ama ni Laiza na girlfriend nitong si Spinner. O mas magandang sabihin ay EX-girlfriend ni Spinner.
Ano na naman kayang gulo ang sinasabi ni Spinner at bakit kasama ako?
Naupo kami sa mahabang upuan. Katabi ko si Spinner at katabi naman nito ang dalawa pa nitong kapatid.
Sa harapan naman namin ay ang mag ama na sina Laiza at si congressman Olivares.
Nasa unahan naman ng upuan namin nakaupo si professor Henry.
Matalim akong tinitigan ni Laiza.
Tinapunan ko lang ito ng malamig na tingin at pagkatapos ay bumaling sa katabi ko.
"Anong ibig sabihin nito Spinner?" bulong ko.
"Hindi ko rin alam. Nalaman ko nalang sa mga kuya ko na pinapatawag ako ni punong propesor." hindi ito nakatingin sa akin ng sagutin ang tanong ko.
Nagtagis ang aking bagang na tumingin kay Laiza.
"Mr. Henry, gusto kong sabihin sa iyo na tanggalin mo ang mga estudyanteng iyan dito sa paaralan na ito. Hindi magandang pag-uugali ang pambubully sa kapwa nila estudyante!" anang congressman.
Galit na galit itong nakaharap sa punong professor. Tinuro pa nito ang kinaroroonan namin at sa palagay ko ay kami ni Spinner ang tinutukoy nitong nambubully.
Ahh! talagang--kailan pa ako nambully?
Tatayo na sana ako para sagutin si congressman ng pigilan ako sa kamay ni Spinner.
Sinulyapan ko siya. Umiling lang ito sa akin.
Umayos akong muli ng upo.
"Malaki ang ibinabayad ko sa eskwelahang ito para maalagaan at maprotektahan ang anak ko mula sa mga hampas lumang kabataan tulad nalang nila mapanakit!" tumataas na ang boses ni congressman sa galit.
Paulit ulit rin nito kaming dinuduro.
Tumataas na rin ang aking tensyon. Gusto kong sugurin si Laiza at tanungin kung ano ang ginawa naming mali para pagdiinan ni congressman ang sinasabi nito wala naman katotohanan.
Pero pigil pigil ako ni Spinner. Mahigpit na pinipigilan sa kamay.
Kung makapagsalita itong matandang lalaki na ito akala mo siya ang may ari ng university! malaki rin naman ang ibinabayad ng pamilya ko ah? bakit siya magpapalayas ng basta basta?
Baka isampal ko pa sa kanila ang halaga ng pera na higit pa sa ibinabayad nila rito? kahit menor de edad ako, marunong akong magpahalaga ng pera kaya nasisisguro kong malaki na ang naipon ko sa account ko at iyom ang isasampal ko sa pagmumukha ng congressman na yan. Kasama na ang anak niyang sinungaling!
"Mawalang galang na congressman Olivares, huminahon lang po kayo. Napag-uusapan naman po natin ito ng hindi nagkakainitan ang ulo." sabi naman ni professor Henry.
"Hindi rin po basta basta ang pagpapatalsik ng mga estudyante lalo na't mga top student po sila." dagdag pa ni professor.
"So, sinasabi mo ba professor na mga scholarship lang sila, ganon? kung utak lang ang meron sa kanila, bakit dito pa sila nag aral kung hindi naman nila kayang magbayad ng malaking halaga?"
Sumusubra na talaga itong matanda na ito!
Sinamaan ko na naman ng tingin si Laiza.
Nakahalukipkip ito habang nakangising pinagmamasdan kami.
Humanda kang babae ka! kung ano ano siguro pinagsasabi mo sa mayabang mong pudrasta!
"At nagsama pa ng mga kakampi! malalaki lang naman ang mga katawan ng mga 'yan pero mga wala naman binatbat!" dagdag pa ni congressman. Galit na galit pa itong tumingin sa mga kapatid ni Spinner.
"Sumusubra na po kayo!"
Hindi na ako nakatiis kaya malakas kong hinaklit ang kamay kong hawak ni Spinner at hinarap ang matandang congressman.
Tumayo ako at naitikom ang mga kamao. Sunod sunod akong huminga ng malalim dahil sa inis na nararamdaman ko sa mga pinagsasabi nitong ama ni Laiza.
"Stop!" napabaling ang atensyon naming lahat sa baritonong boses na iyon na kung sino.
"Kuya Weasley.." ani naman ni Spinner.
"Hayaan na natin sila. Bayaran ko lang ang mga 'yan para matapos na ang problemang ito." rinig kong sabi pa ni Spinner.
Parang wala namang narinig ang tinawag ni Spinner na kuya Weasley.
Kalmado lang nitong isinandal ang likod sa sofa at nagdekwatro pa ang mga binti nito habang pinagkrus naman ang mga braso sa dibdib.
"Umupo kana Bisky. Hindi mo dapat pinapatulan ang mga kagaya nilang matapobre." matigas pa nitong sabi.
Napukaw ang pansin ko sa normal nitong boses. Bumilis rin ang kabog ng dibdib ko. Mataman ko siyang sinulyapan.
Para kasing narinig ko na ang boses na iyon pero hindi lang sigurado kung saan ko iyon narinig.
Umupo na lamang ako at nanatiling nakikinig. Wala na sa isip ko ang pinag uusapan nila dahil iniisip ko kung saan ko nga ba narinig ang boses na iyon.
Nawala narin ang inis na nararamdaman ko dahil sa halo halong gumugulo sa utak ko.
Ang boses na iyon.. a-alam kong narinig kona iyon pero hindi ko alam kung saan?
At bakit pati itong puso ko naglulukso lukso sa hindi ko maipaliwanag?
Nahihiwagaan ako sa boses niyang iyon. Sino ba siya?
"Kung sino man ang dapat na mapatalsik dito, kayo iyon! dahil hindi naman nila kailangan umalis dito." ani pa ng tinatawag na Weasley.
"A-Anong.. ibig mong iparating?" tanong ni congressman.
"Dahil ako lang naman ang nagmamay-ari nitong university na'to."
Ang mga katagang iyon ang nakapagpatigil ng oras ko.