"A-Anong sabi mo?" gulat na tanong ni Papa.
Makalipas ang tatlong araw mula nang maglayas ako ng bahay at ihinatid ni Spinner, madalang na akong kausapin ni Papa. Kaya naisip ko na baka ang tungkol sa kontrata ang rason kaya naging mainitin ang ulo nito.
Hindi man sa akin kundin sa mga tauhan niya.
Madalas nitong masigawan ang mga bodyguard niya na kapag wala siya sa mood. Kagaya kahapon, siguro kung hindi siya napigilan ni Mama ay baka nakabasag na ito ng gamit sa bahay.
Buti nalang pagdating sa amin ay kumakalma ito at tumatahimik nalang.
"N-Naisip ko kase na.. w-wala naman po talaga akong magagawa sa kasunduan na iyon kundi ang sumang ayon nalang.." napayuko ako habang nasasalita at nasa harapan ko naman ang aking mga magulang.
"Sigurado kana ba talaga sa disisyon mong 'yan? baka mamaya pagdating ng oras ng kasal mo ay bigla ka na lamang magwalk out?"
Umangat ako ng tingin at napaka seryuso ng mukha ni Papa na nakatingi rin sa akin.
"O-Opo.." kahit kinakabaha, tumango nalang ako.
Lumapit naman si Mama sa akin at tumabi ng upo. Hinagod nito ang mahaba kong buhok na nasa aking likuran.
"Huwag kang mag-alala anak, nandito lang si Mama. Hindi kita pababayaan. Lagi kitang pupuntahan kapag magkasama na kayo ng mapapangasawa mo." anito.
Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Kahit papaano pinapagaan ni Mama ang pakiramdam ko kahit pa hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko.
Sinulyapan kong muli si papa. Tumango ito at pilit na ngumiti.
Sana masaya kayo sa naging pasya ko.. P-Papa.
"kung ganon, sasabihin ko na sa iyo kung sino yung lalaking iyong mapapangasawa."
Napabuntong hininga ako at matagal bago magsalita.
"S-Sige po.. kayo na pong bahala, Papa."
Ibinaba nito ang hawak na dyaryo at pinagsiklop ang mga kamay.
"Isa sa mga anak ni Mr. Anderson."
Nagtatakang tumitig ako kay Papa. Pagkatapos ay kay Mama naman ako napasulyap.
Napatango lang sa akin si mama ay muli kong binalikan ng tingin si Papa.
"In last, you will be able to accept that man one day."
Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Papa. So walang posibilidad na maghihiwalay rin kami balang araw?
At saka.. s-sino raw?
Anderson?
Isa sa mga anak ni Mr. A-Anderson?
A-Anong..
Ibig bang sabihin nito..
Na baka s-si Spinner ang ipagkakasundo sa akin?
Ba-Bakit.. bakit naman sya pa?
"Papupuntahin ko sila dito mamaya. I also invited them for a dinner with us. Kaya magkikita narin kayo at makilala nyo na ang isa't isa." sabi pa ni Papa.
Ngayon palang gusto ko ng bawiin ang sinabi kong pagpayag sa kasunduan.
Bakit si Spinner pa?
Bakit kay Spinner na sa dinami dami namang lalaki sa mundo?
A-At bakit hindi nalang si..
Hayst!
Hindi pa kami nagsasama sumasakit na ang ulo ko dahil sa kanya. Iisipin ko palang na si Spinner ang makakasama kk sa sa iisang bobong nangungunsumi na ako.
Parang maglulusyang agad ako nito dah sa kanya kapag nagkataon talaga na sya ang lalaking iyon. Araw araw yata kami magbabangayan nito.
Hayy! ano bang kapalaran itong ibinigay sa akin? bakit ganito? subrang lala naman masyado!
"Uhm, Pa. Itatanong ko lang po," bigla akong may naalala.
"Ano yun?"
"P-Paano po kung.." bigla akong natigilan. Kinabahan rin sa kabilang banda.
"What if..?" seryuso itong naghihitay sa susunod kong sasabihin.
Tumingin muna ako kay Mama.
"Ahm.. di bale nalang po. Hindi naman iyon importante."
Huwag ko nalang siguro itanong. Baka magalit pa.
Sasabihin ko sana na kung pwedeng hindi muna kami magsama sa iisang bahay at kung pwede separate kami ng bahay ang kaso umurong ang dila ko sa kabang nararamdaman.
Yung kasal nga kami pero sa papel lang naman. Ayuko pa kasing matali sa isang tao na hindi ko naman lubosang mahal. Ni hindi ko nga kilala kung si Spinner ba talaga ang tinutukoy ni Papa.
Lalo na kung si Sppiner talaga ang makakatuluyan ko. Hindi ko naman kasi lubos na nakagaanan ng loob si Spinner at lagi pa kaming nagtatalo. Hindi kami magkasundo sa ibang bagay. Kagaya nalang sa nangyari sa girlfriend niya. Nadamay pa ako sa gulong wala naman akong kinalaman.
Lalo na kung minsan naiinis ako sa kaniya.
Pagsapit ng gabi, nag ayos na ako ng aking sarili. Ang sabi kasi ni Papa ay maghanda ako sa pagdating ng pamilyang Anderson. Hindi ako excited sa totoo lang.
Exactly 7:00 oclock ng gabi ay nakaready na ako. Katunayan kanina pa ako tapos mag-ayos sa sarili ko ngunit nagpalipas lamang ako ng oras. Kung pwede lang na hindi na ako humarap sa kanila ay ginawa ko na.
Kung hindi ko lamang iniisip ang mga magulang ko.
Simple lang ang suot ko. Wala kasi akong gana at parang gusto ko na lamang uminom ng sleeping pills para makatulog ako nang hindi nagigising kahit anong pilit nilang gising sa akin.
Maya maya lang ay may biglang kumatok sa pinto. Boses iyon ni Manang Bineng kaya pinatuloy ko na siya.
"Nariyan na ang pamilyang Anderson. Pwede ka ng bumaba, Iha." anito.
Ngumiti ako ng tipid at saka tumango.
Napabuga ako ng hangin. No choice kundi ang humarap sa kanila. Alang alang kay Papa sa gusto nila.
Simpleng dress lang ang aking suot na hanggang tuhod ang haba. Yellow color ang napili kong kulay. Nilugay ko lang ang aking buhok saka naglagay ng kaunting bulbos at light pink liptint.
Sinipat ko muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto.
Nakailang hakbang na ako sa hagdan ng mapansin ko ang isang lalaki na nakatalikod sa hangganan ng hagdanan. Nakatayo ito roon at likod palang nito ay nahihiwagaan na ako. Napakakisig ng tindig.
Sa suot niyang napakapormal, masasabi kong napakailegante niyang tingnan.
Ngunit hindi parin ako masaya. Sana man lang Spinner maging maganda ang buhay ko sayo.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan, dahan dahan itong pumihit paharap sa akin. At doon parang tumigil ang oras ko.
Nang unti unti kong makita ang lalaking humaharap sa akin at naghihintay sa pagbaba ko, hindi ko mapagilan ang aking sariling kabahan.
Kumabog ng napaka bilis ang puso ko. Nanghihina rin ang aking mga tuhod at parang hindi na ako makakilos pa.
Totoo ba itong nakikita ko?
Bakit siya nandito?
Oo nga pala, malamang nandito rin siya para suportahan ang kapatid niya sa kasunduan ng pamilya.
Ano pa nga ba inaasahan kong gagawin niya rito?
Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin sa kabilang linya.
I miss you..
Ay! lihim tuloy akong kinilig.
Bakit naman kaya niya ako namimiss?
Ang wierd lang.
Nagpatuloy ako sa paghakbang kahit pa nagulat ako sa pagharap niya.
Nang makarating sa ibaba ay nagulat na naman ako dahil inilahad nito ang kamay sa akin.
Pinagmasdan ko iyon at napalunok.
Nanginginig na tinanggap ko iyon.
"Your so beautiful.." anito at ngumiti ng napaka ganda.
Sh!t, Weasley! papatayin mo ako sa ngiti mo!
"Uhm, t-thank you." kinakabahang ngumiti ako ng malapad.
Iba ka talaga Weasley pagdating sa pagngiti. Dapang dala pati puso ko.
"Ler's go? naroon na silang lahat sa dining." ani pa nito.
Tumango lamang ako at saka madiin na napalabi.
Nasa hapag na kami. Nandito si Mr. Anderson. Ang Ama nila Weasley at pati ang isang kapatid nito na si Dwune ang pagkakakilala ko.
Wala yata si Spinner? kung kailan naman siya ang importante dito sa dinner na ito ay siya pa ang wala?
Asan na ba s'ya?
Halos patapos na kami sa pagkain ngunit wala parin si Spinner.
suumulyap ako kay Weasley na katabi ko ngayon.
Nagsalubong agad ang mga mata namin dahil namataan nitong nakatingin ako sa kaniya.
hindi ko alam inaakala na mapapatingin rin pala siya sa akin kaya naman tinambol na naman ang aking dibdib.
Ngumiti naman ito sa akin at kumindat pa.
Nagwala tuloy lalo ang puso ko.
Napalunok ako.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. Nasa harapan ko si Dwune at katabi naman nito ang Ama nila samantalang nasa dulo naman nitong mesa si Papa. Katabi ko maman si Mama sa kanan at si Weasley ang katabi ko sa kaliwa.
Bumaling ako kay Mama.
"Ma.." bulong ko. "nasaan po si Spinner? bakit wala s'ya rito?"
"Hindi ko alam, Anak eh. Nagtataka nga rin ako kasi siya lang ang kulang rito." sabi naman ni Mama.
"Baka mamaya lang ay narating na iyon."
"Ganon po ba--ay!" bigla akong napasigaw sa gulat.
"What happened?" nag-aalala namang tanong ni Papa.
Tumingin ako sa aking hita.
Nakita kong naroon ang isang kamay ni Weasley. Pinipisil pisil iyon.
Pinandilatan ko ito ng mata saka sinagot ang tanong ni Papa.
"Ahm, w-wala po. Hehee.." lihim kong hinawakan ang kamay ni Weasley na nakapatong parin roon sa hita ko. Pilit ko iyong inaalis. Pinandilatan ko ulit ito ng mata.
"Okay kalang ba, Anak?" napabaling ako agad kay Mama.
Magsasalita na sana ako nang pisilin na naman ni Weasley ang hita ko.
"Ahh, may gusto lang pong sabihin sa akin si Bisky, Tita." mabilis akong napalingon sa kabila. Kay Weasley. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin rito.
"Oh! you already two are close?" napabaling akong muli kay Maman.
Sumagot na naman yung sa kaliwa ko.
"Yes, Tita. Hindi naman po mahirap pakisamahan si Bisky. Hindi ba Bisky, hmm?" nang pisilin niyang muli anh hita ko ay sinamaan ko na ito ng tingin.
Sapo ko nalang ang aking noo dahil sa pagpapalitan ng salita nitong dalawang katabi ko.
Kulang nalang mabali na ang ulo ko kakalingon pakaliwa at pakanan dahil sa mga ito
Bakit hindi nalang kasi sila ang magtabi na hindi na ako naiipit sa usapan nila?
Halos wala na akong matandaan sa nagpag-usapan ng dalawa katabi ko. Napagod na siguro ang ulo at tenga ko sa kaka pakinig sa kanila kaya namanhid na.
"Hindi ko alam na close kayo nitong si Bisky, Weasley?" madiing tanong ni Papa.
Kahit nakatuon ang mga mata nito sa pagkain, talagang matetensyon ka sa tono ng boses ni Papa kapag ito ay nasa serious mood.
"Uhm, pasensya na po bos--Mr. Thomson." nakita kong napayuko si Weasley kaya sinulyapan ko naman si Papa.
Matalim ang mga mata nitong ipinukaw kay Weasley ngunit nang makita ako ni Papa na nakatingin sa kaniya ay napangiti nalang ito bigla.
Anong meron? parang may napapansin akong kakaiba kay Papa.
Narito na kami ngayon sa may sala. Nagpahanda si Papa ng tsaa at alak naman sa kanilang mga lalaki.
Gaya ng dati, tumabi sa akin si Mama sa isang mahabang sofa. Sa harap naman namin ay ang mag aama na Anderson. Ngayon ay katapat kona si Weasley. Si Papa naman ay nasa isahang sofa nakaupo.
Pasulyap sulyap ako sa main door. Nababakasakaling dumating si Spinner.
Bakit hanggang ngayon ay wala parin si s'ya? saan ba s'ya nagpunta? hindi ba sya pupunta?
Sa isiping iyon ay bigla akong nabuhayan. Kung sakali man na hindi sumipot si Spinner, may posibilidad na hindi matutuloy ang kasunduan.
Tama!
Parang nagkaroon tuloy ako ng pag asa. Gumaan bigla ang pakiramdam ko dahil sa naisip ko. Siguro nga hindi talaga kami magkakasundo ni Spinner dahil hindi naman talaga namin gusto ang isa't isa.
Natutuwa ako.
"Soryy, Im late!"
Bigla akong nanghina pagkarinig ko sa boses na iyon at makita ko si Spinner na kararating lang at ngayon ay nakaupo na ito katabi ni Dwune.
"It's okay. Sakto lang naman ang dating mo." sabi ni Papa.
"May inasikaso lang po akong mahalagang bagay." ani Spinner.
Awtomatikong napatingin ito sa akin. May mga bandage pa ang mga kamay nito pati na ang mukha.
Nag-aalala ko siyang tiningnan.
Nakipag away na naman ba s'ya? lagi ko nalang siya nakikitang ganito. Palaging may pasa. O di kaya naman ay may mga band aid ang ibang parte ng katawan nito. Palaging napapaaway at kapag tinatanong ko naman kung sino ang may gawa para sana ituro sa mga pulis ngunit hindi ito nagsasalita. Bagkus ay iniiba ang usapan.
Seryuso? ito alaga ang mapapangasawa ko? basagulero?
Sana hindi ka nalang dumating, Spinner. Nakakainis. Gusto nya rin ba itong arrange marriage na ito kaya sumipot pa s'ya?
Bagsak ang balikat kong napayuko.
Ano ba naman ito. Umaasa pa naman ako na hindi ka sisipot tapos ngayon nandito ka na? Spinner naman!
"Ngayon na nandito na kayong lahat, mas mabuting umpishan na natin ang usapang tungkol sa kasal." pukaw ni Papa kaya napunta sa kanya ang atensyon naming lahat.
"Sang ayon ako Mr. Thomson." anan ni Mr. Anderson.
"Ngayon na pumayag na ang aking anak sa kasunduan, at kahit may pirmahan na sila sa papel ay gusto ko parin na maikasal kayo sa simbahan. Babae ang anak ko at kailangan sagrado ang kasal dahil ayukong maagrabyado ang anak ko." mahabang paliwanag ni Papa.
"Naiintindihan namin kayo Mr. Thomson. Masusunod ang anumang nais nyo." anang Ama ni Spinner.
Sila sila lang ang nag uusap. Walang gustong magsalita. Parang lahat ng mga magiging disisyon ni Papa ay laging masususnod. Sa kaniya nakasalalay ang bawat naisin niya.
Ano bang meron kay Papa at parang alang nais tumuyol?
Parang may iba sa kanya, eh.
"Kung ganon masaya ako para sa inyong dalawa." sabi naman ni Mama at ngumiti sa akin.
May mga napag usapan pa sila kung ano ano. Lumilipad ang isip ko kaya at wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Wala sa kanila ang pansin ko dahil kahit kailan, hindin ko iyo magugustuhan.
Yung iba na napag-uusapan nila ay ungkol sa trabaho at yung iba naman ay sa organisasyon nila na wala naman akong naiintindihan tungkol doon.
Ewan ko lang kay Mama kung may naiintindihan siya sa mga pinag uusapan nila ni Papa at Mr. Anderson.
Seryusong nakikinig ang mga ito samantalang ako parang gusto ko na lamang umakyat sa kwarto ko ata mukmok roon.
"Bisky, anak." blangko ang mukhang napatingin ako kay Papa.
"Sinisiguro kong hindi ka magsisisi sa naging disisyon mo. Matagal ko na siyang gusto para sa iyo at ito na nga, nangyari na ang nais ko." masayang masaya ang hitsura ni Papa.
"Sya na talaga ang napili ko umpisa pa lamang kaya hindi kona siya punakawalan pa." dagdag pa nito.
Kayo lang naman masaya Papa, mmpp!
"Ngayon anak, I will tell you who will be your husband. My clue kana ba?" masayang tanong ni Papa.
"S-Si Spinner po?" tipid kong sagot.
"Ha!?"
"What!?"
"Eh!?"
Lahat sila napatingin sa akin.
Nagtataka akong napakunot ng noo.
Bakit ganito mga reaksyon nila?
"What?" ang Papa naman nila Spinner. Gulat ang reaksyon nito at napapatingin pa kay Papa.
"B-Bakit po?" inosenteng tanong ko. Napatingin ako kay Papa.
"Si Weasley, Anak. si Weasley ang nakatakda sa'yo." ani Papa.
Laglag ang panga kong tumingin sa harapan ko.
Sumilay dito ang nakakapang laglag panty na ngiti kasabay ng pagkindat nito sa akin.
W-Weasley.. alam mo ba i-ito..?