CHAPTER 9

2643 Words
Halos hindi ako makatulog kakaisip sa mga nangyari nang gabing iyon. Tuwing naiisip ko ang mga kaganapan mula ng maipaalam sa akin ang tungkol sa kasal, iniisip ko kung alam na ba niya ito nong una naming pagkikita? Ako ba yung babaeng sinasabi niya doon sa condo niya? Bakit hanggang ngayon ay hindi siya nagpapakita sa akin? matapos ang gabing pumunta silang magpamilya dito sa mansion at pinag-usapan ang kasal, bakit hindi na siya nagpakita pa? Halos isang linggo narin ang nakakalipas mula ng maghapunan sila dito sa bahay. Saan kaya siya nagpunta? Natawagan na niya ako ng isang beses pero bakit hindi na siya tumawag muli? Marami akong gustong itanong sa kanya at isa na roon ang napagkasunduang kasal. Siguro naisip nito na mali ang naging disisyon niyang maipagkasundo sa akin. At kahit naman siguro sino hindi matatanggap ang ganitong set up. Ang laki ng agwat naming dalawa at hindi pa namin kilala ang isa't-isa. Kahit nga ako ay nabigla sa nangyari. Ang buong akala ko ay si Spinner ang lalaking nakatakda at pakakasalan ko. Kundi ang nakatatandang kapatid pala nitong si Weasley. Tapos ang sabi pa ni Papa, hindi ko pagsisihan ang pasya ko na pumayag sa kasunduan, eh ngayon pa nga lang na hindi nagpapakita sa akin si Weasley ay nagsisisi na ako. Oo nga, kahit papano masaya ako na siya ang mapapangasawa ko pero kung ganitong wala siya at hindi nagpapakita, paano ko siya makikilala? Paano kami magkakaroon ng pagkakataon na makilala ang isa't-isa? Sa edad naming ito mukhang tiyuhin ko na siya. Siguro nakapag isip-isip na ito. Baka umatras na at kung sakali man na aatras siya sa napagkasuduan, sana naman sabihin niya kaagad nang hindi umasa si Papa. Umaasa pa naman ito at masayang pumayag ako. Hindi na nga masyadong mainitin ang ulo nito, eh. Naipilig ko ang aking ulo. Si Papa ba talaga ang umaasa o ako? Hayst.. "Bisky!" napapitlag ako nang may tumabi sa akin. Si Spinner umupo sa aking tabi. "Bakit ka nandito?" malumanay kong tanong. Kakatapos lang kasi ng klase ko at hindi muna ako umuwi. Nagtambay muna ako dito sa playground malapit lang din sa school. "Para tumambay?" tanong nito. "Mhmm.." "Nagtataka lang ako." aniko. "why do you always find me when I hang out?" "H-Ha?" medyo nagulat naman ito. "nagkataon lang yun, no?" sabi nito at uminom ng dala-dala nitong inumin. "Gusto mo?" alok nito kalaunan. "Ayuko. Iniinom mo yan eh." "Ito, oh? may binili pa akong isa." inabot nito sa akin ang nakaseal pang softdrinks. "Huwag mong sabihin pati ito planado ko, ha? lagi talaga akong may dalang extra." tinutukoy nito ay ang inaabot niya sa aking inumin. Binuksan ko naman iyon at saka uminom. "Anong iniisip mo? mukbang malalim yang kinikimkim mo, ah?" pagkuwa'y tanong nito. "Paano ba naman yang kapatid mo." "Ano? ang kapatid ko? sino don? si kuya Weasley ba? oyy.. namimiss mo no?" malapad itong nakangiti. nag-uumpi na naman itong mang-asar. "Hindi ah! naisip ko lang, bakit hindi kona siya nakita mula nang magpunta kayo sa bahay? umatras naba s'ya?" nakasimangot ako. "Bakit ganyan ang hitsura mo? huwag mong sabihin may gusto kana kay kuya?" pang aasar pa nito. "Ano kaba naman Spinner!" pinalo ko ito sa kaniyang balikat. "walang ibang rason iyon, no? iniisip ko lang naman kung aatras naba siya, hindi yung kung ano-ano kaagad 'yang iniisil ko." napanguso ako "Sorry naman." "Sana naman sabihin n'ya kaagad para hindi umasa sa kanya si Papa." Narinig ko ang bumuntong hininga nito. "Baka may inaasikaso lang si Kuya. Huwag kang mag aalala, tutupad iyon sa kasunduan. Mahalaga lang talaga ang lakad niya kaya hindi siya nakakapagparamdam sa'yo." tinapik nito ng mahina ang aking balikat. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Parang pinapalabas niya na nalulungkot ako sa hindi pagpapakita ng Kuya niya. Masyado ba akong halata? "Nagdyan lang siya sa tabi tabi." dagdag pa nito pero nakasilay ang kapilyuhang ngiti sa labi. "Asan?" bigla akong napalingon sa paligid dahil roon. "Joke lang, hahaha!" Napasimangot ulit ako sa kaniya. "Bweset ka talaga!" pinagpapalo ko ito sa kanyang braso. Ang impaktong ito tawa pa ng tawa. "Mabilaukan ka sana kakatawa mo!" "Bakit kasi ganiyan ka sa pagkawala ni Kuya? hehehe." "Ewan ko sayo!" Nang makauwi ng bahay, nakasalubong ko ang napakaraming tauhan ni Papa sa labas ng mansion. May nagpupulong pulong rin sa bandang harden. Napakunot ako nang maiparada ni Mnong ang sasakyan. Anong meron? "Hindi nyo pa s'ya nakikita?" narinig kong ani Papa at nakita ko pang pinagsisigawan nito ang isang grupo ng mga tauhan niya. "Ano pang mga ginagawa nyo? lumayas na kayo at hanapin nyo sila! kung kinakailangang libutin ang buong lugar, gawin nyo! basta mahanap nyo lang sila!" sigaw ni Papa. Galit na galit ito at kitang kita na ang mga ugat sa leeg sa subrang galit nito sa mga tauhan niya. "Yes boss!" sabay sabay naman nilang sabi at yumuko bago magsilisan. Napayuko pa ang mga ito nang malagpasan ako. Anong nagyayari? "O-Ohh.. y-your here?" parang gulat pa itong makita ako. Inayos nito ang sarili at nawala ang galit sa kaniyang mukha nang lumapit sa akin at humalik sa pisngi. "A-Ano pong.. nangyayari, Pa?" maang na tanong ko pagkatapos kong magmano sa kaniya. "There is just a little problem. Dont mind theme, Anak. Trabaho lang." halata sa kaniya ang pilit pinapakalmang sarili. "Kumain kana ba? umakyat kana para makapagpalit ka." pagkuwan ay tanong nito. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Papa. Mukha siyang balisa sa hindi maipaliwanag. Ano bang klaseng trabaho iyon at ganon nalang ang galit na nakita ko sa mukha ni Papa? Pilit rin ang mga ngiti niyang ipinakita sa akin. Ngumiti ako ng tipid at nagpaalam sa kaniya para magpalit ng damit. Nang makapag palit ng damit ay bumaba ako kaagad para maghapunan. Naabutan ko na naman si Papa na galit na galit at may kausap ito sa telepono. "Naloko na! Sige, pupunta ako!" sabi nito at dali daling kumilos papaalis. Ni hindi na niya ako napansin at umalis ng walang paalam. Kinakabahanng hinatid ko na lamang siya ng tingin. Ano ba nangyayari? Sa tingin ko ay may hindi magandang nangyari kaya ganoon ang kilos ni Papa. At tlaga bang hindi pwedeng manghimasok ang mga anak sa organisasyong tinutukoy nila? Labis akong nag aalala para kay Papa. Teka, nasaan ba si Mama? Parang hindi ko siya nakita? Si Weasley kaya? okay lang ba sya? Bakit bigla akong nakaramdam ng kaba nang mabanggit ang pangalan niya? Sana okay lang s'ya. At saan naman kaya papunta si Papa? Ang dami kong tanong sa sarili ngunit walang makakasagot dahil wala akong matatanungan rito sa bahay. Kung meron man ay hindi sila nagsasalita. Makalipas ang tatlong araw, hindi ko masyado nakakausap ang mga magulang ko. Kapag tinatanong ko naman si Manong. Ang personal driver ko ay ang tanging sagot lang nito ay busy ang mga magulang ko sa trabaho. Bila nalang din ang araw para sa darating kong kasal. May halong takot at kaba ang nararamdaman ko lalo pa at hindi ko naabutan sa bahay ang mga magulang ko. Wala man lang any updates kung tuloy nga ba ang kasal na magaganap. Kung titimbangin siguro ang pakiramdam na nararamdaman ko, siguro 70% nervous and 30% ay natatakot. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot. Siguro dala lang iyo ng pag-aalala ko. Habang abala ako sa pag scroll-scroll sa aking f*******: account ay biglang may message na dumating sa akin. Ibang number na naman ang nakarihestro doon. 'How are you? did you miss me a lot?' Napataas ang kilay ko dahil sa mensaheng iyon. Sino naman kaya ito ang magpapadala ng mensaheng ito na ganito ang laman? Hindi ako nagreplay at pinagpatuloy lang ang pag e-scroll. Hindi nagtagal ay bigla itong tumawag. Nag aalangan akong sagutin iyon dahil sa unknown number lamang iyon. Baka nawrong send lang. Nagring muli iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko o huwag nalang. Ngunit wala ring tigil sa pagring iyon. Katagalan ay tumigil rin ang pagring. Sa pambabalewala ko ay tumunog na naman ang aking cellphone hudyat na may mensaheng ipinadala. Nakukulitan na ako, ah? Malapit na akong mainis. Umirap ako at saka binasa ang mensahe. 'Why don't you answering my call?' Napasimangot ako. "Hindi talaga ako basta basta sumasagot ng tawag kapag alam kong hindi ko ito kilala." sambit ko sa hawak kong cellphone. Nagring na naman iyon. "Bakit ba ang kulit mo?" Nakailang ring pa ito bago tumigil at hindi na ulit nagring pa. Napagod na siguro. Ipinagatuloy ko nalang ang pagscroll sa cellphone. Nagpapalipas lang ako ng oras dahil gusto ko ng matulog. Kapag kasi nakatutok ako sa cellphone ko mabilis akong antukin. Nang magsawa sa pag scroll ay inilapag ko na iyon sa ibabaw ng drawer. Dinalaw na ako ng antok ko kaya binalak ko ng matulog. Papikit na sana ako nang tumunog na naman ang aking cellphone. Napakamot ako sa aking ulo at nis kong kinuha iyon at binasa ang mensaheng dumating. 'Kapag hindi mo pa ito sinagot, walang kasalan na magaganap' Nalalaking mga mata akong napabalikwas. Kinabahan naman ako sa huling mesahe nito. I-Ibig sabihin.. ang makulit na ito ay si.. Maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Hindi kona pinatagal pa iyon kaya sinagot kona agad. "Are you afraid to not marrying at you, Baby?" anito. Tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa malambing nitong boses. Halos magdadalawang linggo ko rin itong nakakausap at parang nakaramdam ako ng pagkamiss. Ganito naba ang epekto niya sa akin? Napakagat ako sa aking hinalalaking kuko. Para na namang hinahaplos ang dibdib ko. Sadyang namiss ko lang ba siya para bumilis ng ganito ang t***k ng puso ko? "B-Bakit mo naman.. s-sinasabi 'yan?" "Wala naman. Nabalitaan ko lang." Kumunot ang noo ko. "Kanino naman-?" Spinner..!! "Si Spinner ba?" tanong ko. "Opss! hindi s'ya ang nagsabi.." "Eh kung ganon, sino?" "Secret! sabihin mo muna na namiss mo ako. Kapag sinabi mo yun, pupuntahan kaagad kita--" "Hindi! hindi kita namiss!" bigla kong ibinaba ang tawag. Todo ang kabang nararamdaman ko at sa tingin ko ay nagtayuan mga balahibo ko. Kainis! Saan niya ba napupulot ang mga sinasabi niya? Namiss? Pwede.. Hindi, Bisky. Hindi! Hindi mo sya namiss! Ano kaba naman Bisky? erase! erase! erase! huwag kang magpahalata na namimiss mo sya! may gusto kaba sa kaniya kaya ka nagakakaganiyan? ano kaba naman? Tumunog na naman ang cellphone ko. Nagmadali akong basahin iyon. 'I really miss you, my Baby.' Hindi ko maiwasang mapangiti sa huling mensahe niya. Nakatulog ako ng may ngiti sa labi. Sa ganitong edad, matindi ang pagnanasa kong magkagusto sa isang lalaki lalo na sa katulad niya. At bakit nararamdaman ko ito.. kay Weasley? Kahit may pagtututol ako sa kontrata, unti unti ko namang binabawi iyon. Dahil ngayon palang, hindi na ako magsisinungalung na hindi ako naeexcite sa gaganaping kasal namin ni Weasley. Hindi pa nga nagaganap ang kasal, gusto ko na siyang makasama. Erase! erase! erase! Huwag kang ganyan Bisky! pag-aaral muna ang atupagin mo at hindi yung paglalandi! kastigo ko sa aking sarili. Lumipas pa ang mga araw. Araw ng linggo ngayon. Nandito ako sa mall para sana bumili ng paborito kong libro. Inaabangan kona talaga na irelease siya at ito na nga iyong araw na iyon. Pumunta kaagad ako kasi limited idition s'ya. Iyon nga lang eh ang daming alalay ang mga nag aali-aligid sa akin. Wala akong takas. Kahit kaylan talaga si Papa hindi malulusutan. Kahit hindi na nga ako nagpaalam sa kanya kung saan ako pupunta kasi alam kong pasasamahan na naman niya ako ng sandamakmak na bodyguard, ito nga at mga umaaligid na sa akin. Lagi talaga akong may kasamang mga tauhan nya. Napansin ko iyon dahil mula ng magpahatid ako kay kuya Bern, ang personal driver ko ay may nakasunod na sila sa amin. Kahit hindi ang mga ito nagpapahalata. Sinabihan ko naman si kuya Bern na wag niyang ipapaalam kay Papa na aalis ako, ang pag gagayak ko pero heto at matalas ang pakiramdam ni Papa. Pinasusundan nya pa ako. Wala na talaga akong privacy. At sa kabila ng pagiging protective ni Papa, naiisip ko na nakakulong ako sa isang hawla. Kahit anong istrikto no Papa ay naiintindihan ko parin naman siya kahit na papaano. Ayaw niya lang na malagay kami sa panganib ni Mama. Iyon kasi ang lagi niyang sinasabi sa amin. Tinatanong ko naman siya kung anong rason bakit kailangan niya pa kaming pabantayan pero ang tamgi niyang sagot, 'for our safety' yung wala naman mangyayari sa amin ng masama pero super protective talaga sya. "Asan na ba si Kuya? kanina pa ako nagtext sa kanya na tapos na ako sa paglilibot pero wala parin ito." ani ko sa sarili. Tinawagan ko na ito pero wala paring sumasagot. Nasan na ba kasi s'ya? gusto ko ng makauwi at excited na akong mabasa itong comics book na binili ko." Sa pagkainip ko ay pumunta muna ako ng rest room. Hindi rin naman ako nagtagal. At nang makabalik ay naroon na si Kuya Bern. "Kuya, kanina pa po kita hinihintay." aniko sa kaniya. Yumuko ito. "Pasensya na po Maam Bisky, tumawag po kasi ang inyong Ama. Umuwi na raw po tayo." anito. "Sige." Papunta na kami ngayon sa parking lot. Kumunot pa ang noo ko dahil medyo nagmamadali si Kuya sa paglalakad. Pero naroon parin ito at inaalalayan ako. Pero kakaiba ang ikinikilos niya, eh. Todo harang sya sa akin at palinga linga ang tingin niya. "medyo bilisan po natin, Maam. Ang mabuti pa pumasok kana sa sasakyan." hinawakan pa nito ang likod ko bilang pagsuporta. Mabilis naman ang aking paghakbang papasok sa sasakyan. Nadadala ako sa kilos ni Kuya. Wala akong ideya kung anong nangyayari. "M-May problema po ba, Kuya Bern?" nagtataka kong tanong. "W-Wala naman po." hindi ito makatingin ng diretso sa akin. Dali-dali itong umikot sa driver set at inistart kaagad ang sasakyan. Sa di kalayuan ay may natanaw akong isang lalaking naka facemask. Tumatakbo ito papunta sa dereksyon namin. Hinarang nito ang sasakyan kaya napahinto si Kuya Bern. Sa takot ko ay hindi ako mapagsalita habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan ng sasakyan. Pumunta ang lalaki sa pwesto ni Kuya Bern at kinatok nito ang bintana. Hindi naman nag-alangan na buksan iyon ni Kuya Bern. Nagtaka ako dahil hindi ito man lang natakot si Kuya sa lalaki kahit pa hindi nakikita ang mukha nito. Nang mapagbuksan ng bintana ni Kuya ang lalaking nasa labas ay sumulip naman ito sa loob. Inilibot ang paningin. Nang makita niya ako at magtama ang mga mata namin ay bigla itong natigilan. Nakamask ito na tanging ilong at bibig lang ang natatakpan kaya hindi ko makita ang kanyang buong mukha. Pero nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Saglit lang itong tumitig sa akin at pagkatapos at sinulyapan si Kuya Bern. "Siguraduhin mong makakauwi siya ng ligtas." anito na tumingin muli sa akin. Nakita kong tumango si Kuya Bern kaya sa palagay ko ay kilala niya ito. Baka isa ito sa mga tauhan ni Papa kasi magkakilala sila ni Kuya Bern. Nang makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa labas ay napalingon ako. May mga lumabas sa exit door ng mall na mga kalalakihan at parang may hinahanap. Pawang mga masasam at hindi lang sila sampo, mahigit pa! Maya pa ay nakarinig ko ng isang malakas na putok. "Ah!" halos mapasigaw ako sa gulat. Naghahalo ang kaba at takot kong tumingin kay Kuya Bern. "Kuya bern.. n-natatakot po ako!" nayakap ko ang aking katawan. Alam ko yung putok na iyon dahil nakita kong puro armado ang mga kalalakihan at may mga dala silang bagay na ikinatakot ko. Napasigaw akong muli nang may marinig na naman akong putok. Sa pagkakataong ito sa sunod sunod na ang putukan. Sumisigaw ako habang nagtatakip ng tenga. "K-Kuya! natatakot a--ahhh!!!" napapikit ako ng mariin. "Damn!" rinig ko ang pagmura ng lalaking kausap ni Kuya Bern na hanggang ngayon ay nasa labas pa. "Ahhh!!!!" "Umalis na kayo, bilis! fck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD