BUMANGON si Dana na nakapikit pa din ang mga mata. At sa halip na tumayo ay umupo muna siya sa gilid ng kama habang nakapikit pa din ang mga mata. Ilang minuto din siyang nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata. Nag-inat siya para magising ang diwa niya. Her eyes half close when she stood up. Kinusot-kusot niya ang mga mata habang naglalakad siya patungo sa banyo. Binuksan niya iyon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng pagbukas niya ng pinto ng banyo ay bumungad sa mata niya si Franco habang naliligo ito. Parang may malaking bato ang nakadagan sa mga paa niya dahil hindi siya makakilos sa sandaling iyon. Franco is dripping wet. And he's naked all over. Wala itong suot na kahit ano sa katawan nito. At mukhang naramdaman nito ang presensiya niya

