NAKAHINGA ng maluwag si Dana ng pagpasok niya ng kwarto ay wala do'n si Franco. Kanina pa niya gustong magpunta sa kwarto dahil gusto niya nang maligo dahil pakiramdam niya ay naglalagkit na ang katawan niya dahil sa init ng panahon pero nagdadalawang isip siyang umakyat sa isiping naroon din ang lalaki. Pero noong hindi na siya nakatiis ay umakyat na siya. Kung sakaling makita niya ito do'n ay dedmahin na lang niya ito. Humakbang siya patungo sa cabinet at binuksan iyon para kumuha ng damit at underwear na pamalit. At akmang isasara niya ang cabinet ng mapadako ang tingin niya sa box na naglalaman ng mga alahas na bigay ni Franco sa kanya bago ang kasal nila. Naalala niya na isasauli niya iyon dito. Lalakasan na lang niya ang loob mamaya na harapin at kausapin ito para maibigay niya ang

