NAKAPIKIT na nag-inat si Dana ng magising siya kinaumagahan. Kahit na masama ang loob niya kagabi ay nakatulog pa din siya ng mahimbing. Pero mayamaya ay mabilis siyang nagmulat ng mga mata ng maalala na baka do'n din natulog si Franco sa master bedroom at baka din katabi niya ito sa pagtulog sa kama. At nakahinga si Dana ng maluwag nang wala siyang katabi sa kama ng tumingin siya sa magkabilang gilid niya. Wala ding bakas na do'n natulog si Franco. Inisip na lang niya na ayaw siya nitong makatabi sa pagtulog. Well, pabor din iyon sa kanya dahil pino-problema din niya iyon kagabi. Kaya nga pinilit niyang maaga matulog para kahit papaano kapag nakatulog na siya ay hindi na niya makita ang lalaki kapag papasok ito sa master bedroom. She took a deep breath. Pagkatapos niyon ay tuluyan na

