NAPAHINTO si Dana sa ginagawa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto ng condo. Mukhang dumating na si Franco, tiningnan naman niya ang suot na wristwatch. Kumibot-kibot ang labi niya nang makitang napaaga na naman ito ng uwi. Pinunasan ni Dana ang basang kamay. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang suot na apron at lumabas siya ng kusina para salubungin niya ito sa pagdating nito. Kakatapos lang kasi niyang magluto at hinuhugasan niya ang pinaggamitan niya. Para mamaya ay kunti na lang ang lilinisan niya pagkatapos nilang mag-dinner. Nang makalabas si Dana ng kusina ay agad niyang nakita si Franco na nakapasok na sa may sala. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Bad mood ba ito? "Franco," tawag niya sa pangalan nito. Bumaling naman ito sa gawi niya. At nang magta

