"DANA." NAPATINGIN si Dana sa kanyang likod ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Nakita niya si Chassy na naglalakad palapit sa kinauupuan niyang mesa. Nang tuluyan itong nakalapit ay yumuko ito para makipag-beso sa kanya. "I'm sorry, I'm late," wika nito sa kanya. "Sobrang traffic," dagdag pa na wika nito bago ito umupo sa harap niya. Nginitian naman niya ito para i-assure ito na okay lang iyon. "It's okay," sabi niya. Pagkatapos niyon ay tiningnan niya ang suot na wristwatch. "Hindi naman ako naghintay ng matagal." Nginitian naman siya nito. "Thank you." Tumawag si Chassy sa kanya kagabi at gusto nga nitong makipagkita sa kanya. May gusto daw itong ibigay. Noong una ay alanganin siyang um-oo dahil hindi pa naman siya nakakapagpaalam kay Franco. Baka kasi hindi siya nito

