Chapter 57-3

713 Words

Itinago naman niya ang hawak sa likod ng magsimula siyang humakbang palapit dito. Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala ulit siya ng buntong-hininga bago niya inabot ang regalo niya dito. Napansin naman niya ang pagbaba nito ng tingin sa hawak niya. "Belated Happy Birthday," bati niya dito. "Pasensiya na at na-late ako ng bati." Nag-angat ito ng tingin patungo sa mukha niya. Napansin niya ang samot saring emosyon sa mga mata nito. Pero nangibabaw do'n ang kasiyahan. Nakaramdam naman ang puso niya ng bahagyang saya nang makita niya iyon. Ibig sabihin kasi ay nagustuhan nito ang regalo niya. Hindi naman nagsalita si Franco. Sa halip ay bumaba ito ng kama at humakbang palapit sa kanya. At habang humahakbang ito ay hindi nito inaalis ang titig sa kanya. Kinuha naman nito ang regalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD