Inilapag naman ni Dana ang dress sa ibabaw ng kama. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang blower at blinower niya ang basang buhok. At nang matuyo ang kanyang buhok ay tinirintas ulit niya into fishtail style ang mahabang buhok. Naisipan na din ni Dana na magbihis para mamaya ay hindi na siya masyado aligaga kapag dumating si Manong Danny na magsusundo sa kanya. Gumamit lang naman siya ng baby powder sa mukha. At nilagyan niya ang pisngi at labi niya ng konting liptint para naman hindi siya mag-mukhang pale. Isinuot din niya ang necklace na bigay sa kanya ni Chassy. Hindi naman niya napigilan ang mapangiti nang ma-kontento sa ayos at hitsura niya sandaling iyon. Saglit pa siyang napatitig sa sariling repleksiyon sa salamin bago siya umalis sa harap niyon. Umupo siya sa gilid ng kama at

