Lumabas na siya ng kwarto. Nasa sala naman na si Franco at mukhang hinihintay na siya. Saglit pa siya nitong tinitigan hanggang sa niyaya na siya nitong umalis. "Let's go." Nang maglakad ito palabas ng condo ay agad siyang sumunod dito. Hindi naman nagtagal ay nasa parking lot na sila kung saan nakapark ang kotse nito. Franco unlocked the door of his car using his remote control key. Tumunog iyon tanda ng pagbukas. Nang binuksan nito ang pinto ng driver seat ay binuksan din niya ang pinto ng passenger seat. Halos sabay pa silang dalawa na sumakay do'n. Franco started the engine. "Fasten your seatbelt, Dana," utos nito ng sulyapan siya nito sa kanyang tabi. Mabilis naman niyang ikinabit ang seatbelt sa katawan. At nang makita nito iyon ay umalis na sila. Hindi naman nagtagal ay naka

