Umiling naman siya bilang sagot. "Okay lang. At saka nagpaalam naman ako kay Manang Luming na dito ako magpapalipas ng gabi. Sasamahan kita dito," sabi niya. Joan smiled at her once again. "Napakabait mo, Dana. Ma-swerte sa 'yo si Sir Franco at napangasawa niya ay isang mabait na kagaya mo at higit sa lahat ay maganda pa," wika nito Natawa naman siya sa sinabi nito. "Okay na nga ang pakiramdam mo dahil nakakapambola ka na," sabi niya dito sa natatawang boses. Tumawa din ito pero agad itong napahinto. Napansin din niya ang pag-ngiwi nito. Agad siyang lumapit kay Joan. "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya dito. Tumango naman ito bilang sagot. "Okay lang ako. Medyo sumakit lang ito noong tumawa ako," wika nito sabay hawak sa bagong opera nito. Pagkatapos niyon ay nginitian muli s

