"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" tanong din nito sa kanya. "In-operahan kasi iyong kaibigan ko," sagot niya. Well, kaibigan naman ang turing niya kay Joan. "At ako ang nagbabantay sa kanya," dagdag na wika niya. Tumango-tango naman ito sa narinig na sagot niya. "Anyway, what are you looking at a while ago?" tanong nito sa kanya. Pagkatapos niyon ay sinilip nito ang tinitingnan niya kanina. "Oh, are you registered nurse or nursing grad?" tanong nito ng ibalik nito ang tingin sa kanya. "I'm registered nurse," sagot naman niya. "Oh, that's great. Our ospital is looking for registered nurse. Are you interested?" Kinagat naman niya ang ibabang labi. Interesado siyang mag-apply. Pero kailangan pa niyang kausapin si Franco, baka hindi siya nito payagan. "Hmm... pag-iisipan ko pa," sagot

