"Hurry," sabi nito bago ito nawala sa kabilang linya. Hindi naman niya napigilan ang ipaikot ang mga mata habang nakatitig siya sa cellphone. "Hurry'in mo mukha mo," naiinis na wika niya. Malakas ang loob niyang magsabi ng ganoon dahil wala ito sa harap niya. Pero kapag kaharap naman niya ito ay para siyang maamong tupa. She took a deep breath once again. Pagkatapos niyon ay hinila na niya ang trolley bag ng lumabas na siya ng kwarto. Medyo nahirapan pa siyang bumaba ng hagdan habang bitbit niya ang trolley bag niya. Hindi naman niya napigilan ang mapasimangot nang makita niya si Franco na nasa ibaba ng hagdan at nakatingin sa kanya habang pababa siya ng hagdan. Kitang-kita na nga nitong nahihirapan siya sa pagbaba, hindi man lang siya nito tinulungan. Huwag nang umasa, Dana. Wala

