"S-sorry. Hindi ko sinasadya," halos pabulong lang na wika niya. Halos hindi din siya makatingin dito dahil ayaw niyang makita ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa gilid ng kanyang mata ay ramdam pa din niya ang paninitig nito sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Nanatili ang tingin niya sa harap. "Wear your seatbelt," he said in baritone voice. Mabilis naman niyang sinunod ang inuutos nito. Mabilis niyang ikinabit ang seatbelt niya. "Okay na," sabi niya. Hindi naman ito nagsalita. Sa halip ay pinaandar na nito ang kotse. As usual ay wala na naman na silang imikan na dalawa habang nasa biyahe. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din silang dalawa sa building kung saan matatagpuan ang condo nito. Walang imik na bumaba ito ng kotse ng ma-i-park nito iyon ng maayos. Mabilis din

