"Dati pa din," sagot naman niya. Narinig naman niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Kung ginawa mo na ang suhestiyon ko sa 'yo. Make him fall in love with you, eh, di tapos na ang problema mo," sabi naman nito sa kanya. "Ganoon kasi ang mga nababasa ko sa mga pocketbook at napapanuod ko na mga drama. Kahit na anong galit ng isang tao at kapag ang taong iyon ay na-in-love sa' yo. Magbabago ang pakikitungo no'n. Alam naman natin na masyadong makapangyarihan ang pag-ibig," dagdag na wika nito. Mahilig kasi ang bestfriend na magbasa ng mga pocketbook at manuod ng mga drama, kaya kung minsan ay may pagka-hopeless romantic ito. Hindi pala minsan, kundi madalas. Hindi naman niya maiwasan ang mapangiti sa naisip. "Sa mga libro at drama lang nangyayari iyon, Nadine," sabi

