"Hindi. Nakakahiya. May pera naman na ako," sabi nito. "May nakuha kasi ako sa SSS. Pina-process ni Sir Franco. At saka binigyan din ako ni Sir ng pera habang nagpapagaling pa ako," sabi nito sa kanya. Hindi naman siya mapakaniwala sa narinig. May kabaitan din pala sa katawan si Franco. May malasakit din pala ito sa mga nagta-trabaho dito. Biglang naalala niya ang sinabi sa kanya ni Manang Luming dati noong tinanong niya ito kung kamusta si Franco bilang amo ng mga ito. Sinabi sa kanya ni Manang Luming na matulungin ito. Kapag may lumalapit daw dito na trabahador nito para humingi ng tulong ay agad daw nitong tinutulungan, walang pagdadalawang isip. Naisip ni Dana na mabait siguro ito sa mga taong walang ginawang masama dito. Bakit siya? Wala naman siyang ginawang masama dito bakit h

