Chapter 13-2

709 Words

"Hindi na po, Manang. Hindi po kasi ako kumain kagabi, mukhang sumisige na naman po ang ulcer ko," sagot nito. Tumango naman si Manang Luming. "Magpahinga ka na lang sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito," wika ni Manang kay Joan. Pagkatapos niyon ay binalingan siya nito. "Ako na magtatapos diyan, Dana. Maupo ka na lang," mayamaya ay wika ni Manang Luming sa kanya. "Ako na po, Manang. Madali lang naman po ito," sabi niya dito. "Oh, siya. Kung iyan ang gusto mo," sabi naman nito, napansin siguro nito na hindi siya papapigil. Nginitian naman niya si Manang Luming. Pagkatapos niyon ay ipinagpatuloy na niya ang pagluluto. Hindi naman nagtagal ay natapos siya. Tinulungan naman siya ni Manang Luming sa pag-aayos niyon sa mesa hanggang sa matapos silang dalawa. "Maupo ka na diyan, Dana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD