Itinuon na lang din ni Dana ang atensiyon sa kinakain kahit na nawalan na siya ng gana. **** NAISIPAN ni Dana na lumabas ng mansion para makasagap ng hangin. Pakiramdam kasi niya ay nasu-suffocate siya sa loob ng mansion. Dinala siya ng kanyang paa sa may garden. At nang may makita siyang isang swing chair do'n ay umupo siya. Isinandal niya ang likod sa swing chair at ipinikit niya ang mga mata. Kung pwede nga lang ay do'n na lang siya sa may garden, ayaw kasi niyang pumasok sa loob ng mansion dahil wala siyang mukhang maihaharap kay Manang Luming sa pagkapahiya na naramdaman kanina habanh nasa dining table sila. Wala namang imik si Manang, pero alam niya na narinig nito ang pag-iinsulto sa kanya ni Franco. Bakit kasi kailangan pa ni Franco na sabihin iyon sa kanya sa harap ni Manan

