From: Nadine See you. Muling ibinulsa ni Dana ang hawak ng cellphone. Pagkatapos niyon ay tumingin siya sa labas ng bintana. Mayamaya ay nakarinig siya ng pagtunog ng ringtone ng cellphone. Mukhang kay Manong driver iyon. Binagalan naman nito ang pagmamaneho at sinagot ang tawag. "Hello Sir Franco?" Napatingin siya sa harap ng marinig niya ang pangalang binanggit nito. Hindi nagsalita si Manong, mukhang pinapakinggan nito ang sinasabi ng kausap. "Yes Sir. Nasundo ko na po siya. Nasa daan na kami," sagot nito. Base sa sinabi ni Manong ay mukhang tinatanong ni Franco kung nasundo na ba siya. "Okay Sir. Ihahatid ko po siya sa hotel," naririnig pa niyang sinabi nito bago nito ibinaba ang hawak na cellphone. Bumuntong-hininga siya. "Hmm...Manong, pwede po magtanong?" Sabi niya dito m

