Kanina din, pagkapasok niya sa hotel room na pina-reserved ni Franco ay tinawagan niya ang magulang para i-inform ang mga ito na maayos siyang nakarating sa pupuntahan niya para hindi mag-alala ang mga ito sa kanya. Nagpakawala si Dana ng malalim na buntong-hininga. Naisipan na lang niya na lumabas na lang at magpahangin. Kinuha niya ang denim jacket niya at isinuot iyon. Dinampot din niya ang cellphone saka siya lumabas ng ng hotel room. Habang naglalakad siya ay nakatutok ang atensiyon niya sa cellphone. Nagta-type kasi siya ng message na ise-send niya kay Nadine. At dahil nakatutok ang atensiyon niya sa cellphone ay hindi niya napansin ang bultong papasalubong sa kanya dahilan para mabunggo niya iyon. "S-sorry," hingi niya ng paunmanhin kung sino man ang nabunggo niya. Nag-angat s

