Pamilyar kay Dana ang mukha ng isang lalaki. Ito si Attorney Enriquez. Pero hindi kilala ni Dana ang kasama nitong isang matandang lalaki. "Good morning, Miss Marquez," bati ni Attorney Enriquez sa kanya. Binati din ni Attorney si Nadine. "G-good morning din po," ganting bati din niya. "Anyway, Miss Marquez. This is Judge Almario," pagpapakilala ni Attorney Enriquez sa kasama nitong matandang lalaki. "Siya ang judge na magkakasal sa inyo ni Mr. De Asis," dagdag pa na wika nito. Hindi naman niya magawang sumagot sa sandaling iyon kaya tumango lang siya. "Maupo muna kayo habang wala pa si Mr. De Asis," sabi nito sa kanila ni Nadine. Umupo naman sila ni Nadine sa sofa na naroon habang hinihintay nila ang pagdating ni Franco. Kinausap naman niya si Nadine para mawala ang kabang nar

