Seraphine Rose “Iha, mabuti naman na walang nangyaring masama sa inyo ng asawa mo.” Pinisil ko ang dalawang kamay ni Lola na hawak-hawak ko habang nakaupo kami sa couch nila rito sa salas. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya kaya nang magising ako mula sa pagkaka-idlip ko, naligo kaagad kami ni Zachary. Mabuti na lang din may mga damit kaming naiwan dito kaya sinuot ko na lang muna ang pajama ko. “Okay na okay po kami ni Zachary. Hindi niyo na po kailangan mag-alala,” nakangiting sambit ko. “Wala rin pong nasaktan sa mga empleyado niya.” Narinig ko ang mga yapak palapit sa amin kaya napalingon ako sa pinto ng bahay. Nakita ko si Zachary na palapit sa amin habang hawak ang cellphone niya. Suot niya ang itim niyang t-shirt at itim na trouser. Kahit nasa bahay lang naman kami, par

