Seraphine Rose Tulad ng gusto ni Zachary, naiwan lang ako sa loob ng van habang nasa loob siya ng warehouse ng SkyWing. Pagbaba niya pa lang kanina ng sasakyan sinalubong na agad siya ng mga tauhan niya at pinalibutan siya. Habang ang mga tauhan naman ni Lolo ay naiwan sa akin. Ang dami nila na nakapalibot sa van na sinasakyan ko at isa pa, alam ko naman na ligtas ang lugar na ‘to. “Mrs. Hofs, ayos lang ho kayo diyan?” tanong sa akin ng driver sa unahan. Wala na rin ang harang sa pagitan namin dahil itinaas ni Zachary ‘yon bago siya lumabas. Gusto niyang makikita ako ng tauhan ng Lolo niya para ma-check ako minu-minuto tulad ng utos ng Don nila. “Okay lang po ako. Salamat,” sagot ko. Ibinalik ko ang atensyon ko sa screen na nasa harapan ko kung saan live coverage ang press conferen

