Seraphine Rose “What do you want to eat, baby?” Ang daming pagpipilian na pagkain sa lamesa kahit tatlo lang kaming kakain ng almusal kasama si Lolo. Lahat ng ‘to ay pinahanda ni Zachary. Meron din mango float dahil gustong-gusto ko talaga no’n. Kahit yata araw-araw kong inumin ang mango float, hindi pa rin ako magsasawa. “Bacon and egg,” sagot ko. Nilagyan kaagad ako ni Zachary ng bacon and egg sa pinggan ko. Napatingin ako kay Lolo at nakita ko ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa binabasa niyang dyaryo. “Here. Eat.” “Thank you.” Ibinalik ko ang mga mata ko kay Zachary na nakaupo ngayon sa tabi ko. Suot niya ang itim na suit, itim na slack at puting dress shirt sa loob habang bukas ang dalawag bitones sa unahan. Kailangan niyang humarap ngayon sa press sa mismong warehouse n

