Seraphine Rose “Baby we are here.” Lumingon ako sa labas ng sasakyan at natagpuan kong nasa harapan na kami ng building ko. Sunod-sunod akong napalunok sa sarili kong laway. Ayaw kong pumasok pero may exam ako ngayon. Takot na takot pa rin ako dahil paano na lang kung diyan naman ako puntahan ng mga kasama ng lalaking ‘yon? “Baby…” Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng tuhod ko na nagsisimulang manginig sa takot. Nilingon ko si Zach at dahan-dahan akong umiling sa kanya at napakagat sa ibabang labi ko. Ayokong humiwalay sa kanya. Ayokong iwan siya. Natatakot ako na baka kapag malayo ako sa tabi niya, masaktan ako o kaya masaktan siya ng mga kasama ng lalaking ‘yon. “Are you sure you want to attend class today?” Umangat ang kamay niya mula sa ibabaw ng hita ko at hinawi niya ang

