Seraphine Rose Humarap muli ako sa salamin at sinigurado na maayos ang suot kong black trouser at white t-shirt na naka-tuck-in sa trouser ko. This is my first day sa trabaho. Kinakabahan ako and at the same time hindi ko rin mapigilan na ma-excite. “Baby, I have already prepared your food. It's in your bag.” Lumingon ako sa pinto ng walk in closet namin at dumungaw roon si Zach. Nakaayos na rin siya pero hindi siya sa kumpanya ngayon pupunta. Kailangan niyang pumunta sa warehouse ng SkyWing. Mabuti na nga lang may kailangan siyang gawin dahil ayoko talaga siyang makita sa trabaho ko dahil ito ang unang araw ko. “Thank you, Zach!” masayang sambit ko. Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang dalawang braso ko sa batok niya habang nakatingala ako sa fiance ko. “H’wag mo na kong ihatid

