Seraphine Rose “Ito ang magiging lamesa mo, Seraphine.” Ipinatong ko ang bag ko sa ibabaw ng bakanteng cubicle na may computer sa harapan. Napatingin ako sa paligid ko rito sa loob ng accounting department. Magkakatabi ang mga cubicle at may mga katapat din kami. Pero may privacy pa rin dahil sa mga divider sa magkabilang gilid at sa harapan. “Kilala mo naman na sila ‘di ba?” tanong pa sa akin ng HR habang tinuturo ang mga empleyado na nakatingin sa amin. “Opo,” sagot ko naman. “Okay, mabuti naman. Pero bago ko makalimutan, ipapaalala ko ulit sa’yo,” aniya at tumingin sa opisina ng head accountant. Glasswall ito kaya kitang-kita ang isang lalaki sa loob na nakakunot ang noo habang nakaharap sa computer nito. “That’s Mr. Leary. H’wag na h’wag mo siyang lalandiin dahil masusungitan

