Seraphine Rose Huminto ang sasakyan sa harapan ng elevator paakyat sa penthouse ni Zachary. Nasa loob pa lang ako ng sasakyan pero nakita ko agad siya na nag-aabang suot ang itim niyang t-shirt at pantalon habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya. Inalis niya ang mga kamay niya sa bulsa niya at nauna siyang buksan ang pinto bago ko pa itong maitulak pabukas. “Hi, baby,” malambing na bati niya sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na inaantok na talaga ko at pagod na pagod pa. Unang araw pa lang at ang dami ko na agad ginagawa na alam kong normal sa accounting department. “Are you okay?” Pinulupot niya agad ang braso niya sa bewang ko habang hawak ng isa niyang kamay ang bag ko. “Yeah, I’m okay, Zach. How are you?” nakangiting tanong ko pa. Pumasok kami sa elevator dalawa at

