Seraphine Rose Hanggang ngayon hirap na hirap akong aminin kay Zachary ang totoo. Kung anong nararamdaman ko dahil alam ko naman na kagagawan ko rin kung bakit ko nararamdaman ang sakit na ‘to. “Wife, are you okay?” Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Zachary habang naglalakad kami sa gitna ng hallway papunta sa private room kung saan gagawin ang bagay na gusto ko naman pero parang hindi ako komportable. Ang dami naming nakakasalubong na mga buntis na malalaki na ang tiyan dahil ang floor na ‘to ay halos puro sa mga kababaihan talaga na nagdadala ng tao. Pero ako… Nagdadalang tao rin na ipapalaglag naman. “Seraphine, baby…” bulong sa akin ni Zachary. Napapisil lang ako sa braso niya at hindi kumibo. Para kong naputulan ng dila pagpasok na pagpasok pa lang namin dito sa loob ng ospital.

