CHAPTER 7: SCHOLARSHIP

1235 Words
"OH, BAKIT parang ang tamlay mo ngayon, ate?" usisa ni Mico sa kapatid na naghahanda ng kanilang almusal. "Oo nga naman, Claire. May sakit ka ba?" "Wala po, Ate Ivy." "Baka kasi may nami-miss ang ate ko, Ate Ivy." "Bakit, wala pa rin bang balita kay Franco?" "Hindi pa rin namin siya ma-contact, wala rin daw balita sila Aling Pasing sa kanya." si Mico ang sumagot. "Baka naman busy lang 'yung tao." Nanatiling tahimik si Claire gitna ng usapan ni Mico at Ivy. Ang totoo, unti-unti na na ring nahuhulog ang kanyang loob kay Franco. Nasanay na siyang halos araw-araw silang nagtatawagan. Wala naman silang naging alitan upang maging dahilan sana ng hindi pakikipag-usap ni Franco sa kanya. "Kung bakit kasi umasa ka pa sa bata!" kastigo ni Claire sa sarili. "Natural na marami pang makikilalang ibang kasing edad niya iyon doon. Bata lang 'yon, madaling pang magbago ang isip kahit na sabihin pa na maghihitay siya ng sampung taon." para na siyang baliw na kinakausap ang sarili. "Kalimutan mo na si Franco, Claire." ani Ivy. Kasalukuyan silang naglalakad patungo sa trabaho. "Hindi naman mangyayari 'yon kaagad, ate. Lalo na at ang daming naitulong ni Franco sa aming magkapatid." "Baka naman dahil sa utang na loob kaya hindi mo siya kaagad makalimutan. Bumawi ka na lang sa kanya kung sakaling makita mo siya ulit. Pero sa ngayon, kailangan mo nang mag-move on, makakaapekto 'yan sa trabaho mo. Deserve mo kayang maging masaya, marami pang iba diyan." "Opo, ate, susubukan kong alisin kung ano man ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya." Pinilit ni Claire ang ngumiti. Lalo pang pinag-igihan ni Claire ang trabaho. Inabala niya ang sarili sa ibang bagay upang hindi na niya maalala pa si Franco. "Claire tawag ka ni madam," ani Ivy. "Bakit daw, ate?" "Ewan ko, may bisita naman siya kanina doon. Basta pumunta ka na lang daw sa office niya." "Sige po, Ate Ivy." Makatatlong katok si Claire sa opisina ng kanilang amo nang pagbuksan siya ng secretary nito. Nahinto naman sa pag-uusap ni Mrs. Reyes at ang bisita nito. "Ipinatawag niyo daw po ako, Madam?" "Yes, Claire. Maupo ka." Inilahad ni Mrs. Reyes ang kamay upang ituro kung saan siya uupo. Kahit na alanganin siya, naupo pa ron si Claire sa harapan ng kanilang bisita. Pormal na ipinakilala ni Mrs. Reyes ang panauhin kay Claire at ipinagmalaki pa siya. "I am Mrs. Samantha Vergara, a former professor from St. Benedict University." Pakilala sa sarili ng panauhin ni Mrs. Reyes. "Nice to meet you po, Ma'am." Inabot ni Claire ang nakalahad na kamay ni Mrs. Vergara. "Nakapag-kolehiyo ka ba, Claire?" usisa ni Mrs. Vergara. "Hindi na po, high school graduate lang po ako, Ma'am." "Tell me your story, iha." ani Mrs. Vergara. Ikinuwento ni Claire ang lahat ng kanyang naging buhay sa probinsya at kung paano sila napadpad sa Maynila. Ikinuwento na rin ng dalaga ang tungkol sa kapatid na kasalukuyang niyang pinapaaral na ngayon ay magku-kolehiyo na sa susunod na pasukan. Namangha at naantig ang puso ni Mrs. Vergara sa nalaman. Maya-maya pa'y may inilabas ito sa kanyang bag na isang folder at ibinigay niya ito kay Claire. Magkahalong kaba at saya ang nadarama ni Claire sa sandaling nakita niya ang nilalaman ng folder na hawak. Isang Certificate iyon na nagsasabing isa siya sa napiling maging scholar ni Mrs. Vergara. At kahit anong kurso ay pwede niyang kunin. Napayakap si Claire sa ginang sa sobrang kagalakan. "Deserve mo ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral muli, Claire." ani Mrs. Reyes. "Salamat po, Madam." "Kay Mrs. Vergara magpasalamat, siya ang nakahanap sa iyo." ani Mrs. Reyes. "Salamat po, Ma'am Vergara." "Walang anuman, Iha. Saka ka namagpagsalamat kapag nakapagtapos na. Sa ngayon, pag-isipan mo munang maigi kung ano ang kukunin mong kurso sa kolehiyo. May dalawang buwan pa bago ang enrollment kaya makakapag-isip ka pa ng mas matagal." Nag-fill up ng form si Claire pagkatapos ng pag-uusap na iyon. Laking tuwa naman ni Ivy at Mico nang nalaman ang tungkol sa pag-aaral ni Claire. Dalawang taon na rin ang nakalipas mula nang umalis sila sa kanilang probinsya sa San Fernando. At dahil sa pagsisikap nilang magkapatid ay hindi sila gaanong nahirapan. At kahit na minsan ay may dumarating na pagsubok sa kanila ay kaagad din namang nareresolba. May kanya-kanya na rin silang mga ipon, kahit paano ay nakikita nila na nagbubunga ang kanilang pagsisikap. Laking pasasalamat din ni Ivy dahil mula nang dumating sa kanyang apartment ang magkapatid ay gumaan na rin ang kanyang buhay. "Ate Ivy, Mico. Magbihis kayo at kakain tayo sa labas, treat ko." "Aba, mukhang inspired ang ate ko ngayon ah." "Masaya lang ako dahil sa mga pangarap na unti-unti nating natutupad, Mico." "Sana kahit mayaman na kayong dalawa, huwag niyo akong kakalimutan ha," ani Ivy. "Hindi mangyayari 'yun, Ate Ivy. Kung hindi dahil sa pagpatira mo sa amin ng kapatid ko dito sa apartment mo, baka sa kalsada kami ngayon nakatira." "Eto naman, nagdrama agad." natatawang tugon ni Ivy. Kasalukuyan silang nasa isang fast food nang sandaling iyon, abala si Ivy at Mico sa kanilang mga gadgets, samantalang palinga-linga naman si Claire habang hinihintay ang kanilang order. Wala sa loob niyang napatingin sa dalawang magkapareha na pumasok sa naturang establishimento. Biglang kumabog ang dibdib. "Franco." anas niya. Hindi siya pwedeng magkamali, si Franco iyon at may kasama siyang isang magandang babae na sa wari niya ay magkasing-edad lamang ang mgabito. Hapit ang suot nitong bestida kaya lumabas ang magandang kurba ng katawan ng babae. Pasimpleng sinundan ng tingin ni Claire ang dalawang magkapareha. Naupo ang mga ito sa mesang pang-dalawang tao lamang at kaagad na nag-order. "Tama nga ako. Kaya pala pinutol mo na ang komyunikasyon natin dahil may girlfriend ka na pala." sabi ni Claire sa sarili lalo na sa nakikitang pagiging sweet ni Franco at sa kasama nitong babae. "Ma'am, here's your order po." untag ng waiter. Hindi ma lang napansin ni Claire na nasa harapan na niya ito dahil nakatuon sa iba ang kanyang atensyon. "Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo, ate." puna mi Mico. "W-wala. May naalala lang ako. Sige na kumain na tayo." "Oo nga, Claire. Parang naging malungkot ang awra mo ngayon. May problema ba?" usisa naman ni Ivy. "Wala po, ate. Pagod lang siguro ako. Kumain na tayo para makapagpahinga na tayo." pagdadahilan ni Claire. Nagkatinginan naman si Ivy at Mico. Naging tahimik lang si Claire ngunit paminsan-minsa'y napapatingin siya sa gawi ni Franco at ang kasama nito. Nagmamadali nilang nilang nilisan ang lugar na iyon sa takot ni Claire na makita pa siya ni Franco. Hindi pa niya alam kung ano ang sasabihin nito sa kanya dahil pagkatapos nitong hindi magparamdam, ngayon ay makikitang may kasama nang iba. "Akala ko magkaiba kayo ni Dexter, pareho lang pala kayong dalawa." wika ni Claire, kausap ang larawan ni Franco na nasa gallery ng kanyang selpon. "Mula ngayon, kakalimutan na talaga kita. Huwag kang mag-alala, dadating din ang panahon makabawi ako ng mga nagawa mo sa aming magkapatid. Pero ngayon kakalimutan ko na ang damdamin ko sa'yo." Inisa-isang binura ni Claire ang mga larawan doon ni Franco. Hindi niya maikakaila sa sarili na nahulog na rin ang kanyang loob dito. Dalawang taon narin ang nakalipas mula nang nagtapat sa kanya si Franco. Marahil nawala na rin ang damdamin nito sa kanya lalo pa at magkalayo sila at tanging selpon lang ang namagitan sa kanila mula nang pumunta sila sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD