CHAPTER 4: PAGTULONG

1202 Words
"HONEY, tama na 'yan. Bukas na 'yan dahil hindi na ako makapaghintay sa gagawin natin." Malambing na wika ng kasama ni Mildred. Pinakalma ni Mildred ang sarili bago sila pumasok sa silid nito. Muling narinig ni Claire ang hagikgik ng kanyang ina. Napailing na lamang siya. Kung ilang lalaki na ang iniuwi ng kanyang ina sa kanilang pamamahay ay hindi na niya mabilang pa. Hindi naman mapigilan ni Claire ang hindi maiyak sa kanyang sitwasyon. Ilang taon na siyang nagtitiis sa piling ng kaniyang ina. Pumasok siya sa kwarto nilang magkapatid, nakita niyang mahimbing ang tulog ni Mico. Isang desisyon ang kailangan niyang gawin. Kung sana noon pa niya sinunod ang payo sa kanya ng mga kaibigan niyang matatanda sa palengke. Kinuha ni Claire ang lumang bag pack ni Mico, pinagpag niya iyon at inisa-isa niya ang kanyang mga pinakamaayos na mga damit at ilang pares ng pambahay. Noon pa siya nagpaplanong iwan ang kanilang ina ngunit hindi niya magawa dahil kay Mico. "Maiintindihan mo naman siguro ako, Mico." aniya, kausap ang kapatid na tulog pa rin. Halos gising si Claire sa buong magdamag na iyon dahil sa labis na pag-iisip sa mga dapat niyang gawin. Nais niyang makaalis roon sa lalong madaling panahon ngunit hindi dapag magpadalos-dalos ng desisyon. Ayaw niyang masayang ang bawat pagkakataon. "IIWAN MO ba ako, Ate?" usisa ni Mico nang magising ito at nakita ang naka-empakeng gamit ng kanyang kapatid. "Hindibsa gano'n, Mico. Kailangan ko lang umalis para magtrabahobsa ibang lugar. Pero 'di pa sa ngayon, Mico, humahanap pa ako ng tamang pagkakataon at mapupuntahan sa Maynila. Inihanda ko lang ang mga kailangan kong dalhin kung sakali man." "Hindi ba ako pwedeng sumama, ate?" "Hindi pa pwede, Mico, kaunting tiis lang ha. Makikipagsapalaran lang kasi ako sa Maynila eh. Hindi ko pa alam ang takbo ng buhay ko doon, pero ipinapangako ko sa'yo na doon ka na mag-señor high school at mag-college. Basta ipanalangin mo palagi na makahanap ako doon ng trabaho." "Natatakot ako, ate, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung ako na lang ang maiiwan dito sa bahay na kasama ni inay." Napaisip si Claire. Kung ngayon pa nga lang na narito siya bilang tagapagtanggol ng kanyang kapatid, paano na lamang kung wala na siya. Nagdalawang isip siya kung itutuloy ba niya ang planong lumuwas ng Maynila. "Hello, Ate Claire, mukhang malalim ang iniisip natin ngayon ah." Nagulat pa si Claire sa biglaang pagsulpot ni Franco sa kanilang puwesto sa palengke. "Oh, akala ko hindi ka pupunta ngayon dito." ani Mico. "Pwede ba 'yon? Eh hindi ko na makikita ang ate Claire mo." natigilan si Franco sa mga nasabi. "Bakit naman gusto mo akong makita?" "Umamin ka nga, Franco, crush mo ba ang ate Claire ko?" "H-ha? Ano bang crush ang sinasabi mo, Mico? Alam mo, gutom lang 'yan. Biglang nataranta si Franco. Mabuti ba lang at may dala siyang pandesal at mga instant coffee. Natatawa naman si Claire sa reaksyon ni Franco dahil sa tanong ng kanyang kapatid. Para sa kanya ay itinuturing niyang nakababatang kapatid ang kaibigan ni Mico. Ngunit sa kabilang banda, hinahangaan niya ito sa talino at diskarte. Simula nang tinulungan siya ni Franco ay palagi na siyang nakakaubos ng paninda. Magaganda rin ang mga payo nito. Kung hindi lang niya alam ang edad ni Franco ay iisipin niyang kasing edad niya ito dahil parang matanda na kung mag-isip. Kusang ipinagtimpla ni Franco si Claire ng kape nito. Bagay sa malamig na umaga dahil medyo makulimlim. Nagtimpla rin ito ng para sa kanyang sarili. "Nasaan ang akin?" pabirong tanong ni Mico sa kaibigan. "Ikaw, Franco, may nahahalata na ako sa 'yo. Asikasong-asikaso mo ang ate ko! Hindi kaya... " "Wala namang masama kung ipinagtimpla niya ako ng kape. Ikaw talaga Mico, ang aga-aga kung anu-ano na naman ang iniisip mo." "Masyado kasing matamis, ate. Baka langgamin ang pwesto natin." natatawang saad ni Mico. Natigil lang siya sa pagtawa nang isalaksak ni Franco sa bunganga nito ang isang buong pandesal na siya namang ikinatawa ni Claire. Maya-maya pa'y nagsidatingan na ang mga matatandang kaibigan ni Claire at sumabay na rin sa kanilang tawanan. Gaya ng inaasahan, dumating muli si Mildred upang manghingi ng pera. Ipinaubaya na lang ni Claire ang naroroon sa kanyang sling bag. Sinigurado niyang wala roon ang ibang perang napagbentahan niya kahapon. Walang kibo silang magkapatid hanggang makaalis ang kanilang ina. "Ano'ng balak mo, Ate Claire?" "Nagpaplano na si ate na lumuwas sa Maynila." si Mico ang sumagot. "Mabuti naman." "Nag-iipon lang ako ng sapat na pamasahe, Franco." ani Claire. "Saan ka tutuloy doon kung sakali, iha?" usisa ni Aling Toyang. "Hindi ko pa alam, Aling Toyang." "May kakilala ako sa Maynila, baka matulungan ka nila." wika naman ni Aling Pasing. "Eh kung sumama ka na lang kay Dexter, Claire?" suhestiyon naman ni Aling Lomeng. "Aling Lomeng naman, wala naman siyang magandang kinabukasan doon sa Dexter na iyon!" sagot kaagad ni Franco. " At kung hindi lalayo si Ate Claire dito, hindi pa rin siya tatantanan ni Aling Mildred." dagdag pa niya. "Narinig mo, Lomeng? Maigi pa itong bata at nag-iisip, pero ikaw? Hmp!" "Baka lang naman, Toyang." "Sige po, mga mothers, aalis muna kami ni Ate Claire, ilalako lang namin itong mga paninda." Paalam ni Franco nang mapansing nagsisimula na namang magbangayan ang mga matatanda. Pumayag na maiwan si Mico sa puwesto upang si Claire ang sumama kay Franco sa paglalako sa araw na iyon gaya ng kanilang napagkasunduan. Masaya silang nagbahay-bahay upang ilako ang mga gulay at kakanin na kanilang dala. Nakarating na sila sa ikatlong barangay nang maubos ang lahat ng kanilang paninda. Hindi alintana ang mainit na sikat ng araw dahil malapit nang magtanghali. Namangha naman ni Claire dahil mukhang kilala si Franco kahit sa ikatlong barangay na kanilang narating. "Kaya pala kahit gaano karami ang inaangkat niyo ni Mico mula sa paninda ko, naipapaubos niyo dahil para kang artista pala dito, ang daming nakakakilala sa'yo, Franco!" bulalas ni Claire. Tanging ngiti lamang ang tugon ni Franco sa kanya. Tumigil sa pagpedal si Franco nang makilala ang magkahawak kamay na nasa harapan ng isang tindahan sa tawid ng kalsada. "Ate Claire, sandali lang at bibili ako ng meryenda natin." paalam ni Franco. Isinuot niya ang kanyang sumbrero at inilabas ang kanyang phone. Inayos naman ni Claire ang mga perang papel habang naghihintay kay Franco. Limang minuto ang nakalipas bago bumaliknsi Fraco. May dala itong soft drinks at mga tsitsiria. "Bakit ang dami naman yata niyan?" "Matakaw kasi ako, kaya ko itong ubusin!" biro ni Franco. "Halata nga sa katawan mo!" Natatawang tugong ng dalaga. Ang buong akala ni Claire ay babalik na sila sa palengke ngunit ibang daan ang kanilang tinahak. Papunta iyon sa tabing ilog. "Bakit pumunta tayo dito, Franco. Umuwi na tayo, nagugutom na ako." ani Claire nang bumaba mula sa Side Car ng bisikleta. "Magpahinga muna tayo, Claire. Huwag kang mag-alala dahil may baon ako para sa ating dalawa, alam ko kasing hindi ka mahilig sa junk foods." Mabilis ang kilos ni Franco. Kaagad niyang kinuha ang kumot mula sa dala nitong bag. Inilatag niya iyon sa ilalim ng punong mangga. Malilim roon at madamo. Inilabas rin niya ang dalawang baunan na may lamang kanin at adobo. "Anong tawag mo sa'kin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD