EpisodeTwo

1754 Words
Hindi ko na nga matandaan kung paano akong nakarating sa Ospital. Ang huli kong natatandaan ay nasa harapan ko na ang aking target, napansin na niya ako kaya matik makakapadala na ako kila Inang para sa pagpapagamot ng Tatang ko. Dahan-dahan akong bumangon. May dextrose na nakakabit sa akin kaya labis akong nagtaka. Diyos ko, ano’ng ginagawa ko rito? Katulad sa mga nakikita ko sa telebisyon ay buong lakas ko ring tinanggal ang nakatusok sa aking kamay. “Aray!” Napatili pa ako. Masakit pala ‘yon? Akala ko naman kasi ang cool ng mga artista kapag ginagawa nila ang gano’ng mga scene. Bumaba ako sa higaan, sumalubong naman kaagad sa akin ang backpack ko na nakapatong sa malambot na upuang nasa loob lang din ng silid. “Kailangan ko na sigurong makaalis dito,” sabi ko habang isinusukbit ang bag sa balikat ko. Ngunit hindi ko na nagawa pa ang balak ng biglang bumukas ang pinto ng silid na okupado ko. “Ay anak ng teteng!” Napatakip ako ng aking bibig. Saka muling sinulyapan kung sino ang pumasok. “B-boss?” Tama, siya nga ang boss na nag-utos sa akin ng kalokohang ito kaya ako narito ngayon. Mabilis pa sa pagtakbo ko sa mga utang ang ginawang pagtungo sa kaniya. “Boss, ano ba ‘tong pinapagawa niyo sa akin. Kilala niyo ba ang lalaki na ‘yon? Bakit kayo magkasama?” Naging sunod-sunod na ang tanong ko sa kaniya, hindi naman kasi niya in-explain ang buong detalye sa trabahong ito. Basta’t maging distraction lang daw ako kay Mr. Zeke ay tiyak na babayaran niya ako ng twenty million pesos. Aba! Sino ba namang gipit sa pera ang tatanggi sa offer niya? “Relax, Atasha.” “Relax boss? Naku po! ‘Yan ang pinakamahirap na gawin sa sitwasyon na ‘to. Hindi niyo naman sinabi na napakagwapo ng Zeke na ‘yon. Kaano-ano niyo po ba siya, kasi sa totoo lang ay gwapo rin kayo,” sabi ko. Pero ng maalala na mayroon pang isang lalaki kanina ay lalo ako namangha kasi maski ito ay may hitsura din. “Well, we were cousin’s Atasha.” Namilog ang mga mata ko, habang napapatango sa sinabi niya. “Pero bakit gusto niyo na ma-brokenhearted ang pinsan niyo? Parang ang bad naman ata no’n,” curious kong tanong kay Boss. Hindi na nga ako umupo pa, tutal narito na rin siya’y kukunin ko na ang signing bonus ko. “Wala namang ibang rason para sa isang Andres na tulad ko. Alam mo kasi Atasha, nasa isang Empire kami. Ang isang Empire kailangan na isa lang ang pinakamataas na namumuno… and I wanted it to be me. Siya ang matanda sa aming mga tagapagmana sa pamilya, at kung mapapabagsak ko siya’y may tsansa ako para sa trono. Kaya naman gawin mo kung ano ang napagkasunduan natin. Simple lang naman na kunin ang loob niya pagkatapos ay iwan siya kapag gustong-gusto ka na niya, hindi ba?” Napangiwi na lang ako sa mga sinasabi ni Boss, masyadong bad kasi ang balak niya. Gusto niya pang gamitin ang mental health ng pinsan niya para lang makuha ang gusto niyang posisyon sa kanilang pamilya. Baka abutin pa kami ng umaga kung ipagpapatuloy ko ang pakikipag-usap sa pakikipag-chikahan kay Boss, lalo pa’t go lang din ito sa pagsasalita. Pinaalala ko nga sa kaniya ang tungkol sa paunang bayad na ibibigay niya sa akin. Nagawa ko lang naman ang unang step na gusto niya, na mapansin ng Zeke na ‘yon. “Ako na ang bahalang magsend sa family mo, for now, gusto kong gawin mo na ang susunod na plano.” “Eh?” Sa totoo lang ay ayaw ko na sana, ayos na ako sa ‘thirty kyaw’. “Don’t tell me na back-out ka na? If that’s the case ay hindi ko ire-release ang pera sa ‘yo. On hold na ‘yon hanggang sa matapos mo ang misyon mo.” P*tcha naman oh! Naudlot pa ang sarili kong plano. “Pero Boss, parang ang hirap naman kasi ng second plan mo. Gusto mo na makapasok ako sa bahay ni Mr. Zeke at hanapin ang isang document na ni-hindi ko nga alam kung ano ang hitsura? Baka naman mamaya ay ipakulong pa ako no’n eh.” “Possible nga na mangyari ‘yon lalo pa’t very strict siya pagdating sa mga gamit niya. Pero alam mo kasi may isang kahinaan pa rin naman ang pinsan ko na ‘yon.” Pina-ekis pa ni Boss ang kaniyang kaliwang binti patungo sa kabila naman. “Ano ‘yon boss?” “Hmm… ‘yon ay isang babae, Atasha. Ang kaso’y halos lahat ng nakakakilala sa kaniya hindi basta nakakalapit lalo pa’t ang alam nila tungkol kay Zeke ay siya ang pinakamalupit sa aming limang magpipinsan. Pero kung bigla kang susulpot, hindi ka niya kilala at gano’n ka rin sa kaniya ay may chance na mapabagsak ko siya. Simple lang ‘di ba?” Wala na ‘kong nagawa pa sa mga pinagsasabi ni Boss lalo nang sabihin niya na once malaman niyang nakapasok na ako sa bahay ni Mr. Zeke ay agad niyang ring ipapadala ang pera ko sa amin. Which is super kailangan ko na talaga. “So, are you okay now?” naalimpungatan ako sa tanong na ‘yon ng gwapong lalaki na dumating matapos umalis ni boss kanina. Confirmed siya na nga si Zeke, at ang gwapo niya’t mukhang masarap pa. “Ah, o-oo. Ayos na ‘ko. Hehe.” Hindi na nga nito pinabalik ang dextrose na tinanggal ko lalo nang sabihin ko na gusto ko nang umalis. “Okay then let’s go,” he said. Sinenyasan nito ang isang lalaki na naka-itim na uniporme na parang parating nasa malapit lang sa kaniya. Pagkaraan ay kinuha ng lalaking iyon ang bag ko at isinampa sa likuran niya. “T-teka, ang bag ko.” “I’ll send you home.” “Ako?” Itinuro ko pa ang sarili ko. Home, e wala nga akong matutuluyan. “Yes, I think you need to rest.” Nga pala nasabi na sakin kanina kung ano’ng dahil ba’t ako narito. Mukhang kulang raw ako sa resistensiya, tinanong pa nga ako kung nakakakain ba ako ng maayos eh. Alangan naman na sabihin kong hindi, baka lalo pa akong mapag-isipan ng masama. ‘Yong feeling na hindi ako makapagsabi ng maayos kung ano ang gusto ko talaga dahil sa kahihiyan na ginawa ko kanina. Napayukyok na nga lang ako ng tingin sa may paanan ko. Paano ko ba sasabihin na gusto kong makapasok sa bahay niya dahil may kukunin ako? “If you were thinking about what happened a while ago, then don’t. It’s okay, Miss, I am used to it. Everyday there are people looking for me, saying I am their fiance and for whatever reasons. It’s a waste of time, but I am still giving my hand. So c’mon, I want to end this day with a rest.” Wow! Napatunganga ako sa dire-diretso niyang Ingles, samantalang ako na Conyo ay never in my life na I’ve done na magsalita ng gano’n. Akmang iiwan aalis na sana ito at iiwan ako nang habulin ko ang kaniyang kamay. Hindi maaaring dito na lang matapos ang conversation namin, dapat ngayong araw din na ito ay mas mapalapit ako sa kaniya. Nagpatay-sindi na parang christmas lights ang aking mata, balak kong magpacute sa kaniya pero parang hindi aayon sa mood nito ngayon. “Ahm, sa totoo lang kasi may pakay talaga ako sa ‘yo, sir.” dahan-dahan kong pagsasalita. “Ano kasi eh…” “What is it?” Nagtama ang mga mata namin, and shocks! Mukhang malalaglag pa ang panty ko sa sobrang lakas ng appeal niya. “De-deretsahin ko na po kayo, ang totoo kasi niyan ay kailangan ko ng trabaho. Nag-apply ako sa kumpaniya niyo three days ako kaso’y na-reject ako. Wala akong mapuntahan sir kasi napalayas din ako sa tinutuluyan ko. Baka lang may hiring sa inyo, at maipasok niyo ako.” Hindi naman kaagad siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin. “Sir?” “I don’t think I can offer you a decent job, Miss…?” “Atasha Vargas po.” “We are not hiring anymore.” Natameme ako. Akala ko pa naman ay maganda ang sasabihin niya. Paano ang pampadala ko sa probinsiya kung hindi ko siya agad mapapa-oo ngayon. “Maid, hindi mo po ba kailangan? Alalay, kahit ano na lang basta kikita ako.” Wala ng keme-keme pa, prangka kung prangka. Tumango siya na para bang inaasahan niyang sasabihin ko ‘yon. “Girls should not be attached to me, Miss Atasha. No one tries to handle a Zeke Andres, especially the third one.” “Sus! ‘Yon lang ang problema mo sir? Try me, matiyaga ako at maaasahan. Sige na naman sir, kailangan na kailangan ko talaga ng pera… at matutuluyan na rin pala.” Todo effort pa ako sa pa-tulo ng luha ha, baka naman i-reject pa rin. “I don’t know why you wanted to be just a maid, Miss. Do you really not know what kind of person I am?” I shook my head, three times as an answer. “Pero alam ko na mabait po kayo, kasi kung hindi ay baka pinapabayaan niyo na ako kanina. Oh, p’wede naman na ipasuyo niyo na lang ang pagdala sa akin dito, pero hindi niyo ginawa. Nakikita ko na mabuting tao ho kayo, sir.” ‘Yon naman ang sabi ni Boss kanina, kailangan ko lang raw na maging katiwa-tiwala ako sa paningin ni Mr Zeke dahil mabait naman daw ito… doon nga lang sa mga nagugustuhan niyang tao. At heto na naman nga ang lalaki sa pagtitig sa akin ng matagal, konti na lang ay baka matunaw na ako sa kinatatayuan ko. Pigil na pigil na nga ako sa sarili na haplusin at hagurin ang katawan ng lalaki na ‘to. Ang perfect lang kasi ng kaniyang body and facial features. Ano ba self? “Well then, if you were really interested I can give you this very precious job.” “Wow!” Talaga po? Kailangan ko bang tumira niyan sa bahay niyo, if ever man po?” tanong ko. “If you want, you can.” Pumalakpak pa ako na parang bata sa harapan niya sa sobrang tuwa ko, nagsisimula na kasi ako sa mission na nakuha ko. Tinanong ko siya kung ano ba ang magiging trabaho ko. “Just simply be my seatmate.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD