EpisodeThree

1988 Words
Ang weird man ng magiging trabaho ko para kay Zeke Andres ay tinanggap ko na. Wala siyang ibang gusto kundi ang tumabi lang ako sa kaniya, and the salary? Tumataginting na One hundred thousand pesos a month lang naman. Mahirap paniwalaan, pero afford niya talagang magbayad nang gano’ng kalaking halaga. Siya ba naman ang acting CEO ng kumpaniya ng great great grandfather nila, talagang magkakaro’n siya ng sobrang daming maibabayad sa akin. In-explain niya ang kailangan kong gawin, bukod sa kailangan ko raw siyang sulyapan kada sampung minuto ay kailangan ko rin na manatili within the leght of 1-2 meters away from him. Ang astig lang! Ang sabi niya’y ihahanda niya raw ang contrata na pipirmahan ko bukas upang maging maayos din ang lahat. Umuwi nga siya sa malaking bahay niya na kasama ako. Grabe, pang isang buong baranggay ata sa sobrang laki ng kaniyang tuluyan tapos ay siya lang mag-isa ang nakatira rito? “Matanong ko lang sir, wala talaga kayong kasama rito? Kahit taga-luto po?” tanong ko, nauuna siyang maglakad sa akin. Pero kahit na gano’n ay gwapo pa rin ang likuran niya sa akin. “I can cook by myself.” Tumango ako. ”Pero, wala naman kayong girlfriend ano sir? Mahirap na, mas mabuting alam ko para maka-isip agad ng alibi kapag naabutan niya ako rito.” Pa-joke ang sinabi ko na ‘yon pero hindi naman siya natawa, nakakainis. “Nothing. I am all alone, Atasha, don’t worry.” Ang isa sa alalay nitong lalaki ang siyang nagturo sa akin kung saan ang magiging silid ko. Sinabi na rin niya sa akin ang daily routine schedule ng amo niya. So ang lagay ay kung saan at ano’ng oras siya aalis ay dapat kasama ako. Parang ang creepy pero go na lang, para sa kinabukasan! … “Sigurado ba kayo Boss sa pagpasok niyo sa babae na ‘yon sa timeline niyo? I mean, kung parati siyang nakabuntot sa kilos niyo’y possible na malaman niya kung ano ang pinaka main bussiness niyo.” Nai-giya ko na si Atasha sa silid kung saan iniutos ng aking amo sa akin. Parati naman niyang sinusubok ang mga babaeng halos lumuhod na sa pagkandarapa sa kaniya katulad ni Atasha ngayon. Ang kaso’y may kakaiba naman sa approach niya sa babaeng ito ngayon. He sounds thrilled, mukhang gusto niyang subukan kung papasa ang babae sa standards niya. Sa mahigit limang taon ko sa serbisyo kay boss Zeke ay nakabisado ko na ang kilos at iniisip nito. Alam ko naman na gusto niyang makahanap ng isang babae na makakayanang sikmurain kung ano ang nakalakihan niyang buhay at hanapbuhay. Gusto niya ‘yung babae na kayang tanggapin na isa siyang Mafia boss, kung saan ay pinapatakbo niya ang isang illegal na business sa bansa. Ang pagpapaikot ng ipinagbabawal na gamot sa bansa hanggang sa buong Asya. Kasama ang pagbubukas ng isang prestigious bar sa ilalim ng kanyang pamamalakad. “I’m not so sure, Kalex but I’ll try. I should have my bet to know.” “Kailangan ko pa ba siyang sabihin na aalis tayo, mamaya?” tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. “Yes please, It will be her job to look at me that’s why she need to.” “Pero sir—” “No more but’s, just go.” Ipinagtabuyan na nga ako ni Sir palabas ng kaniyang silid. Hiling ko na sana ay hindi na naman siya magkamali ngayon, tama na ‘yong halos sampung babaeng nagtraydor at hinuthutan lang siya ng pera kalaunan. “Kung bakit ba naman kasi may balat sa puwet si sir pagdating sa babae. Lahat ng napapalapit sa kaniya’y kung hindi nadidisgrasya ay minamalas naman. Mayaman sana, hopeless romantic naman.” … “Sir, talaga bang kailangan kong sumama sa inyo?” naka-limang pagtatanong na ata ako kay sir Zeke hanggang sa pagpasok sa mahabang kotse niya, ang sabi niya ay limosine raw ang tawag do’n. Paano ba naman pinasuot niya ako ng sexy dress, hapit na hapit ba naman sa akin mabuti sana kung maumbok ang dibdib ko eh, mas babagay sana sa akin. Lalo na ‘tong heels na magkanda-dapa-dapa na ako sa pag-balanse. “You should be just right next to me, Miss Atasha, remember?” Malayo ang kinauupuan ko sa kaniya ngunit parehas kaming nasa isang silid ng sasakyang magara. Nakatuon siya sa isang diyaryo na kanina pa niya binubuklat-buklat, sobrang late na ata para magbasa pa ng gano’n. Ba’t hindi na lang siya nanood ng balita sa internet, napaka old-fasioned niya. Pero habang malayo ang kaniyang tingin ay mataman ko siyang pinasasadan mula ulo hanggang paa. Grabe! Napaka-elegante talaga niyang tignan. Sa sobrang guwapo niya’y parang gusto ko na lang siyang itago sa refrigirator at i-preserve para sa mga susunod pang generations. Sumisilip pa ang ilang ugat niya sa kaniyang kamay at braso, woah, nakaka-wet talaga siya. Tapos, sa sobrang pagka-demonyita ko na’y sa naka-cross legs naman niya ako napatuon. Hinahanap ko iyong umbok na parte, kaso sayang nakatago kasi kaya hindi ko mahulaan kung gaano kalaki iyon. Baka gusto niya ‘kong lahian, hindi ko na siya pipigilan, bawing-bawi na ko ro’n. “Atasha?” “Ay! Sipao! Ah bakit sir?” Nakakahiya, nakatulala na pala ako sa kaniya. “I hope you don’t swallow some flies, your mouth is wide open. Is there any problem?” Ay! Anak ng… kahiya eh. “Sorry sir, medyo gutom lang. Hehe.” Gutom sa pagpapantasya sa ‘yo, sir! Inabot ata kami ng thirty-minutes bago nakababa sa limousine, sumakit ang bandang p’wetan ko sa tagal kong nakaupo, straight. Isang malaking hotel na mukhang mamahalin ang bumungad sa akin. Napa-wow pa nga ako sa sobrang ganda niyon, lalo na pagpasok. Nauna ang dalawa sa anim na kasama naming lalaki ba puros naka-itim. Piling ko mga bodyguard sila, may pa-earphone pa sila na may wire na nakasukbit sa tainga nila, naka-shades pa kahit gabi naman. Then ‘yong another na apat ay nakasunod naman sa amin. Hindi ko maiwasang hindi mapatanong kay Sir Zeke kung bakit nga marami siyang guards. “It was part of my daily routine, Ms. Atasha, and also to protect myself,” kalmado niya lang na sabi. Ako naman napatango na lang habang nakangiwi ng kaunti. “Anyway, you’re beautiful from that dress.” Napasapo ako sa magkabila kong pisngi sa papuri ni sir, pakiramdam ko’y kinilig pa ‘ko ng bahagya. Kuma-clap-clap pa ang k*pay ko sa sobrang tuwa. “Talaga ba, sir? Mai-inlove ka na ba sa akin niyan?” Deretsahanan na ‘to, napansin na niya ako, nakapasok sa bahay niya at ngayon ay kailangan ko na siyang mapa-ibig sa akin. Para sa Twenty Million pesos, kapalan na ng mukha ‘to. “No.” “Aray naman! Nakakasakit ka naman sir ng damdamin. I am pretty and your gwapo naman, magandang lahi ang mabubuo na ‘tin kapag nagkataon, no.” “You’re silly,” aniya. “C’mon, you can look around. You said you’re hungry right? Go get some food that you want.” Namilog ang mga mata ko pagkasambit niya ng ‘food’, talaga ba puwede akong kumain ng kahit ano? Napa-okay sign pa nga ako sa kaniya gamit ang dalawang kamay ko mismo. “Go, but you keep in mind. Don’t talk to anyone, expect to Kalex and to other boys.” He was pertaining sa mga bodyguards na kasama namin. Tumango naman ako as a responce sa kaniya. “And if anything happens, use the weapon I gave you.” Napakurap-kurap ako. Gusto niyang gamitin ko ang binigay niyang baril sa akin. No no no, ayaw ko kayang makapatay ng tao. “As a self-defense, Atasha. Do it.” Kinabahan ako sa tono ng boses ni sir Zeke, paano ba namang hindi eh, kanina ko lang sila personal na nakilala. Sobrang baliw ko pa nga na basta na lang nagtiwala sa mga taong ito. Hindi ko pinagtuunan ng pansin na baka masasamang tao sila, pagkatapos ay bigla may gawing masama sa akin. Hindi ko na lang namalayan na na-chop-chop na ako. Creepy. Nagpaalam na nga siya, sumunod ang dalawa sa bodyguard niya sa kaniya, ang isa ay may hawak na itim na suit case. Umakyat sila sa isang matarik na hagdan, habang sinusundan ang isang staff sa naturang Hotel. Ako naman ay sinimulan na ang paglantak sa masasarap na pagkain na nakahanda sa banquet. Mukha akong patay-gutom sa ginagawa ko, hindi ko kasi mapigilan. Bukod sa gutom na talaga ako’y sobrang sasarap ng pagkain nila rito. Bigla ko ngang naisip ang mga kapatid ko sa probinsiya, kung narito lang sila ay tiyak na tuwang-tuwa rin sila sa natitikman ko. “Sayang, hindi ako nakapagdala ng plastic, nakapag-sharon man lang sana kahit itong pusit at talaba na lang. Sobrang sarap kasi,” pabulong-bulong ko habang panay pa rin ang pagsubo. “Kuya may pambalot ka ba riyan?” Hindi nga ako nakatiis at tinanong ko na ang lalaking nagsasandok ng pagkain para sa mga bisita nila. Lumipat na ako ng puwesto, ‘yong mga dessert naman ang titirahin ko. Inuna kong tikman ang cocolate flavor na kaunting cake at marshmallow na sa tagayan ng Gin nakalagay. Ang sarap no’n, maging ang strawberry flavor na slice cake ay gano’n rin. Napapatalon pa ako sa sobrang heaven na dinadala sa akin ng mga pagkain. “Miss, Atasha, kailangan na nating umalis.” Maya-maya pa’y lumapit sa akin si Kalex, bumubulong lang siya na para bang may kailangan kaming pagtaguan. “Huh? Ang aga naman, ‘di pa ko tapos kumain. Tayka lang, nakakain ka na ba ha?” sabi ko. Bakit naman masyado siyang nagmamadali? “Pasensiya na talaga kayo Miss, pero ‘yon ang utos ni Sir. Tara na po.” Napasimangot ako habang sinasabi niya ‘yon, ngunit sa pagdampi-dampi niya sa kaniyang earpiece sa tainga ay parang kinabahan ako ng kaunti. “Bakit? May problema ba? Sandali lang, kukuha lang ako ng alimango doon–” Papalakad ako noon ng bigla na lang nagkasigawan sa loob ng Hotel. Sunod-sunod na ang nangyari’t hindi ko na nagawang saksihan pa ang ilan. Pero bakit sa itaas kaagad ako ng hagdan napatingin? Si sir Zeke ang naisip ko ng mga oras na ‘yon. “Miss, Atasha!” napalingon ako kay Kalex. Nagkakatulakan na pala sa paglabas sa malaking bulwagan. May putukan na rin ng baril akong naririnig, napatakip ako sa aking tainga. Diyos ko, ano ‘tong napasukan ko? Sumunod ako kay Kalex, pilit siyang gumagawa ng daan para makaalis kami. Hindi ko na alam kung saan nagpunta iyong tatlo pang bodyguard na kasama namin, kawawa naman sila kung maiiwanan sia rito. Help! Ayaw ko pang mamatay. Halo-halo na ang sigawan at putukan ng baril, natamaan na ang ilang lamesa at mga pagkain na nakahanda, jusmiyo, sayang! Ngunit sa kasamaang-palad ay nawala ako sa pagsunod kay Kalex. “Aray! Ouch!” Natisod na nga ako sa pagkataranta ng mga tao mula sa loob. Hindi ko alam ang gagawin, nakasalmpak na ako sa malamig na sahig. “Bwiset kasing takong na ‘to.” Tuluyan ko na ngang tinanggal ‘yon sa mga paa ko. Ngayon ay ako na rin ang nataranta, lalo pa nang biglang napuno ng usok ang Hotel, w-wala namang sunog ha, saan galing ‘yon? Inang. Itang. Tulong. Cough. Cough. Napasampa na ako sa pinakasahig, nalula ako sa kapal ng usok. Masakit sa mata at lalamunan. Ngunit kahit gano’n ay nagkaroon pa rin ako ng malabong slow-mo view sa mga taong hindi magkamayaw sa pagligtas sa kanilang mga buhay. Help, please… hanggang sa… “S-sir Zeke?” Ang gwapo niya talaga. Ramdam kong binuhat niya ako, pero hindi na ‘ko makakilos pa, naririnig ko ng mahina ang paligid ko, ang boses ni sir na tinatawag ako. “Siya! Siya ‘yong Mafia Boss na nakapasok!” M-Mafia Boss? Sa isipan ko, sino? Nanlabo na lang ang paningin ko’t hindi na napigilang ipikit iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD