“Good that you’re awake. Do you have anything you want?”
Ang boses kaagad ni sir Zeke ang bumngad sa akin pagkamulat ng aking mata. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang masakit o ano pa man. Buo pa rin ako, walang labis walang kulang.
“A-ayos lang po ako sir, nasaan na po tayo?” tanong ko nang tuluyang maiupo na ang aking sarili sa malambot na kamang kinararatayan ko.
“We’re on the Mansion, hindi ka na namin dinala sa Ospital dahil masyadongn komplikado pa.”
Tumango ako, pero ano nga kasi talaga ang nangyari doon sa pinuntahan namin? Ang saya-saya ko lang naman habang kumakain tapos bigla na lang nagkagulo. And wait, bigla akong may naalala… napatingin ako kay sir Zeke at kay Knoxx na parehas nasa harapan ko. Ngunit bigla na lang akong napalunok ng aking laway ng mapagtanto kung gaano kakisig ang dalawang lalaking ito. Bukod sa malalaki ang kanilang katawan ay mukha pa silang mga action stars sa tandem na black suits nila. Buti’t hindi pa rin nalalaglag ang panty ko hanggang ngayon. Hindi ko na nga gano’ng na-appreciate ang ganda ng kuwarto na napuntahan ko ngayon sa labis na magkapangha sa kanilang dalawa.
“Atasha, are you okay?”
“A-eh oo naman po sir, m-may naalala lang po kasi ako,” sagot ko kay sir Zeke.
“What is it?”
“Kanina po kasi bago ako nawalan ng malay ay may narinig pa akong sinabi ng mga lalaki na naroon sa pinuntahan natin. Mafia Boss raw po? Ano ‘yon sir? May mga Mafia Boss doon kanina?” Napalapit pa ako kay sir Zeke nang itanong ko iyon. Hindi naman siya nagulat sa tanong ko, mukha lang siyang hindi makapaniwala na bakit parang naaalala ko pa ang pangyayari na ‘yon.
Hindi nakasagot si Sir Zeke, imbes ay si Knoxx ang siyang tumugon sa akin.
“Oo, Atasha may mga Mafia Boss nga na naroon sa event na ‘yon.”
Literal na namilog ang aking mga mata sa sagot ni Knoxx. “Talaga ba? Sayang naman at hindi ko nakita. Ano’ng mga hitsura nila? Matatandang matataba ba na medyo pandakin? Tapos may balbas sa mukha nila? ‘Yong parang ganito kay Sir Zeke, pero mas makapal sa kaniya?” Sunod-sunod na tanong ko.
Napatameme naman ang bodyguard sa akin, para bang hindi niya ma-explain sa akin kung ano nga ang sagot sa mga tanong ko.
“Hoy! Hindi ka na sumagot Knoxx.”
Tumukhim nga muna ang lalaki bago muli ay bumaling kay sir Zeke tapos ay sa akin. “Well, hindi sila tulad ng akala mo. Armado at may malalakas na kapit ang mga Mafia Boss, may iba’t-ibang kasi silang kakayahan pagdating sa industriyang pinapatakbo nila. Kanina, ang Mafia Boss na naroon sa event ay ang isa sa tagapagmana ng Black Underground. At ang ibang detalye ay hindi ko na sa ‘yo maibibigay pa.”
Tumatango ako habang nakanguso, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kaunting agwat na lang ay may tsansa na akong makaharap ang isang Mafia Boss.
“Hindi ba siya gawapo Knoxx? Single? O ‘di kaya’y ready to mingle?” natatawa ko pang tanong muli.
“Why do you want to know, Atasha? Mafia Bosses are notorious and unpredictable, are you not afraid of them?” tanong ni Sir.
“Naku! Saka na ako matatakot sir Zeke kapag nakaharap ko na sila, kapag nalaman ko na kung dapat nga talaga silang katakutan. For now po ay ma-aamaze na muna ako sa mga tulad nila.”
“Hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo Atasha,” si Knoxx naman.
“Bakit ba? Nakakatakot ba talaga sila? Mga mukhang monsters ba sila ha? May mga pangil at sungay?”
“Of course not!” Masyadong defensive naman ata ng sagot ni Sir Zeke sa akin.
“Grabe, parang galit na galit naman kayo niyan Sir, oh sige na kumbaga hindi.”
“Ang mabuti pa ata sir Zeke ay pabayaan na muna natin si Atasha na makapagpahinga ngayon para bukas po ay maaga siyang magising. Hindi po ba’y ipinahahanda niyo ang kontrata para sa kaniyang trabaho sa inyo? Iniutos ko na po sa laywer niyo’t bukas ng umaga ay nakahanda na raw po para pirmahan ang papeles.”
Kontrata? Sa isip-isip ko.
“Oh, yes the contract,” sabi ni Sir tapos ay sa akin sumulyap. “You heard it Atasha, Tomorrow morning you will be officially hired. So wake up early.”
“O-okay po sir,” sagot ko. Ang tanging gagawin ko na lang siguro ay ang magbihis ng pantulog, hindi naman ata bagay sa akin ang matulog ng naka gown pa.
“Okay then. Let’s go Knoxx.”
Nakasunod ako sa pag-alis ng dalawang gwapong lalaki sa silid ko, ngunit bago pa man sila tuluyang nakalabas ay muli kong tinawag ang pangalan ni Sir.
“Maraming salamat po ulit, sir Zeke sa pagtulong niyo sa akin,” sabi ko. Thankful naman ako lalo pa’t hindi siya nag-alinlangan na maniwala sa akin kanina, kahit na medyo may halong guiltiness pa rin dahil on the first place naman ay planado talaga ang pagkakalapit ko sa kaniya.
Diyos ko po, nawa’y hindi ako nila mahuli dahil baka pag nagkataon ay sa lansangan na naman ako pupulutin.
“Don’t mind it, Atasha. As long as you’re good and will never betray me… Us… you can stay here as long as you want.”
Ngumiti pa si Sir Zeke bago tuluyang umalis na sa silid ko. Ka-muntik na nga akong mapatili kanina sa sobrang kisig niya habang nakahawak sa seradura ng pintuan. Para siyang model ng isang pintuan na tine-testing ang pagbukas at sara niyon.
“Bakit ang gwapo-gwapo ni Sir Zeke? Eh kung asawahin na lang kaya niya ako? O kahit lahian na lang para masaya.”