EpisodeFive

1262 Words
“Bakit parang ang dami ko naman atang kailangang sundin?” Napapakamot ako habang binabasa ang kumpol ng papel na bigay sa akin ni Knoxx kani-kanina lang. Umaga na nga’t narito kami sa vernada, nagkakape si Sir Zeke habang ako ay busy sa kakabusisi ng pinapipirmahan nila sa akin. Three months contract daw iyon, kapag maganda ang performance ko ay ire-renew nila ng another six months, tapos ay isang taon hanggang sa gawin daw nila akong regular employee. Ano’ng ibig sabihin no’n? Magiging sunod-sunod ako kay Sir Zeke hanggang sa pagtanda niya? Ano kahit may asawa na siyang mananatili lang ako ng 1-2 meters ayaw from him? Ang OA naman ata no’n. “Malaki naman ang sahod, Miss Atasha, mas malaki pa nga ang sahod mo kaysa sa amin na buwis buhay,” pagsingit naman ni Knoxx sa mga iniisip ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin bilang sagot, pagkatapos ay kay sir Zeke bumaling. “Totoo ba talagang free na pati ang pagtira at pagkain ko rito Sir, para kasing napaka good to be true naman nito. Hindi na po kapani-paniwala.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko. Aba! Mabuti na ‘yong habang maaga pa’y magkaalaman na kami. Hindi rin pati kasi maipagkakaila na kahapon ko lang sila nakilala tapos kung tratuhin nila ako ay parang isang prinsesa. “Yes, Atasha… All of it are true, so just sign it. Para makaalis na tayo.” Napataas ako ng aking kilay, muli kasi ay narinig ko na naman ang tagalog ni Sir, napapakadalang ko lang siyang marinig nang ganito, kadalasan ay Ingles ang kaniyang salita na talaga namang nakaka-nosebleed. “Madaling-madali?” bulong ko. “So, magiging tagaluto na rin ako kapag narito ako sa bahay?” iyon ang nabasa ko sa kasulatan. “Alangan namang kami pa ang magluto para sa ‘yo, nakikita mo naman ata na wala ni isang maid dito.” Nakakagigil na talaga ang Knoxx na ‘to, sasabat na lang hindi pa maganda ang lumalabas sa bibig niya. “Ikaw ba ang kausap ko, ha?” “Bilisan mo na lang kasi, marami pang appointments si Sir Zeke… lahat ay importante.” “Sir oh, nang-aayaw naman ‘tong bodyguard niyo,” pag-iinarte ko sa harapan nila na siyang nakapagpakunot ng noo ni Sir sabay baling sa aming dalawa. “Both of you should behave,” ani Sir. Grabe ang husky ng boses niya, malalim ng kaunti na para bang narrator siya ng isang horror movie clip. Add points pa ang balbas niya na para bang papatubo pa lang ulit mula sa pagkakashave no’n. Ugh! Nakaka-wet ang ganitong klaseng amo. Lunok laway. “Atasha!” “Ah? Y-yes sir?” “Ang laway mo…” “Oh Gosh!” bulalas ko sabay punas sa ibaba ng aking labi. Napangiwi pa ako ng maramdaman na parang napapangiti pa si Sir sa kabobohan ko sa aking buhay. Kahiya men! “Tsk, kailangan na po nating umalis sir,” basag ni Knoxx. “Okay then. I hope that you understand everything that is stated in the Contract Atasha. Your hundred thousand salary will be on cash. It will be given every 15th and 30th of the month, 50/50 of course. Understood?” Personal nang in-explain sa akin ni Sir ang tungkol sa pinakaimportante na sahod. “And about your job, well… it will just be simple, right? Just always stay at my side, you will be my eyes at the back of me. You will be my ears, too. Report to me, anything you hear that concerns me… and most of all. You will be my seatmate.” “Yes sir, naintindihan ko naman po lahat ng gusto niyo. Maliban po sa isang bagay… bakit kailangan niyo po ng seatmate? May exam poba kayo tapos ay hindi niyo masagot kaya kailangan niyo ng magagayahan?” “Ay! Ang engot talaga.” si Knoxx. “O baka naman dahil kailangan niyo ng ka-chismisan, ano po?” Natatawa ko namang sabi sa kanila. Ayos lang naman sa akin kung gano’n mas gusto ko rin ang nagsasalita talaga kaysa ang tahimik lang, mapapanisan ako ng laway pag nagkataon. Bumuntong-hininga lang si sir Zeke, tapos ay tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at sinenyasan ako na sumunod na sa kanila. Kinuha na rin ni Knoxx ang mga papeless na natapos ko na nga ring pirmahan. “Grabe, deadma lang ‘yong tanong ko?” “Asa ka namang sasagutin ni Sir Zeke lahat ng tanong mo, maghintay ka lang dahil paglipas ng ilang araw ay malalaman mo rin kung ano ang tunay na ugali ni Sir.” May pagbulong pa sa akin si Knoxx. Back stabber ang lolo niyo, sinisiraan ang amo niya sa ibang tao, very bad ha! “Ang arte mo naman,” sabi ko pa sa kaniya. “Pustahan tayo, hindi ka naman aabot ng tatlong buwan dito, isang linggo, p’wede pa.” Aba’t! Parang hinahamon ata niya ako ha. “Sige ba, magkano ba ang pusta mo?” Akala ba niya’y basta ako susuko? Kahit hindi na ako pasahuran ng amo niya’y may sasahurin na rin naman akong twenty million sa una at tunay kong amo, ‘no. “Sige, ten thousand, isang linggo ka lang dito.” “Sus, pobre ka ba? Ang liit naman ng pusta mo, sige pusta ko lahat sahod ko para sa isang cut-off, Fifty kyaw lalagpas ako ng isang linggo rito. Hindi lang ‘yon, magiging amo po pa ako sa future.” Hahaha. “Grabe, sobrang taas naman ng lipad mo.” “Kaysa naman sa mababa ang lipad, edi nalaglag pa ‘ko niyan sa maling tao… Yiieeh.” Tawang-tawa ko sa sarili kong joke. Nalaglag sa maling tao eh. Haha. “Tsk, OA talaga, iwanan na nga kita riyan.” “Huy! Hintay naman!” Malalakbang ang hakbang ni Knoxx kaya mahirap na mahabol kaagad siya. “Lumayo ka nga sa ‘kin.” aniya. “Itatanong ko lang naman kung may mapapangasawa na ba si Sir Zeke? Kasi kung wala pa’y willing akong magvolunteer sana.” “Tumigil ka na nga Atasha, si Sir na lang ang tanungin mo niyan hindi ako. Tabi na.” Bahagya niya akong itinulak, siya rin kasi ang driver kaya doon siya sa unahan naupo. Sinimangutan ko naman siya bilang sagot sa pagiging maarte niya sa akin. Kasunod nga’y inambangan ko pa siya ng aking kamay na para bang balak ko siyang saktan. Sa tabi niya ako umupo ngunit ng mapansin ni sir Zeke na naroon ako’y agad niyang sinabi na dapat daw ay nasa tabi niya ako. “You already forgot your job Miss Atasha,” ani Sir ng makatawid ako sa passenger seat papunta sa backseat kung nasaan din ang amo ko nakaupo. “Sorry sir,” sabi ko. Dahil sa kulob ang kotse’y mas lalo kong naamoy ang bango ni Sir. Grabe, ang fresh niya talaga. “I am sleepy, Atasha.” “Huh?” Napakilos ako sa aking kinauupuan at humarap kay Sir. “Sana po pala’y hindi na muna kayo pumasok at natulog na lang muna, Sir–” “No, it’s okay just…” hindi pinatuloy ni Sir ang sinasabi niya bagkus ay hinila niya ako papalapit sa kaniya na sadyang ikinagulat ko naman. May kasabay na paglaki pa nga ng aking mga mata. “S-sir?” “Stay this near to me. Stay still.” ‘Yon na ang huling nasabi ni Sir Zeke matapos nitong ipilig ang kaniyang ulo sa aking balikat. Pakiramdam ko’y sasabog ang aking dibdib sa sobrang kaba at excitement ngayon. Kinikilig ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD