EpisodeSix

1205 Words
Muli akong nakapasok sa malaking Kompaniya nina sir Andres. Ayon sa kwento ni Knoxx ay mayroong Limang tagapagmana ang Pamilya ng mga Andres, inisa-isa niya sa akin ang mga pangalan nila pero mukhang hindi ko ata kayang tandaan lahat iyon. Pero for sure naman ay makikilala ko rin sila lalo pa’t mananatili ako sa tabi ni Sir Zeke paminsan-minsan. Napakalaki at napakalawak ng Blue Corporation, fully airconditioned ang bawat sulok ng malaking gusali. Kaya ng kanilang Kumpaniya ang magpasahod ng maraming empleyado, sobrang nakaka-impress. “Grabe naman talaga ang pamilya nila sir Zeke ano? Bongga sa yaman!” sabi ko habang nakasunod kami kay sir Zeke sa paglalakad patungo sa kanyang Opisina. “Gano’n talaga, hindi pa sila pinapanganak ay nakatakda na silang maging mga bilyonaryo,” sagot ni Knoxx. “Kainggit, samantalang no’ng kabataan ko’y isang kahig isang tuka ang pamilya namin, samantalang sila’y kahit na anong gustuhin ay nakukuha agad nila.” “Baka mamaya’y kainin mo lang ang mga sinasabi mo Atasha. Kung titignan mo si sir ay iisipin mo na matapobre at malupit talaga siya, pero sa loob niya’y ayaw niya ng buhay na mayroon siya ngayon. Mas gusto ni sir ang tahimik na buhay, katulad ng kung ano ang mayro’n ka.” “Naku Knoxx, baka kung ikaw ang malagay sa disposisyon ko’y hindi mo pangarapin ‘yon. Kung ako lang ang papipiliin ay gusto kong maging CEO ng isang malaking Korporasyon. Maraming pera, pagkain at may sariling mga sasakyan. Hindi ko pa sana kakailanganing manloko ng tao para lang makakuha ng pera.” Walang preno kong sabi na a huli’y saka ko lang narealize na parang may mali sa mga iyon. Kaya nang lingunin ko si Knoxx ay nakakunot ang noo niya sa akin, na para bang naghihintay ng punch line sa huli kong sinabi. “Dati,” sabi ko. “Dati kasi ay nagawa ko pang manloko para lang may pambili ng pagkain, pero hindi na ngayon. Kailangan kong maging marangal para sa aking pamilya.” Ampotek na ‘yan napakabalahura talaga ng bibig ko. “Okay. Akala ko kung ano na. Mag-iingat ka sa mga bibitiwan mong salita sa harapan ni sir. Ngayon maayos ang trato niya sa ‘yo, pero kapag nakakita siya ng kahit na maliit na mali sa ‘yo’y tiyak na hindi mo na kakayanin pa ang ugali niya. Kaya nga nakipagpustahan na ako sa ‘yo ng isang linggo… dahil ‘yon ang parating nangyayari sa mga taong gustong lumapit sa kaniya.” Napa-oo na lang ako sa bawat explanations ni Knoxx sa akin, sa isipan ko’y baka tinatakot lang ako niya’y ni-pe-pressure dahil sa pustahan namin. Mas maniniwala pa rin ako do’n kay Boss NJ na pinsan ni sir Zeke. Ayon sa kaniya’y mabait naman si sir basta’t makuha lang ang kiliti nito. Nakarating kami sa Opisina ni Sir, naging sobrang busy ng kaniyang schedule pero kahit na gano’n ay nanatili lang ako sa tabi niya. Kung may tsismosa nga lang ay iisipin na mag-jowa kami tapos ay under na under siya dahil kailangan pang bantayan. Casual na pants at white t-shirt lang ang suot ko at ang sapatos kong imitation na bili pa sa tiangge sa aming probinsiya. Maayos na naka-ponytail ang mabaha kong buhok. Take note, no maka up at all pa ang lola niyo, tamang pulbos at liptint lang ay ayos na ako. ‘Ang yummy talaga ni sir Zeke, kahit na saang anggulo pa tignan,’ sa isipan ko habang nakatitig sa kaniya. Busy siya sa harapan ng kaniyang Computer kaya hindi niya naman basta mapapansin kung bigla akong tumingin nang wala siyang abiso. ‘Naka-ilang jowa na kaya itong si sir. Magaling kaya siya sa ano? Ilang kaya ang pandesal niya?’ ‘Ano kaya ang ideal type ni sir?’ “Atasha?” “Ay. sir? Bakit po?” Nawala na nga ako sa aking sarili, hindi ko na napansin na tinatawag na pala ng amo ko ang aking atensiyon. “I thought you want to say something dahil kanina ka pa nakatingin sa ‘kin.” “Ah!” nakagat ko ang aking labi. “Actually ay magpapaalam po talaga sana ako na mag Cr lang po ako saglit.” Pagpapalusot ko sa kaniya. Kunwa-kunwarian na lang na nai-ihi kahit hindi naman. Napasandal ako sa pintuan pagkalabas ko sa Opisina, mabuti na lang at naisipan ko agad ng alibi. “Masyado ka kasing pantasyera Atasha Vargas. Napapatunganga ka tuloy.” … Hindi ko trabaho na magbantay sa labas ng Opisina na Sir Zeke. May sari-sarili kaming destinasyon namin pagkatapos siyang maihatid ng maayos sa kaniyang Opisina’y dumiretso sa CCTV area at magbantay doon. Tatlo sa kasamahan ko’y naroon. Ang dalawa ay nasa main ground ng building habang ako’y nasa entrance lang din ng palapag kung nasaan si Sir. Ganito naman ang routine namin parati, sanayan na lang. Ngunit kalaunan ay nakatanggap ako ng tawag mula sa ibaba, ibinalita nilang dumating daw ang mga pinsan ni sir Zeke. Kaya ang sunod kong ginawa ay agad na pinuntahan si Sir Zeke sa kaniyang Opisina upang ibalita. “Ano na naman ang kailangan nila ngayon? Wala namang meeting, hindi ba?” “Hindi ko rin po alam sir, papaderetsuhin ko na po ba sila?” tanong ko naman. Napailing-iling na lang si sir sa akin, saka sinabing sige na raw. Pinahanda niya rin ang private room at doon na lang niya kikitain ang kaniyang mga pinsan. Nang makuha ang instruction ni Sir ay agad din akong sumunod. Pero bigla kong naalala si Atasha, wala siya sa Opisina. “Saan naman kayo ‘yon nagpunta? Kailangan ko nang tulong niya ngayon. Mukhang hindi nga talaga maaasahan ang babae na ‘yon.” Naging mabilis ako sa pagkilos kaya naman ng maihanda ko ang private room ay saktong narito na rin sila sa ika-labing walong palapag ng gusali. “Good Morning, Miss Ellaijah.” Pagbati ko sa nag-iisang babaeng kasama ng apat pang pinsan ni sir na lalaki. “Good Morning, where’s Zeke?” tanong niya. “Nasa Opisina niya po, pero ipinahanda niya po ang private room… do’n na po tayo.” Pag-aassist ko sa apat na Andres na dumating. Ngumiti sa akin si Ma’am Ellaijah habang ang kambal na sina sir Lucas at Marcus ay nakasunod naman sa magandang babae, nahuhuli sa kanila ang nakababata sa kanilang lima na si Sir Naver. Mukha talaga silang karespe-respeto sa bawat kilos nila, hindi mo makikitaan ng mali kung hindi ka lang titingin sa kanilang mga personal na background. Si Miss Ellaijah ay maganda’t kung titignan ay hindi halatang magku-kwarenta na siya sa susunod na dalawang buwan. Si Sir Lucas at gano’n pa rin, masyadong tahimik… mas tahimik pa kay sir Zeke. Habang si sir Marcus naman ay nakapatong ang siko sa lamesang ang baba naman niya ang nakasalo sa palad, heto na naman siya sa pag-aanalize sa mga bagay-bagay. At ang mestiso’t nasa ika-dalawampu’t siyam na taong gulang na si sir Naver ay nagkukuyakoy lang ng kaniyang paa sa kinauupuan niya. Mga desente naman silang tignan, ‘wag mo lang talagang iisipin na lahat sila may sari-sariling ‘black bussinesses’, o di kaya’y sila ay mga Mafia Boss. “Maiwan ko po muna kayo, tatawagin ko na po si Sir Zeke.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD