-Marco- Halos wala akong nasagot sa mga naging tanong sa akin ni Jewel noong gabing pumunta ako sa bahay na tinutuluyan nito, matagal ko na rin namang alam kung saan ito nakatira at palagi akong nagbabantay dito lalo na kapag wala naman akong ginagawa sa loob ng aking office. Gusto kong matiyak na maayos itong nakakapasok at nakakauwi sa kanyang apartment ng sa ganoon ay maging panatag rin ako. Sobra ko na itong namimiss at hindi ko na rin kayang hindi ito nakikita o nakakasama pero pinamukha lang sa akin nito kung gaano ako kawalang kuwentang lalaki para dito. Maraming tauhan ko ang nakabantay dito at maging sa loob ng hospital na pinapasukan nito at nakapalibot dito ang body na inilaan ko dito, hindi ako papayag na may masamang mangyari dito kaya todo ang ginagawa kong pagbabantay dito.

