-Jewel- “Guy’s may chika ako sa inyo, alam n’yo bang super yaman pala ng bagong dating nating pasyente at hindi biro ang laki ng kanilang pamilya. Grabe sa buong buhay ko ngayon palang ako nakakakita ng ganoong kayaman na tao at talagang gagalingan ko ng sag anon ay mapansin ako ng mga ito, grabe hindi ko maimagine kung gaano sila kayayaman.” Masayang pagkukuwento ni Coney isa sa mga kasamahan kong doctor dito. Nasa loob kami ng office at nasa tabi ko lang din naman ang mga ito kaya rinig na rinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Nasa isang public hospital ako kaya naman hindi maiiwasan ang mga kanilng kuwentuhan o usapan ng mga tauhan dito, masasabi kong maayos naman sila makisama sa akin at kahit papaano ay napapalagayan ko sila ng loob. Hindi na rin muna ako kumibo kahit pa kilala ko ang

