-Marco- Dumating kami ng mga kapatid ko sa mansion ni Enzo na magulo ang buong loob ng bahay nito, wala namang nangyaring gulo o labanan pero halos basag lahat ang gamit na makikita dito. Kakagaling lang nito sa ibang bansa at hindi nito nalaman ang totoong nangyari kay Mercy at kung paano nawala ang pinagbubuntis nito. Nang isugod si Mercy sa hospital ni Mommy ay marami na ring nawalang dugo dito, at mukhang hindi rin alam nito na buntis siya kaya niya nagawa ang planong pagpapakamatay sa pamamagitan ng paghiwa nito sa kanyang pulso. Nagalit si Mommy sa aming lahat at dalawang araw na rin nitong hindi kinikibo si Daddy, nang gabing dumating si Enzo galing sa ibang bansa ay pinadarecho ito ni Daddy sa hide out at doon niya ito sinuntok ng hindi naman napahandaan ng kakambal ko. “Buwit

