-Michael / Marco Nasa loob na ako ng bodega ng maramdaman kong may pumasok hindi ako sigurado kung sino kaya naman nagtago ako sa isang gilid na hindi madaling makita ng sino man, hanggang sa makita ko si Jewel ang pumapasok ng dahan-dahan maingat itong lumakad hanggang sa matapat sa aking kinaroroonan. Tinakban ko ang bibig nito dahil baka gumawa ito ng ingay kung sakaling makita ako nito ngayon dito. Subalit hindi inaasahan ang ginawa nito bigla na lang nitong inapakan ang aking paa at kahit may suot akong sapatos ay ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng takong nito na parang tinusok ang paa ko, halos hindi naman ako makasigaw dahil sa sakit kaya naman tiniis ko na lang muna ito hanggang sa tuluyan mawala na rin ang kirot nito. Nagtanong pa ito kung bakit ako naririto samantalang ang

