-Jewel- Bata pa lang ako ay alam ko ng may gingawang mali ang Papa ko, mali man mangbintang sa magulang pero alam kong tama pa rin ang kutob ko dito. Malimit umuwi si Papa na dahilan na iginagagalit ni Mama dito, ilang araw na hindi uuwi si Papa at ang alam ni Mama ay may ibang babae ito na kalat na rin sa buong probinsya. Kilala ang pamilya namin dahil sa pamilya ng aking Ina, ang lolo at lola ko ang may pinakamalaking lupain dito, at kami rin ang may pinakamaraming tauhan na nagsasaka sa tubuhan at maisan na minana ng aking Ina sa magulang nito. Ayon sa kuwento ni Mama hindi si Papa ang tunay nitong mahal, may ibang lalaki s’yang gusto na ayaw naman ng kanyang mga magulang kaya naman nasaktan si Mama ng ipakasal s’ya kay Papa dahil sa hindi n’ya rin kilala ito at noong mismong araw lang

