-Michael / Marco Paubos na rin ang dala kong bala pero hindi pa rin nauubos ang mga taong bumabaril sa amin ni Senyorita Jewel. Alam kong mangyayari ito pero hindi ko inakalang ganito pala sila karami, kanina ng umalis kami ng mansion ay nakita ko ng may sumusnod sa amin ang buong akala ko pa man din at tauhan ng kanyang ama pero nagkamali ako dahil pinaputukan nila kami at ngayon nga ay hindi ap rin ako tumitigil na makipagbarilan sa kanila. Iningatan kong hindi tamaan si Jewel dahil ayokong mahirapan ito kung sakali, saktong tinignan ko ang magazine ay nakita kong apat na putok na lang ito at kapag hindi ko natamaan ang kanilang mga mga gulong ay siguradong mahihirapan na ako nito. Subalit muli sana akong puputok ng makita kong may dalawang motor ang bumabaril mula sa aking likuran at

