-Jewel- Limang araw na rin ng hindi ko nasisilayan ang anino ni Michael dito sa mansion, nagtext naman itong nasa maisan ito kasama ng aking ama pero aaminin kong hinahanap ko ang presenya nito sa tagal na hindi ko ito nakakasama. Napahinga na lang ako at saka pumasok ng aking kuwarto nasa balkonahe kasi ako at nagpapahangin, wala rin akong magawa dito sa mansion dahil halos lahat ng kuwarto dito ay napasok ko na subalit wala akong makitang kahina-hinala sa loob. Nahiga ako sa kama ko ng nakatingin sa may bintana at nakikita ko ngayon ang magagandang bituin na nasa kalangitan, pinikit ko ang aking mata at saka inimagine ang mukha ng aking inang na nakangiti sa tuwing nagkukuwentuhan kami. Mapait din akong napangiti at lumuluha dahil sa naaalala ko ang aking mahal na ina, gusto ko talagang

