-Marco- Sumasakit ang ulo ko dahil sa nagawa kong pag-iinom kagabi, hindi ko rin malaman kung ano nga ba ang ginawa ng mga pinsan ko at doon ako hinatid sa mismong apartment ni Jewel, nahihiya tuloy akong humarap dito kanina dahil alam kong nakita nito kung paano ako naging miserable. Kanina ko pa tinatawagan ang mga pinsan kong naghatid sa akin sa dalaga, subalit sadyang ayaw nila akong sagutin dahil alam nilang masasabon ko ang mga ito. Napapailing pa ako dahil talagang naiinis ko sa ginawa ng mga ito. Naghihilot pa ako ng ulo ng maramdaman kong may pumasok at nakita kong naupo sa coach ko ng wala man lang kaingay-ingay, nagtaas ako ng tingin dito at laging gulat ko ng makita si Mommy na masama ang tingin sa akin. “Mommy” Mabilis kong sambit at saka ako tumayo para lapitan ito. Nakakat

