-Jewel- Hindi ko akalain na makakausap at makikilala ko ang ina ni Marco, si Mrs. Annalou De Lana ay isang nurse pala dati at tumigil lang noong napangasawa ang ama ni Marco na si Mr. Zen Levy De Lana. Ayon sa kanyang ina ay hindi rin naging madali ang maging asawa ang isang De Lana o kahit ang makilala man lang ang mga ito. Katulad ko ay anak din pala siya ng dating kaaway ng kanyang asawa, marami s’yang pinagdaanan na mas mahirap sa aking pinagdaraan pero Nakaya daw niya ang lahat ng yon ng mahalin niya rin ang isang Mafia lord at pinuno ng isang malaking organization. “Alam mo iha, nakakatakot at talagang mahirap ang mga dinadaan ko noon. Dahil ang taong inakala mong kaaway ay siya pala ang tunay mong kakampi, at ang tinuring mong pamilya at siya pala ang taong kayang manakit sayo. A

