-Marco- Nanglalabo pa ang mata ko ng magising ako at isang doctor na babae agad ang nakita ko, pinikit ko ulit ang aking mata dahil sa nasisilaw pa ako sa liwanag pero ng maaayos na ang aking paningin ay nalaman kong nasa loob ako ng isang hospital room ay may doctor na babae ang tumitingin sa akin. Maganda ang pagkakangiti nito sa akin subalit hindi ko iyon pinansin dahil talagang masama pa rin ang pakiramdam ko, hanggang sa bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang pinsan kong si Xylyne at kapatid kong si Mialyn. “Kuya” Masayang tawag sa akin ni Mialyn habang si Xylyn naman ay masama ang tingin sa babaeng doctor, subalit hindi ito pinansin ng doctora at patuloy lang ito sa pag-aayos ng suero na nasa kamay ko. Hinayaan ko na lang din ito muna dahil wala rin naman dito ang attenti

