-Michael / Marco
Kinabukasan ay maaga kaming aalis ni Senyorita hindi ko alam kung saan kami patungo basta ang sabi lang nito ay ipagdrive ko s’ya, tatanungin ko sana ito subalit mukhang wala naman ito sa mood na magsalita, ang sabi ni Tatay Samuel ay masama daw ang gising ng Senyorita kaya sumunod na lang daw muna ako ng sa ganoon ay hindi ito toyoin ng tuluyan. mKatabi ko ito sa driver sit dahil ayaw nitong umuupo sa likod, binilinan din ako ni Tatay sa ugali nito, pero sadyang nakakapikon minsa. Patuloy lang ako sa pagdadrive ng mapadaan kami sa isang tabing dagat. Nakita kong napaayos ito ng upo at parang gustong bumababa kaya naman pinarada ko muna sa isang tabi ang sasakyan ng makita nito ang ganda ng lugar, nakamasid lang ako dito at nakita kong ngumingiti ito habang nakamasid sa asul na karagatan.
“Ang ganda talaga ng tubig” Mahina nitong sambit sa kanyang sarili, subalit tama lang din para marinig ko ito. Halos pasikat pa lang ang araw kaya maganda sunrise ang nakikita nito ngayon na may reflrction sa tubig. Maging ako ay natutuwang makita ang pagsikat ng araw, sa katunayan ay gusto ko rin na palaging pinapanood ang sikat at ang paglubog nito sa gabi, para kasing kapag nakikita ko ang ganitong mga tanawin ay nababwasan ang problemang iyong dinadala. Napahinto naman ako sa aking pag-iisip ng tumingin ito sa akin na nanunubig ang mata, hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa mabilis lang ako nitong niyakp na hindi ko malaman. Hindi ko magawang yakapin ito dahil baka kung ano naman ang isipin nito sa akin.
“Thank you” mahina nitong sambit kaya naman napatango na lang din ako dito. Umalis na ito sa pagkakayakap sa akin, at nahihiya itong tumingin sa akin. Hinayaan ko na lang din muna ito ng sa ganoon ay makaramdam din ito ng kapanatagan sa kanyang sarili. Ilang oras pa ang inilagi namin don dahil sa nakikita kong ayaw pa nitong umalis don, napapaisip tuloy ako sa kung ano nga ba ang problema nito at nagagawa nitong ipakita sa iba ang kanyang pagiging maldita.
“Alis na tayo, sa condo sa Maynila mo ako dalhin.” Mahina nitong sambit at saka isinuot ang shade at isinandal ang kanyang ulo sa may bintana, nakabukas kasi iyon dahil gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ko naman magawang paandarin ang kotse dahil sa hindi ko alam kung saan ang condo nito sa Maynila, naramdaman nito kaya napaayos ito ng upo sa tinanggal ang shade sa kanyang mata at tumingin sa akin ng makahulugan.
“What?” Mataray naman nitong tanong sa akin? Tinignan ko naman ito at sianbing hindi ko alam kung saan ang condo nito sa Maynila, at inamin kong hindi pa rin ako nakakarating sa Maynila kaya hindi ko alam kung paano kami makakarating doon. Napahinga naman ito ng malalim saka nakipagpalit sa aking upuan para s’ya ang mag drive dahil wala daw s’yang panahon magturo sa akin. Tignan ko na lang daw ang dadaanan at tandaan dahil ayaw n’yang paulit-ulit na nagtuturo. Napakamot naman ako sa aking ulo ng makapagpalit na kami ng puwesto, bumalik naman kasi ang pagiging mataray nito sa akin. Buong bayahe ko tinignan kung saan ito daan at kung nasa na nga ba kaming dalawa hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang malaking at mataas na building na may nakasulat na Higasa Land Condominium. Hindi ko mabilang kung ilang floor ba ang naroroon dahil sa sobrang taas nito. Bumababa na rin ako dahil sa nakita kong lumbas ng sasakyan si Jewel.
“Wait, saan ka pupunta?” Pigil nito sa akin ng sabayan ko ito sa pagpasok sa building ng condo nito. Kuno’t-noong tanong nito sa akin subalit maganda pa rin.
“Sasamahan ka sa loob” Baliwalang sagot ko naman ito. Tinignan lang ako nito ay saka tinaasan ng kilay.
“Hindi, uuwi kana at magpapasundo na lang ako sayo kapag babalik na ako sa mansion.” Mataray nitong sagot sa akin, mukhang may bipolar ang babaeng ito dahil sa pabago-bago ang mood nito. Kanina lang ay mabait ito sa akin tapos bigla na lang ulit magagalit na hindi ko maintindihan.
“Sa pagkakaalam ko body guard mo ako kaya naman hindi ako aalis dahil narito ako para bantayan ka Senyorita Jewel” Malambing kong sagot dito at saka ngumiti dito ng matamis. Nanglaki naman ang mata nito sa aking sinabi, at mukhang bubuga naman ito ng apoy dahil sa sinabi ko dito.
“Wow ha! masaya ka pa ngayon na sabihin yan sa akin Mr. Body guard. Pero tama Senyorita mo ako ay kailangan mo rin sumunod sa pinag-uutos ko sayo. Kaya bumalik kana ng masion dahil ayokong makita yang pagmumukha mo ok.” Suplada pa nitong sambit sa akin at saka inikutan pa ako nito ng mata. Pasalamat talaga ang isang ito at nagagandahan ako sa kanyan kahit pa masama naman ang ugali nito ngayon.
“Yes, Senyorita kita pero hindi ikaw ang boss ko. At saka kahit anong gawin mo hindi ako aalis dito dahil ako lang naman ang mananagot kapag may nangyari sa inyo Senyorita.” Nakangiti kong turan dito na mas ikinaiis naman nito. Mabilis itong umalis sa aking harapan at nagtungo sa elevator, sinundan ko naman ito at hindi ko na rin pinansin ang mga taong nakatingin sa aming dalawa. Mukhang kailangan ko naman suyuin ang amo kong may saltik minsan.
Pumasok ito sa isang unit na naroroon at hindi man lang ako hinayaan na pumasok sa loob, napakagat na lang ako sa akin labi dahil sa pinipigilan kong wag itong patulan pa. Mukhang kailangan ko rin magkaroon ng marami at mahabang pasensya ng sa ganoon ay hindi ko makalimutan na anak ito ng taong gusto kong alisin sa mundo. Nakatayo lang ako sa labas ng unit nito at pinagtitinginan na rin ako ng mga taong dumaraan, ngumingiti na lang ako sa mga ito ng sa ganoon ay hindi naman ako gaanong mahiya sa kanila. Tumagal ng ilang oras na nakatayo langa ko don, ng buksan nito ang pintuan at pinapasok ako. Ngumiti naman ako dito dahil kahit papaano ay naawa ito sa akin, walang kibo akong naupo sa isang coach nito at inaantay ko ang ipag-uutos nito sa akin. Nakataas lang ang kilay nito sa akin at tahimik lang din akong pinagmamasdan nito, hindi ko naman inalis ang tingin ko dito dahil gusto kong malaman nitong kahit ano pa ang kanyang sabihin at gawin sa akin ay hindi ako aalis sa tabi nito bilang body guard nito.
“Sadyang matigas ka talaga noh, alam mo bang lahat ng ginagawa ko sayo ay magtataray at pagsusungit ay ginawa ko na rin sa lahat ng naging body guard ko noon, at lahat sila ay lumuluhod sa aking ama para lang hindi sila alisin sa kanilang trabaho. Subalit malupit si Papa inaalisan n’ya ng trabaho ang lahat, kahit pa sabihing kong pwde naman sila sa taniman o sa tubuhan. Pero ikaw mukhang hindi mo pinapansin ang lahat ng ginawa ko sayo, bagkus ay nagagawa mo pa akong labanan, hindi ka ba natatakot na mawalan ng trabaho?” Pahayag nito sa akin habang nasa aking kaharapan ay naka cross leeg ang kanyang binti. Matalim din ang tingin nito sa akin ngayon.
“Hindi ako natatakot mawalan ng trabaho Senyorita, ang kinatatakot ko ay baka pag-alis ko mapahamak kayo. Sa tingin ko kilala na n’yo ang aking ama ay kanang kamay ng iyong ama, naging tapat ang ama ko sa pagtatrabaho para sa inyong pamilya. Oo aminin kong may kabayaran ang lahat ng ginawa namin sa inyo subalit kaylan man ay hindi kayang bayaran ang tiwala at pagmamahal ng isang tauhan sa kanyang amo.” Seryoso kong sagot dito, ginamitan ko ng konting drama ng sa ganoon ay makita nito na wala akong masamang motibo laban sa kanyang ama. Natahimik ito at mababakas sa mata nito ang matinding gulat. Alam kong malayo ang ugali nito sa kanyang ama, subalit may mga bagay na kailangan ko pang mapatunayan hanggang sa malaman kong mabuti nga itong tao o nagpapanggap lang din kagaya ko.
“Hindi ko kailangan ng body guard, yan ang madalas kong sabihin kay Papa ng sa ganoon ay maramdaman n’yang siya ang kailangan ko ay hindi ang kanyang mga tauhan. Mom had only been dying for a year, but he got married right away without even telling me. At ngayon puro iabng tao ang nakakasama ko, ang dali lang para sa kanya na ipagkatiwala ang kanyang anak sa hindi namin kadugo, ok sige alam kong kailangan ko ang body guard dahil sa maraming natatanggap si Papa ng dead treat dahil sa kanyang mga negosyo. Pero sana man lang buong buhay n’ya sa ibang tao n’ya ipagkatiwala ang buhay ko. Mahirap pang intindihin na kailangan ko ang aking ama.” Malungkot nitong sambit sa akin, nakita kong tumulo ang luha nito na agad rin naman nitong pinunasan.
“Kaya ba nagrerebelde ka dahil sa pagiging pababaya ng Senyor sa inyo bilang anak n’ya?” Malumanay kong tanong dito, na ikinatango naman nito sa akin. Tumingin ito sa akin at sakit ng damdamin ang mababakas sa kanyang mata, isang anak na nangungulila sa kanyang mga magulang. Nakaramdam ako ng aawa para dito, ganito ba talaga ng buhay ng mga mayayaman kailangan mapabayaan ang kanilang mga anak ng sa ganoon ay matutukan ang kanilang mga negosyo. Napapaisip tuloy ako kung ganito rin ba ang aking mga magulang, ang sabi kasi ni Tatay Samuel mayaman ang pamilyang pinagmulan ko at kilala rin sa buong mundo lalo na sa parangan ng mafia o underground.
“Akala ko si Mama lang ang nawala sa buhay ko, yun pala pati ang aking ama. Noong buhay pa si Mama masaya rin naman kami kahit papaano, nakikita kong nag-aaway ang mga parents ko pero alam kong mahal pa rin naman nila ang isa’t-isa. Si Papa kasi ay naging busy sa kanyang negosyo nagkaroon kasi ng mga investor ang iba pa naming mga sakahan, kaya mas lalong lumawak ang lupang sinasaka ni Papa maging ang tubuhan ay lumaki rin at hindi na rin napigilan ang paglaki ng negosyo ng aking ama. Sa totoo lang ay nagtataka pa nga ako dahil nasasaktan na rin n’ya si Mama na noon naman ay hindi nito nagagawa sa aking ina. At dahil doon mas lalong tumindi ang pag-away ng aking mga magulang. Hindi na rin madalas umuwi noon si Papa sa mansion at kapag naman dumating ito ay nagtatalo lang sila ni Mama kaya ang buong akala ko ay maghihiwalay na rin sila noon.” Pagkukuwento nito sa akin, nakikinig lang ako dito dahil ngayon ko lang din nalaman ang pinagdadaanan nito sa kanyang pamilya.
“Bakit hindi ka nakikialam sa mga negosyo ng inyong pamilya? Si Senyor lang kasi ang nakikita kong nag-aasikaso noon halos s’ya lang din ang tumulutas sa tuwing nagkakaroon din ng mga problema ang buong tubuhan o maisan?” Makahulugan kong tanong dito, sinamantala ko na rin ang pagkakataong ito ng sa ganoon ay madag-dag pa nito ang kanyang pagkukuwento sa akin.
“Ayaw ni Papa, ang gusto n’ya magtapos muna ako ng pag-aaral at maging magaling na abogado. Isa kasi iyon sa gusto ng aking ama ang maging abogado noong bata pa s’ya, pero hindi n’ya ito nagawa dahil sa ayaw din daw ng kanyang mga magulang, kaya ang gusto n’ya ako ang magtuloy ng kanyang pangarap. Pero ang hindi n’ya alam ay lihim akong pumasok sa pagmemedisina habang ang alam n’ya ay nasa isang law school ako nag-aaral sa ibang bansa. Hindi ko sinunod ang kanyang gusto hanggang sa malam din nito ang totoo, pero wala na s’yang magagawa dahil natapos ko na rin ang pagdodoctor ko kahit ayaw n’ya pa. Umuwi lang naman ako dito dahil namatay si Mama, gusto ko pa sanang makita ang katawan ni Mama pero pinacremate na daw ito ni Papa.” Naluluha na nitong sambit sa akin. Mas naguluhan naman ako sa takbo ng kanyang kuwento dahil bakit ayaw ng kanyang ama na ipamahala sa kanya ang kanilang mga negsyo gayong s’ya lang ang nag-iisang anak nito.
“Maaari ko bang malaman kung ano ang kinamatay ng Senyora?” Kinakabahan kong tanong dito, tumingin ito sa akin at saka muling nagpunas ng kanyang mga luha. Lumayo pa ito at saka kumuha ng tubig na malapit lang din kitchen counter nito, base sa kilos nito ngayon gusto na nitong ilabas ang lahat ng problemang kanyang dinadala.
“Sabi ni Papa matagal na daw masakit si Mama, hindi daw niya pinaalam sa akin dahil ayaw nilang abalahin ako sa aking pag-aaral. Sa totoo lang ay nagtataka pa ako kung ano ang naging sakit ng aking ina dahil alam kong malusog ito at halos gulay lang din ang gusto nitong kinakain, kaya gusto kong makita ang katawan nito ng mapag-aralan ko kung totoong may sakit ang ina o nilason ito ng kung sino lang.” Salita nito na ikinalaki ng aking mata. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon dahil mukhang matagal na rin itong dinadala ng dalaga. Pero laking palaisipan ngayon kung ano nga ba ang ikinamatay ng Senyora, dahil sa totoo lang ay hindi naman issue ang biglaang pagkamatay ng Seryora noon, wala din akong pakialam noon dahil hindi pa ako intrisado sa pamilya Tan. Subalit ngayon mukhnag maidadag-dag ko ito sa iimbistigahan ko.
“Ngayong alam mo ang dahilan ko baka pwdeng tigilan mo na ang pagiging body guard ko, sa tingin ko naman ay bibigyan ka ni Papa ng bagong trabaho kahit sabi mo nga malaki ang tiwala ni Papa ko sa ama mo.” Mahina na nitong turan at saka tumayo para umalis na sa aking harapan, subalit hindi pa ito nakakalayo ng magsalita ako dito na ipinagtaka naman nito ngayon.
“Hindi ako pwdeng umalis sa tabi mo, lalo na kung nagkakaroon ka panghihinala sa pagkamatay ng iyong ina, maaari kitang tulungan para malaman ang totoo sa kung ano ang totoong dahil kung bakit nawala ng maaga ang Senyora, pero para magawa yon hayaan mo akong maging body guard mo ng sa ganoon sabay nating malaman kung sino ang totoong kalaban. Sa tingin ko rin may kinalaman dito ang Senyor dahil para tagpan ang isang krimen kailangan sunugin ito ng sa ganoon ay walang maging ibidens’ya kung sakaling bubuksan mo ang kaso ng isang kaso. Isa kang doctor at alam kong madali mong malalamn kung nilason nga ba ang katawan ng isang tao o hindi? Kailangan nating magtulungan ng sa ganoon ay mapanatag ang kalooban mo, at kung totoo nga ang hinala mo tiyak na ang buhay ay nasa panganib rin. Huwag kang mag-alala dahil kapag naayos mo na ang lahat ng ito, ako na ang kusang aalis sa pagiging body guard o maging sa buhay mo.” May diin kong sambit dito bumalatay sa mukha nito ang labis na katanungan, subalit buo na rin ang loob ko na tulungan ito ng sa ganoon ay pareho namin malutas kung ano man ang gusto naming tapusin sa aming mga buhay. Ang mahalaga sa akin ngayon ay malaman ang katotohanan na gumugulo dito, sa tingin ko ay may kinalaman din ito kung bakit pilit akong itinatago ng kanyang ama sa kanilang lugar. Isang mission pero dalawang krimen agad ang malulutas oras na matapos ko ito.
“Ano ang ibig mong sabihin, Michael? Base sa pagsasalita mo may alam ka, na hindi ko alam sa kung nao ang tunay na pagkato ng aking ama?” Takang tanong nito sa akin, kaya naman napaiwas ako ng tingin dito dahil ramdam kong nag-iisip na rin ito ngayon sa kung ano nga ang kanyang ama. Subalit muli ko lang ito tinignan at determinadong sinagot ang kanyang tanong.
‘’Hindi natin malalaman yan kung hindi natin sabay aalamin. Makipagtulungan ka lang sa akin, at gagawin ko ang lahat para malaman ang tunay na pagkamatay ng Senyora. Hindi ako gagawa ng isnag bagay na hind imo malalaman ng sa ganoon ay makapag-ingat ka rin sa mga taong nasa paligid mo dahil hindi madali ang gagawin mong pangpapanggap sa lahat.” Seryoso kong banggit dito at tumingin ng derecho sa mata ng ganoon ay malaman nitong kaya ko s’yang tulungan kung magtitiwala lang s’ya sa kakayahan ko. Wala akong narinig na sagot mula dito pinagpatuloy na lang din nito ang kanyang pag-alis sa aking harapan, napahinga naman ako ng malalim dahil bumibigat ang aking kalooban sa tuwing nakikita kong malungkot ang mga mata nito.
Nang gabing yon ay hindi ako umalis ng condo nito, hindi rin naman ito lumabas sa kuwarto nito kahit pa tinawag ko na ito para kumain ng hapunan. Wala akong narinig na ingay sa kuwarto nito at tanging mahinang pag-iyak lang nito ang aking naririnig, hinayaan ko na lang din muna ito dahil alam kong mabigat ang dinadala nitong problema. Hindi pa man namin napapatunayan na may kinalaman ang kanyang ama sa pagkamatay ng kanyang ina ay nakikita ko na ang sakit na dulot nito sa kanyang puso. Ayon kay Nanay Osang, mabait na bata si Jewel ay malambing sa kanyang mga magulang. Matagal na silang naninilbihan sa mag Tan at sadya ring mabait ang Senyora sa kanilang mga tauhan o kasambahay. Simple lang daw ang pamumuhay ng mga Tan, subalit ganon pa man ay mabibigyan nila ng tamang sahod ang lahat na naglilingkod sa kanilang lupain. Minsan na daw nalugi ang tubuhan at ang maisan, hanggang sa meron isang investor ang dumating at iyon ang tumulong kay Alonzo Tan para muling makabawi sa kanyang mga lupa, hindi nila kilala kung sino ang investror na tumulong dito kahit ayon na rin kay Senyor Alonzo ay ayaw nitong magkakilala sa laaht.
Hanggang sa isang araw daw ay dumami ang mga tauhan nito at ang iba ay armado na rin. At madalas na umaalis si Senyor para pumunta sa tubuhan kasama ang mga bago nitong mga tauhan, si Tatay Samnuel lang daw ang nakakalapit sa Senyor lalo na kung may mga kailangan ang iba pa nitong mga tauhan. Kung titignan ang buong kuwento ay makikita talaga na may tinatago ang Senyor sa kanyang anak at sa iba pa nitong mga tauhan na wala talagang kinalaman. Ako man ay napapaisip kung ano ang meron sa tabuhan dahil sa gabi nag-aaani ang mga tao dito, bantay sarado ang buong lupain nito at walang sino man ang nakakapasok na kahit sinong dayuhan sa kanyang lupa. Dapat kong malaman at makapasok sa tubuhan ng sa ganoon ay malaman ko kung ano nga ba ang meron doon.