CHAPTER FOUR

3093 Words
-Michael / Marco Ngayon ang unang araw kong makakapasok sa mansion ng mga Tan, malaki nga ito at masasabi kong ring maganda at mababakas sa kanila ang karangyaan na meron ang kanilang pamilya. Maraming tauhan sa loob ng mansion at mukhang mga bihasa rin sila sa pakikipaglaban, subalit napapailing lang din ako dahil halatang may itinatago ang mga Tan dahil na rin sa dami ng kanilang mga tauhan. Kasabay ko sa paglalakad si Tatay Samuel hanggang sa makarating kami sa bungad ng kanilang garden at inabutan naming nag-aalmusal si Senyor Alonzo katabi ang isang babaeng nababaalitaang bago nitong asawa. Namatay na daw kasi ang Senyora noong nakaraang taon kaya naman muling nag-asawa ang Senyor ng sa ganon ay may makasama daw ito sa buhay. Subalit ayon sa nakikita ko sa babaeng katabi nito ay peperahan lang nito ang matanda, maiksi ang damit nito na halos kita na rin ang buong katawan, hindi ko pa ito kilala pero alam kong hindi ito gagawa ng mabuti base na rin sa kung paano ito tumingin sa akin ngayon. Hindi ko na lang muna ito pinansin dahil baka ito pa ang maging dahilan para mabuking ako ng Senyor at hindi ko matapos ang dapat kong tapusin. “Magandang araw po Senyor, kasama ko na po ang aking anak na magiging body guard po ni Senyorita Jewel.” Magalang na salita ni Tatay sa matanda na ngayon ay nagbabasa ng newspaper habang sinusubuan naman ng tinapay ng kanyang asawa. Kung titignan ay parang hindi ako nito kilala, kaya naman sasakyan ko lang kung anong laro ang gusto nitong gawin. Kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol sa matanda ng sa ganoon alam ko kung paano ako lalaban, oras na malaman na rin nito ang plano ko. “Maasahan ba ang anak mo sa pagbabantay sa unica iha ko? Alam mong nag-iisa anak ko lang si Jewel, at ayokong mapapahamak ang aking anak. Kaya siguraduhin mong maaasahan ang taong dinala mo dito Samuel, dahil ikaw ang mananagot kapag may nangyari kay Jewel. Kilala mo naman siguro ako Samuel at kung paano ako magalit.?” Paninigurdaong salita nito kay Tatay, tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Tinignan ko lang ito ng walnag imosyon para hindi nito makita na kanina ko pa itong gustong sakalin dahil sa bibig nitong ang sama ng mga inilalabas. “Opo Senyor, maasahan po ang aking anak. At tulad po ng ating napag-usapan sa tingin ko ay maganda kung ngayon na rin natin sisimulan ang plano.” Makahulugan nitong sagot sa matanda, napangisi naman ako sa aking isipan dahil mukhang madaling makuha ang kiliti ng matandang ito. Ganito pala ang pakiramdam na nasa harapan mo ang taong sumira sa buhay mo, para gusto ko na lang tapusin ang buhay nito subalit pinipigilan kong huwag gumawa ng isang bagay na alam kong pagsisihan ko rin naman sa huli. “Sige, ikaw na rin ang bahalang magsabi sa kanya ng mga dapat at hindi dapat n’yang gawin. Kilala mo ako Samuel may isang salita ko sa lahat ng nagpag-uusapan natin, alam mo rin kung paano ako magalit oras na may makita akong hindi tamang gawin ng anak mo.” Salita nito kay tatay at saka umalis na rin sa aming harapan, pero isang kindat ang ginawa ng babae sa akin bago sumunod sa asawa nito, tumingon pa ito na parang nag-aakit. Napailing na lang ako dahil talagang wala akong planong pansinin ang babaeng yon, pero kung pwde ko s’yang magamit ay baka isali ko na rin s;ya sa plano ko sa pagbagsak ng kanyang asawa. “Michael, ayusin mo ang magiging trabaho mo ng sa ganoon maging maayos ang lahat ng gusto mong gawin.” Sambit ni Tatay at saka ako niyayang pumasok na sa loob ng sa ganoon daw ay makita ko ang anak nitong babantayan ko dahil sa ang galing nitong tumakas lalo kung gabi. Subalit papasok na kami sa may sala ng makarinig kami ng mga nababasag na plato mula sa kusina, at nadatnan namin doon ang dalawang babaeng nag-aaway at sugatan ang asawa ng Senyor na nakaupo sa semento. “Jewel, ano naman ang ginawa mo kay Melanie? Tiyak na magagalit naman ang Papa mo sayo?” Tanong ng isang matandang babae na mukhang mayordoma sa mansion. Tinulungan nitong tumayo ang babaeng si Melanie at masamang tumingin sa anak ng Senyor, wala naman naging tugon dito ang dalaga at nakatayo lang ito sa kanyang kinatatayuan na parang walang ginawa na kung ano. “Ewan ko ba yan sa babaeng yan, kukuha lang ako ng tubig ng bigla na lang agawin ang baso at ihagis sa harapan ko nasugatan tuloy ang kamay ko dahil sa pagiging maldita ng babaeng yan.” Galit namang salita ni Melanie kay Jewel at kunwari pa itong nasasaktan dahil sa sugat nito sa kanyang kamay, na dulot ng basong nabasag. “Ang galing mo talagang umarte Melanie, alam mo mas bagay sayo ang mag artista ng sa ganoon mas maraming award ang makuha mo. Sa bagay mukhang marami ka na rin namang nahuhuthot sa Papa ko kaya palaging plado yang bulsa mo.” Mataray na sagot nito kay Melanie, hindi ko makita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito sa amin, samatalang si Melanie naman ay nagpapaawa sa mga taong naroroon at nais nitong s’ya ang kampihan ng lahat, kahit kita naman dito ang kanyang pagpapanggap. Mabilis kong nababasa ang katuhan ng babae ayon na rin sa kung paano ito magsalita. “Bakit ba kasi hindi mo matanggap na step mother mo na ako ngayon, ng sa ganon ay pare-pareho tayong matahimik dito sa mansion wala ka na rin naman magagawa dahil kasal na kami ng ama mo, at alam ng lahat na nagmamahal kaming dalawa” Naiiyak namang turan ni Melanie sa dalaga, subalit tumawa lang ng malakas si Jewel na ipinagtaka naman ng lahat nahawakan pa nito ang kanyang tiyan at napapalakpak dahil sa ginawa nitong pagtawa dahil sa sinabi ng babae. “Nakakatuwa ka talaga Melanie, samatalang alam naman ng lahat na andito na isa ka lamang babaeng beer house na nakuha ng aking ama, pinagsawaan na rin yang katawan mo ng maraming lalaki. Tapos ngayon gusto mong pagkananay sa akin, hindi pa ako nasisiraan ng ulo para kilalanin ka bilang ina ko, kahit sabihin mong mahal ka pa ng aking ama wala ka paring makukuhang paggalang mula sa akin. Dahil alam nating pareho na pera lang din naman ang habol na mga kagaya mong bayarang babae.” Matapang nitong sagot kay Melanie, nilapitan pa nito ang babae para ipamukha dito ang kanyang mga sinasabi grabe ang sinabi nitong pang-iinsulto sa babae kaya naman halos sumabog na rin si Melanie sa galit dahil mukhang alam na rin ni Jewel ang kanyang tunay na pagkatao. Subalit natulos naman ako ng humarap na ito sa amin ni Tatay Samuel, dahil ang babaeng matapang sa aking harapan ay ang babaeng nakakasagutan ko na rin noong nakaraang gabi. Ito pala ang anak ni Senyor Tan, si Jewel Tan ang nag-iisang anak nitong babae. Hindi kami nito pinansin at basta na lang umalis sa aming harapan, na parang walang pakialam sa kanyang mga ginawa at sinabi. Mukhang totoo ang naririnig kong malupit ang isang ito, pero nakikita ko rin sa mata nito na nasasaktan ito na hindi ko pa rin maintindihan sa ngayon. Sa tingin ko hindi lang ang ama nito ang dapat kong bantayan kung di ang anak nitong na iba ang dating sa akin. “Ano pang ginagawa mo Michael, siya ang Senyoritang dapat mong bantayan, sundan mo at kung saan naman pumunta ang isang yon.” Salita ni Tatay na nagpabalik sa aking ulirat, tumango lang ako dito at hinanap kung saan ng punta ang babaeng yon. Nilibot ko ang buong mansion pero hindi ko ito agad nakita, hanggang sa madako ang aking paningin sa isang duyan na may nakahiga doon, at mukhang nagpapahinga. Tahimik akong lumapit dito ng sa ganoon ay hindi ko maabala ang pananahimik ng Senyorita, pinagmasdan ko pa ito at kahit makapikit ito at iba ang hatid sa aking sistema. Kahit anong gawin kong iwas sa babaeng ito ay nagkikita pa rin kaming dalawa, sa tingin ko ay tadhana na magkita kami at magtagpo ng sa ganoon ay mapabilis ang mission ko dito. “Alam kong may tao yan, kung ako sayo umalis ka na lang at iwan ako kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Kawawa lang ang pamilya mo oras na alisin ka sa trabaho ni Papa.” Mahina nitong sambit, subalit may galit ang tono nito. Nakatingin lang ako dito at pinag-aaralan ko ang buka ng bibig nito dahil dama kong mabuti itong tao at hindi rin nito kayang manakit, maliit ang mukha nito na hugis puso, mapula rin ang labi nito na mamasa-masa dahil sa palagi rin nitong kinakagat iyon. Ang buhok naman nito at ay parang ginupitan na hanggang balikat na ngayon, noong una ko itong makita ay mahaba ang buhok nito na hanggang bewang at maitim rin. Samantalang ngayon ay kinulayan niya ito na parang brown kaya naman lumabas ang pagiging mabuti ng kanyang balat. “Wala akong pamilyang magugutom, saka trabaho kong mapanatiling ligtas ka ng sa ganoon ay magampanan ko ng maayos ang aking trabaho. Dito lang ako sa natatanaw kayo at hindi ako lalapit kung hindi kailangan.” Salita ko dito at saka lumayo dito ng ilang hakbang. Hindi ito kumibo o nagsalita kaya naman napahinga na lang ako dahil mukhang may kabaitan din naman pala ito. Nakatayo lang ako at aaminin kong nakakaramdam na rin ako ng pagkangalay dahil sa matagal na rin akong nakatayo at nakatanaw sa dalaga na ngayon ay mukhang nakatulog na rin. Mabuti na lang pala at nakakain ako kanina ng umagahan dahil kung hindi ay pagod na ako gutom pa. Malamig ang hangin at nakita kong napapayakap na rin ito sa kanyang katawan. Lalapitan ko na sana ito para ipatong dito ang jacket na suot ko ng bigla na lang din itong nagising kaya naman hindi ko natuloy ang paghubad ng suot kong jacket para ibigay sana dito. “Ang tindi mo rin no, talagang hindi ka umalis ka kinatatayuan mo. Mukhang malaki ang offer sayo ni Papa kaya naman hindi ako pinakikinggan Mr. Body guard.” Mataray naman nitong tanong sa akin ng makita nitong nakatayo pa rin ako at hindi umaalis kahit pa sabihin nito. Tinignan ko lang din ito at saka sinagot ang kanyang tanong. “Malaki man o maliit basta trabaho ay gagawin ko pa rin, alam mo wala naman sanang magiging problema at hindi kami mawawalan ng trabaho kung hindi ka magiging pasaway Senyorita Jewel.” Masaya ko pang turan dito, pinakita kong hindi ako apektado sa gusto nitong sabihin sa akin. Dapat rin nitong malaman na hindi lahat ng tao ay kaya n’yang paalisin o takutin dahil lang sa kaya nilang bayaran ang lahat. “Matapang ka, sige tignan natin kung hanggang saan ang tapang na meron ka ngayon?” Nakataas ang kilay na sagot sa akin at tinapik pa nito ang aking balikat, mas nakita ko kung gaano ito kaganda kahit pa sabihing may kagaspangan ang pag-uugali nito. Subalit sigurado akong hindi ito ganon kasama tulad ng kanyang ama. Napahinga na lang ako at saka sumunod dito, nakita kong pumasok na ito sa kanyang kuwarto kaya naman naghintay na lang ako sa may tapat ng pintuan nito ng sa ganoon ay makita ko agad kung saan ito pupunta. Habang nasa labas ako ng kuwarto nito ay nakita kong parating si Melanie na may benda ang kamay dahil sa nangyaring pag-aaway ng dalawa kanina, wala na rin ang Senyor at may lakad daw ito sa may tubuhan kaya naman iilan lang din ang tauhan na iniwan nito ng sa ganoon ay magbantay sa kanilang mansion. “Hi” Malandi sambit sa akin ni Melanie, hinimas pa nito ang aking braso na alam ko na agad ang kanyang ibig sabihin, kinagat pa nito ang kanyang labi at tumingin sa akin na pagnanasa. Hindi ko ito pinansin pa dahil wala akong talaga akong planong patulan pa ito. “Alam mo mahirap bantayan ang isang yan, maraming tauhan ng kanyang Papa ang lagi n’yang tinatakasan kaya naman walang body guard ang gusto s’yang bantayan. Sa tingin ko mas maganda kung ako na lang ang bantayan mo at sisiguraduhin kong magiging mabait ako sayo.” Malambing nitong sambit sa akin at saka idinikit pa nito ang kanyang malaking dib-dib sa akin, wala akong naging pagtugon dito kahit pa sabihing kaya nitong magubad sa aking harapan ngayon. Hanggang sa nagbukas ang pintuan at lumabas mula don si Jewel na kasa swimsuit at mukhang balak maligo sa baba. Masama kami nitong tinignan at saka napapailing na may ibig sabihin, nakuha ko naman ang gusto nitong sabihin kaya mabilis na rin akong sumunod dito ng sa ganoon ay maipaliwanag ko dito ang aking sarili, subalit magsasalita pa lang ako ng bigla na itong humarap sa akin. “Wala kang dapat na ipaliwanag dahil tauhan ka lang ng ama ko kaya ayos lang kung pati ikaw gustong tikman ang babaeng yon, dahil lahat naman ng gusto n’yang lalaki ay nakukuha n’ya. Kaya go lang, hindi kita isusumbong kay Papa.” May bahid na pang-iinsulto ang pagkakasabi nito, ngumisi pa ito na hindi ko lalong nagustuhan, ano ang tingin nito sa akin lalaking madaling makuha ng isang malanding babae. Mukhang kailangan ko rin parusahan minsan ang bibig nito ng sa ganoon ay malaman nito ang kanyang mga sinasabi. Ganon pa man ay pinigilan ko ang aking sarili na huwag itong patulan sa ngayon dahil alam kong may tamang panahon para bigyan ko ito ng isang parusang alam kong magugustuhan din nito. Naupo ako sa isang beach chair at nakamasid lang sa paligid, gusto ko mang takpan ang maganda nitong katawan ay hindi ko magawa dahil tiyak na sanay na rin naman itong binibilad ang kagandahan nito sa karamihan, kung ako lang ang boyfriend nito hindi ko hahayaan na may ibang lalaki ang titingin sa pag-aari ko, napapakuyom na lang ang aking kamao dahil nakikita kong palihim na tutumingin ang mga kasamahan ko sa babaeng ngayon ay lumalangoy sa swimming pool, ako man ay nakakaramdam ng ibang klaseng pakiramdam pero dapat kong pigilan kahit pa konting timpi na lang din ang natitira sa akin. Hindi ko mapigilan na mag-init dahil sa magandang katawan na nakabandera sa aking harapan. aIlang sandali pa ay dumating si Melanie at balak ring maligo, dumaan pa ito sa aking harapan at doon pa rin mismo tinanggal ang suot nitong robe at saka magandang ngiti ang ipinakita nito sa akin. Maganda rin naman ang katawan nito at mukhang titignan din ito ng kahit na sinong lalaki, isang kulang yellow na two-piece swimsuit ang suot nito at bakat pa ang kaambukan ng kanyang p********e, na mas ikinalingon ng kalalakihan. Subalit hindi ganito ang type kong babae kaya naman umiwas na lang ako ng tingin ng sa ganoon ay hindi ako masabon ng boss kong pinaglihi sa bula ng sabon. “Wow, Melanie totoo pala ang naririnig ko sa mga tauhan ni Papa na maganda ang katawan mo? Kaya pa marami kang naaakit na lalaki dahil sa malaki talaga ang papaya mo, sayang lang at maraming lalaki na rin ang nakahawak yan.” Pang-aasar ni Jewel kay Melanie habang nakatingin sa katawan nito, at isinusuot ang robe nitong nakasampay sa beach chair na kanian lang ay kinauupuan ko. Masama ang naging tingin ni Melanie subalit mabilis ng bago ang tingin nito at saka ngumisi na malaimpakta. “Mabuti naman at alam mong maganda talaga ako sayo, saka tama ka rin mas malaki ang papaya ko kasya sa dib-dib mong parang duhat ang laki.” Mapang-asar na sagot nito kay Jewel habang masama na rin ang tingin sa dalaga. Mas nakita kong napangisi naman si Jewel, grabe din ang isang ito dahil palaban kung sumagot kahit kanino. “Ayos lang naman kung duhat, ang importante hindi pa nagpasasawaan ng kahit na sino. Saka tignan mo nga yang katawan mo mukhang laspag na dahil sa kakatuwan mo sa kanila, alam mo sa tingin kaya mo kahit limang lalaki sa iisang gabi, good luck ka lang sayo dahil baka malaman ni Papa ang ginagawa mo at gawing kang patanim sa maisan n’ya.” Natatawa nitong sagot ni Jewel at saka umalis doon, mabilis naman akong sumunod at hindi ko na rin pinansin pa ang pagpigil sa akin ni Melanie. Napapakamot ako sa aking batok dahil mukhang sasakit ang ulo sa dalawang babaeng ito na hindi talaga magkakasundo hangga’t hindi nawawala ang isa sa kanila sa mansion. Nang gabing yon ay hindi muna ako umuwi kahit na pwde naman akong sumaglit sa bahay para sabihan si Nanay Osang na hindi ako makakauwi ngayong gabi, ayokong iwan si Jewel dahil alam kong may gagawin itong hindi naman gusyo ng kanyang ama. Nasa cctv room ako ngayon para magpasid sa buong paligid, ang ibang tauhan kasi ay pinatawag ni Senyor sa may tubuhan dahil sa marami daw don gagawin ngayon kaya naman ako na lang muna ang nagmomonitor sa mga cctv. Buong bahay ay may nakakabit na cctv camera, ang wala lang ay sa kuwarto ng senyorita Jewel at sa kuwarto ng mag-asawa, sa buong araw na pananatili ko dito ay napag-aralan ko na rin kahit paano ang buong lugar. Nakaluck din ang ibang kuwarto kaya naman nagmasid na lang sa paligid at sa mga kasamahan ko, wala silang kibo sa akin at parang umiiwas din sila na hindi ko maintindihan. Mukhang totoo ang sinabi sa akin ni Tatay Samuel na, maraming tao dito ang nakakakilala sa akin kaya talagang wala akong magiging kakampi sa loob ng mansion maliban sa kanya. Sa ngayon gagawin ko na lang muna ang aking trabaho at kailangan ko rin mapalapit sa anak nito, dahil maaaring may alam ito sa kung ano ang ginagawa ng kanyang ama. Hanggang sa nakita kong lumabas si Melanie sa kanyang kuwarto at nagpunta sa isa pang kuwarto, walang cctv sa kuwartong pinasok nito kaya nagtataka ako kung ano ang ginagawa nito roon. Hanggang sa pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas ito roon na inaayos ang kanyang damit na mukhang nagusot pa, kung titigna ay may ginawa talaga ito doon na kakaiba, at ilang sandali pa ay isang kasamahan ko ang nakita kong lumabas din doon. Napahimas ako sa aking baba dahil mukhang tama na rin ang hinala kong may nakakatalik itong mga tauhan ng kanyang asawa. Ibang klase talaga ang babaeng ito pagdating sa lalaki, at sa tingin ko ay alam din it oni Jewel kaya malakas nag loob nitong magsalita ng ganoon sa kanyang madrasta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD