-Michael / Marco
Nasa may dalampasigan na naman ako ng sumunod na gabi, at aaminin kong umaasa pa rin akong muli kong makikita ang babaeng yon o malaman ko man lang ang pangalan nito. Naglalakad ako ng may makita akong mga parating na bangkang de motor, gabi na rin kaya naman nagtago muna ako sa may mga batuhan ng sa ganoon ay makita ko kung sino nga ba mga ito. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga ito at masasabi kong mga dayuhan nga ito, hanggang sa huminto na sila malapit sa may pang-pang para bumaba at laking gulat ko ng meron silang dalang mga kahon na malalaki na hindi ko nakikita kung ano ang laman. Hindi ko na lang sana ito papansinin dahil baka mga dilis lang din naman ang mga ito na madalas dalhin din sa mansion ng mga Tan. Ito rin kasi ang pangunahin nilang negosyo ang magbenta ng mga dry food sa Maynila, may sakahan din sila ng mais subalit mahirap daw makapasok don dahil sa masyadong mahigpit ang nagbabantay don na daig pa ang may-ari sa pagsisita sa mga tauhan. Paalis na sana ako ng makarinig ako ng mga usapan na hindi ko rin naman inaasahan.
“Tiba-tiba naman tayo nito tiyak na marami na naman kikitain si boss dahil sa magagandang baril na dala natin, siguradong maganda ang magiging taon natin ngayon oras na madala na ito sa Maynila.” Salita ng isang lalaking kalbo at may hawak na mahabang baril na parang armalite, nagtaka pa ako dahil parang walang baril ang mga ito kanina ng dumating.
“Sigurado yon, at alam mo bang magkakaroon pa daw tayo ng bonus kung hindi makakalabas ng probinsya ito ang anak ni Zen Levy De Lana, dapat ay matalo na ni boss ang mga De Lana ng sa ganoon ay wala na tayong maging problema at maging tuloy-tuloy ang pagyaman ni boss at s’ympre kasama tayo don.” Masayang pahayag ng isang mukhang india, subalit magaling magtagalog.
Para naman ako natulos ng marinig ko ang pangalan na Zen Levy De Lana, parang iba ang nararamdaman ko ng marinig ko ang pangalan na yon. Pakiramdam ko ay malaki ang koneksyon ko sa taong yon dahil iba ang dating nito sa akin. Hanggang sa isang ala-ala ang sumagi sa aking isipan. Isang masayang pamilya na kumakain sa hapagkain ang nakikita ko, may apat na bata ang naroroo at mag-asawang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang mga anak. Malabo at hindi ko makita ang mukha ng mga ito hanggang sa napapailing na lang ako at bigla mawawala sa aking gunita. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil sa sumasakit iyon, pero kaya ko naman ang sakit noon, hanggang sa nakita kong papalayo ang dalawang lalaking kanina lang ay nag-uusap. Napatingin pa ako sa paligid hanggang sa nakita ko si Tatay Samuel na kinakausap ang isang lalaki na lulan ng bangkang dumating. Malayo ang mga ito subalit natitiyak kong nag-uusap ang mga ito. Hanggang sa isang sobre ang inabot ng lalaki kay Tatay Samuel na ikinatuwa naman ng matanda, gusto ko sanang lapitan ito ng biglang may nagtutok sa akin ng baril at pinalakad ako papalapit kila Tatay Samuel.
“Nakita kong nagmamasid sa paligid ang lalaking ito.” Sambit ng may baril na lalaki at itinulak pa ako sa harapan ni Tatay, nakita kong nagkatinginan ang dalawa lalaki at si Tatay Samuel. Alam kong nag-uusap sila sa mata at alam kong ako ang kanilang pinag-uusapan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kay Tatay Samuel subalit ayokong magpahalata ng mga ito kaya nagpanggap pa rin akong inosente sa kabila ng pakiramdam ko ngayon.
“Anak ko yan” Maikling sagot ni Tatay at saka niyaya na rin ako para umalis sa lugar. Habang hawak ako nito ay ibang tao ang nakikita ko dito, parang hindi ito si Tatay Samuel ang nakasama ko ng ilang taon dito. Para na itong naging ibang tao kaya naman talagang nagkakaroon ako ng hinala na may mali na ngayon.
“Anong ginawa mo don Michael? May narinig ka ba o nakita?” Tanong nito sa seryosong boses.
“Wala po, sa katunayan kakarating ko lang din ng makita ko ng noong lalaki kanina, aalis na sana ako kaso nahuli pa akong nakatingin sa kanila.” Paliwanag ko at nagpanggap akong inosente pa rin ng sa ganoon ay makita nitong wala akong nakita o narinig. Tumango naman ito sa akin at saka naupo sa aking tabi, narito na kami ngayon sa loob ng bakuran at dito n’ya ako napiling kausapin dahil sa hindi pwdeng malaman ng asawa nito ang nangyari.
“Tatay gusto ko lang sana malaman kung ano ang binigay sa inyo ng lalaki na sobre?” Lakas loob kong tanong dito na ikinalingon naman nito sa akin, gulat din ito pero mabilis rin naman itong nabawi.
“Ang sabi mo wala kang nakita, Michael?” Mabilis nitong tanong sa akin. Ayon sa pagtingin nito sa akin ay malaking pagtataka ang makikita dito.
“Iyon lang po ang nakita ko Tay, at saka po nahuli na ako” Magalang ko pa ring tanong dito. Pinagpatuloy ko lang ang pagiging inosente para malaman nitong wala akong binabalak gawin.
“Sahod iyon ng mga tauhan sa mansion, umalis kasi ang Senyor kaya naman sa akin iniwan ang magiging sahod ng kanilang mga tauhan. Isa lang din ako sa pinagkakatiwalaan ng pamilya Tan kaya naman mas ginagalingan ko ang aking trabaho ng sa ganoon ay magkaroon ako ng dag-dag na kita.” Paliwanag nito pero bakas ang pagsisinungaling nito sa kanyang mga sinasabi. Tumango na lang ako at saka nagpaalam na papasok na rin sa loob para makapagpahinga na rin ako.
Nang gabing yon ay hindi ako makatulog dahil ramdam kong may mangyayari oras na hindi ko gagawin ang alam kong tama. Naging iba na rin ang takbo ng pag-iisip ko at hindi ko maintindihan kung bakit pang tumatalas ang aking pag-iisip sa maraming bagay. Inabot na rin ng umaga ng makaramdam ako ng antok, subalit mga ala-ala naman ang naging laman ng aking panaginip. Apat na bata na naman ang nakikita ko, dalawang lalaki at, dalawang babae akay-akay sila ng isang magandang babae at masaya ang mga ito na naglalakad papasok sa isang maganda at malaking bahay. Sinalubong sila ng isang lalaking kamukha rin ng mga batang lalaki. Hanggang sa maging dalaga at binata na ang apat na bata ay palagi pa rin silang magkakasama, lagi silang masaya at magkakasama sa mga kalokohan na maiisipan ng isa sa kanila. Subalit natapos ang masayang panaginip ko ng may maramdaman kong gumigising sa akin, dinilat ko ang aking mata at nakita kong sila Nanay at Tatay na nasa tabi ko ay mukhang may gustong sabihin sa akin.
“Nay, Tay, ano pong kailangan nyo sa akin?” Tanong ko sa mga ito ng makaayos na ako ng upo. Nagkatinginan pa ang mga ito bago nagpasyang sagutin ang aking tanong.
“May gusto kaming sabihin sayo ng Tatay mo anak, sana lang ay hindi ka magalit sa amin dahil sa ginagawa naming paglilihim sayo.” Mahinang salita ni Nanay Osang habang hawak nito ang aking kamay, nalilito ko silang tinignan dahil sa hindi ko alam kung paano ang dapat kong maramdaman ngayon.
“Michael, ipagtatapat na namin sayo ang tunay mong pagkatao. At sino talaga kami ni Osang kaya makinig kang mabuti dahil ngayon lang namin ito sasabihin sayo.” Pahayag sa akin ni Tatay Samuel at tumingin sa akin ng makahulugan.
“Totoong nakuha ka namin sa tabing dagat, inilagaan at ginamot ng sa ganoon ay bumalik ang lakas mo. Nakalimutan mo ang lahat at sinamantala namin iyon para ituring mo kaming mga magulang dahil sa aaminin naming sabik din kami sa pagmamahal ng isang anak. Matagal naming hiniling na bigyan kami kahit isang batang ng sa ganoon ay matawag kaming isang pamilya, at ng dumating ka ay naging masaya ang pagsasama namin naging buo kami at ikaw ang nagdala ng kasiyahan na matagal ko na ring pinapangarap. Pero alam naming ang lahat ng ito ay may hangganan at darating din ang kaapusan kung ano man ang meron kami ngayon sa buhay mo, dahil alam naming may pamilyang naghihintay sayo.” Naluluhang sambit ni Nanay Osang sa akin.
“Pero ano man ang malaman mo anak, tungkol sa amin ay lagi mong iisipin na tunay ang pagmamahal na pinakita namin sayo, sa kabila ng isang kasinungalingan ay minahal ka namin bilang anak namin ng itong Tatay Samuel.” Dag-dag pa nito ay hinaplos ang aking pisngi, kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naguguluha ako at hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanila.
“Matagal ka ng hinahanap ng tunay mong mga magulang, pero may isang taong gumagawa ng paraan para hindi ka nila makita. At kami ni Osang ang nautusan para mas ilayo ka sa tunay mong pamilya, alam naming mali ang ginawa namin pero naisip na lang namin na babalik naman ang ala-ala mo. Kaya sinamantala muna namin ang pagkakataon ng sa ganoon ay makasama ka pa namin ng matagal bilang anak namin. Pero hindi na rin kaya ng konsensya namin na itago ka pa, kaya naman nagdesisyon na kaming sabihin sayo ang buong katotohanan at kung sino ang tunay mong mga magulang.” Nakayukong turan sa akin ni Tatay, habang ang si Nanay Osang ay patuloy lang sa pag-iyak sa aking tabi.
“Kung ganoon sino ang mga magulang ko? At sino ang taong sinasabi n’yong gusto akong ilayo sa tunay kong pamilya? Sabihin na n’yo sa akin ang lahat ng sa ganoon ay mas madali kong maintindihan at ng malaman ko kung ano at sino nga ba ako talaga?” May diin kong sagot sa kanilang dalawa. Muli silang nagkatinginan ay tumango si Nanay kay Tatay ng sa ganoon ay ipagpatuloy nito ang gusto pa nitong sabihin sa kanya.
“Ikaw si Marco Elio De Lana, anak ni Lord Zen Levy De Lana. Maraming kalaban ang ama mo kaya naman gumagawa sila ng paraan para pabagsakin ang iyong ama dahil sa talagang walang nakakatalo sa mga De Lana. Kilala ang angkan mo sa lahat ng larangal maging sa pakikipaglaban ay walang sino man ang nakakatapat sa inyo, lalo na at pagdating sa mga negosyo at lagi kayong nasa taas kaya madaming gusto kayong pabagsakin ng sa ganoon ay matapos na ang lahi ng inyong angkan.” Nahihiyang turan sa akin ni Tatay. Nang laki ang aking mata ko dahil sa sinabi nitong pamilya aking pinagmulan, napakuno’t noo pa ako dahil kilala ko ang pamilyang sinasabi nito.
“Sino naman ang kalaban ng aking ama na nag-uutos naman sa inyo para itago ako?” Seryosong tanong ko sa mga ito. Napahigpit ang kapit ni Nanay Osang sa kamay ko at ramdam ko ang takot nito na ngayon ay nakikita na sa kanyang mga mata.
“Ang mga Tan, kami ni Osang ay matagal ng tauhan ng mga Tan sa lahat ng kanilang mga negosyo. At ako ang kanang kamay ni Senyor Alonzo, kasama din ako sa buo ng plano kung pano nahulog sa bangil ang sinasakyan mo at kung paano ka nakuha ng asawa ko sa dagat. Ang buong akala namin ay mabilis lang babalik ang ala-ala mo at malalaman mo rin ang totoo, subalit lumipas pa ang ilang taon ay wala ka pa rin naaalala.” Pahayag nito habang nakatanaw na ito ngayon sa may bintana at hindi na rin ito makatingin sa akin ng darecho.
“Anong dahilan at nagbago ang pag-iisip n’yo at sinasabi n’yo sa akin ang lahat ng ito?” Mahinahon kong tanong sa mga ito at sa pagkakataong yon ay tinanggal ko ang pagkakahawak ni Nanay Osang sa aking kamay. Nagulat man ito sa ginawa ko pero hinayaan ko na lang din muna ito dahil nakakaramdam na ako ng galit sa mga ito ngayon.
“Dahil alam naming mabuti kang bata ay deserve mo ng malaman ang totoo ng sa ganon ay magawa mong labanan ang mga taong pilit na sinisira ang inyong pamilya, alam naming may dugo kang De Lana at malakas ang pakiramdam ko sa lahat ng bagay. Saka gusto na rin naming matigil ang kasamaan ng mga Tan ng sa ganoon ay magawa ng mga tao dito na mamuhay ng tahimik at ligtas. Ang mga Tan ang nagpapalaganap ng karahasan dito na hindi alam ng iba sa amin, malulupit ang Tan at gusto nilang makuha ang pamumuno ng iyong ama sa underground. “Paliwanag naman ni Nanay Osang, nayuko na rin ito sa aking harapan at makikita dito na nahihiya ito ngayon sa akin.
“Sino pa ang mga taong nakakaalam sa tunay kong pagkatao? Sila Perla at ang kanyang pamilya alam ba nila kung sino talaga ako? Alam din ba nila kung ano ang ginawa nyo sa akin?” Lakas loob kong tanong sa kanilang dalawa. Pero sabay lang itong umiling sa akin at ang mata nitong nakikiusap.
“Wala silang alam sa kung sino kami talaga kami ni Osang, hindi na sila pwdeng madamay dahil wala silang kinalaman dito.” Salita ni Tatay sa akin. Natahimik kami sa loob ng aking kuwarto at iniisip ko ngayon kung ano ang dapat kong gawin.
“Kung nais mo ibabalik ka na rin namin sa inyong pamilya, malaki ang kasalanan namin s’yo kaya naman nagdesisyon na kami ni Tatay Samuel mo na gagawin na namin ngayon ang tama ng sa ganoon ay maging ligtas ka anak.” Umiiyak na sambit ni Nanay sa akin, nakaramdam ako ng awa sa mga ito dahil natitiyak kong maari silang ipapatay si Senyor Alonzo oras na malaman nitong binalik ako ng mga ito sa tunay kong pamilya, kaya naman bumuo ako ng isang planong sa tingin ko ay tama.
“Hindi, n’yo ako pwdeng ibalik sa pamilya ko dahil alam kong buhay n’yong dalawa ang magiging kabayaran ko. Hindi ko hahayaan na matapos lang buhay n’yo sa ganong klaseng tao, sa bagay hindi pa man bumabalik ang aking ala-ala kaya namam magpapatuloy ako bilang anak n’yong si Michael. Pero meron akong gustong gawin n’yo para sa akin, kapalit ng hindi ko pag-alis sa lugar na ito?” Seryosong sambit ko sa kanilang dalawa.
“Ano yon anak?” Kinakabahang tanong ni Nanay Osang sa akin.
“Ipasok n’yo ako bilang tauhan ni Senyor Tan.” Mabilis kong sagot sa mga ito na ikinabahala naman nila. Muling silang nagkatinginan at makikita sa kanilang mga mata na nag-uusap ang mga ito.
“Sigurado ka ba nagusto mong mangyari?” Takang tanong sa akin ni Tatay Samuel. Makahulugan ko itong tinignan at nanglaki ang mata nito ng malaman na nito ang ibig kong sabihin.
“Oo, at gusto kong mapalapit sa kanya ng sa ganoon makuha ko ang buong tiwala n’ya. At kayo ang gagawa ng paraan magawa ko ang lahat ng yon. Hindi ako babalik sa pamilyang sinasabi n’yo hangga’t hindi pa bumabalik ang aking ala-ala, kaya naman magiging anak n’yo pa rin ako at kayo ang parin ang magulang ko. May plano ako kaya aasahan ko ang buong suporta mula sa inyo.” Salita ko sa kanila at napatango na lang sila sa mga sinasabi ko. Ako na lang muna ang gaganti at gagawa ng paraan para mas malaman ko kung paano kumilos ang isang Alonzo Tan, wala akong hihinging tulong sa mga De Lana dahil sa may gusto pa akong patunayan sa aking sarili para kapag humarap ako sa tunay kong mga magulang ay meron akong ipagmamalaki sa kanilang lahat.
Lumipas pa ang ilang araw at naging maayos na ulit ang pakikitungo ko sa mag-asawa, ginanpanan ko pa rin ang pagiging anak sa kanila at sila naman bilang mga magulang ko, kahit alam kong meron na rin kaming ilangan sa isa’t-isa. Pero ganon pa man ay nararamdaman ko ang kanilang pag-aalala sa akin, subalit lagi kong sinasabi na kaya ko itong harapan basta tulungan lang nila ako. Buo na rin ang plano ko sa aking isipan kaya naman dapat ko na lang itong gawin ng sa ganoon ay makita ko ang magiging resulta. Hanggang sa dumating si Tatay Samuel isang gabi at sinabi nitong pwde na akong magsimula bukas sa mansion bilang body guard ng anak nitong babae, madalas daw kasi itong tumatakas kaya kailangan na talaga nito ng tagabantay. Pinaalalahanan pa ako nito na sobrang lupit daw ng anak ng kanilang amo at manang-mana sa kanyang ama, kaya naman ipinag-iingat ako nito.
“Ako bahala sa anak niya, at huwag na kayong mag-alala dahil wala akong gagawin na hindi n’yo nalalaman.” Salita ko at saka na sila iniwan sa hapagkainan, lumabas na rin ko ng sa ganoon ay makapagpahangin dahil gusto ko rin huminga kahit sandali lang. Bumibigat na rin kasi ang kalooban ko dahil sa galit na meron sa aking dib-dib. Kasalukuyan akong naglalakad ng may nakita akong isang babaeng nakahiga sa buhanginan, nilapitan ko ito at nakita kong nakapikit na rin ito.
“Miss, gumising ka? Miss, miss” Tawag ko dito, may hawak itong bote ng alak at mukhang nakatulog na rin ito dahil sa kalasingan. Pero nanglaki ang aking mata ng makita ko ang maganda nitong mukha, ito rin kasi ang babaeng nagbalak magpamatay moong isang gabi. Mukhang mabigat nga ang pinag-dadaanan nito dahil sa nagagawa talaga nitong pabayaan ang kanyang sarili at huminga na lang kung saan.
“Ano ba hindi mo ba alam na natutulong ang tao.” Galit nitong turan ay saka dumapa pa ito kaya nalihis ang suot nitong damit at nakita ko ang mapuputi nitong hita, maganda talaga ng katawan nito at kung masamang lalaki lang ako at baka napagsamantalahan ko na rin ito. Naupo na lang ako sa tabi nito dahil mukhang wala naman itong balak na umuwi. Sasamahan ko na lang muna tutal naman ay wala na rin naman akong gagawin kung di ang magpahangin. Lumipas pa ang ilang oras ay hindi pa rin nagigising ang babae, nakaunan na rin ito sa hita ko. Naglikot kasi ito kanina kaya naman napalapit ito sa akin na hindi na rin nito namamalayan. Hanggang sa magkamalay ito at nakita kong nagmulat na rin ito ng mata, mabilis naman itong tumayo at inayos ang kanyang suot na dress.
“Sino ka at anong ginawa mo sa akin ha? Hayop ka ipapapulis kita?” Galit nitong tanong sa akin, kaya naman tumayo na rin ako para sagutin ang paratang nito sa akin.
“Alam mo hindi ka nga nagpasalamat ang sakit mo pang magsalita, dapat pala hinayaan na lang kitang pagsamatalahan ng mga lalaking dumadaan dito kanina, hindi na rin sana kita binantayan kung alam kong ganyang klaseng ugali meron ka. Sayang mukha ka pa naman mabait sana, pero mukha lang pala yon dahil ang totoo ay masama ng ugali mo.” Inis ko na ring sagot dito. Umalis na lang ako ng sa ganoon ay malaman nito kung gaano s’ya kasama sa mga taong tumutulong sa kanya. Wala naman akong nakitang sumunod ito kaya naman hinayaan ko na lang din ito, tutal naman mukhang kaya na nito ang kanyang sarili.